PALIPAT-LIPAT ang tingin ko sa kanilang dalawa. Ilang minuto na silang nagtitigan. Parang may kuryenteng lumalabas sa mga mata nila.
"Yo." si Tyler ang unang nagsalita.
"Yeah." sagot naman ni Ezekiel. Nilapag niya ang order kong chocolate ice cream. Sakanya naman ay vanilla. Umupo siya sa tapat ko na parang hindi niya nakita si Tyler.
"Ano nga pala ang ginagawa mo dito, forever?" tanong ni Tyler.
"Tigilan mo nga ang pagtawag saken ng forever." tiningnan ko siya ng masama.
"What? Endearment ko yan para sayo kaya tawagin mo din ako ng ganun. So, ano nga pala ang ginagawa mo dito?"
"We're dating. And obviously, you're disturbing us." si Ezekiel ang sumagot.
"Dating, huh?" tiningnan ni Tyler si Ezekiel tapos lumipat naman ang tingin niya saken. "Well if it's a date then..." hinila niya ang bakanteng upuan na nasa right side ko tapos umupo don. "Mind if I join?"
"What?" kunot-noong tanong ni Ezekiel. "Don't you have any respect?"
"This is just a friendly date, right? You're not even her boyfriend. Is he your boyfriend, forever?" binalingan ako ni Tyler.
"No. Hindi ko siya boyfriend." tanggi ko.
"Then that's settled. Let's have a friendly date. You, me and him." Tyler smiled at Ezekiel na parang nang-aasar.
Si Ezekiel naman magkasalubong pa rin ang mga kilay habang nakatingin kay Tyler.
"Ezekiel, yung ice cream mo natutunaw na." sabi ko sakanya. Sa sobrang sama ng titig ni Ezekiel kay Tyler hindi na niya namalayang natutunaw na ang ice cream niya.
"Thank you, love." he smiled at me and pinch my nose.
Love? Tinawag niya akong love?
"Mukhang masarap yang ice cream ah." narinig kong sabi ni Tyler. "Pwedeng pahingi, forever?"
Binalingan ko siya. "Marami ka namang pera dyan. Bumili ka ng iyo."
"Aww. Damot." he pout like a little kid. "Subuan mo na lang ako."
"Ayoko." inirapan ko siya at sumubo ng ice cream.
Hindi ako mapakali sa pagkain ng ice cream. Pano ba naman kasi, ikaw kaya ang tabihan ng dalawang hunks? Halos lahat ng mga tao dito sa mall napapatingin sa table namin. Jusko, ano ba 'tong pinasok ko?
Pagkatapos naming kumain ng ice cream ay naglakad-lakad kami. Ako ang nasa gitna nila. Pusa naman! Bakit ba naging ganito ang naging sitwasyon namin?
"Love..." natigil ako sa paglalakad nang tawagin ako ni Ezekiel. "We still have the tokens. Do you want to play in the arcade?"
Ay oo nga pala. Hindi pa namin nagamit ang tokens dahil sa period ko na parang kabute na bigla na lang susulpot.
"Arcade? Great! I love arcade! Tara, forever!" akmang hahawakan ni Tyler ang kamay ko pero nauna si Ezekiel sa paghila sa kamay ko.
Hindi na lang nagsalita si Tyler at sumunod na lang samen sa arcade.
Una naming nilaro ay ang basketball. Hindi pa naman ako marunong maglaro ng basketball. Walang-wala ako sa dalawang kasamahan ko ngayon. Naghulog ng token si Ezekiel at hinulugan niya din ang saken. Si Tyler may dala siyang sarili niyang tokens. May natira pa daw na tokens sakanya since nanggaling na daw siya dito.
Nagsimula na kaming maglaro. Bawat hagis ko ng bola sumasablay habang ang dalawa naman ay laging nasho-shoot sa ring. Sabi ko nga ba eh, pinapahiya ko lang ang sarili ko dito. Tsk.
BINABASA MO ANG
Love You Like Crazy
RomansaUnang kita pa lang ni Shawn Ezekiel Montefalcon kay Shane Kazumi Nishida ay na-love at first sight siya sa dalaga. Panay ang pagpapapansin at pagpapa-cute niya sa tuwing pupunta ito sa coffee shop kung saan nagtatrabaho si Shane bilang isang waitres...