-Seventeen-

116 4 0
                                    

One word to describe the house, CASTLE. Isang kastilyo ang nasa harap ko. Hindi ko mapigilang mamangha. At may swimming pool pa. Grabe lang, siguro milyon-milyon ang nagamit nila sa pagpapagawa ng bahay na to.

"Let's go?" Hinawakan ni Ezekiel ang kamay ko at pumasok kami sa loob ng palasyong to. May mga katulong din pala sila dito. "I think they're in the living room."

"B-bahay ba talaga to ng kaibigan mo?" Tanong ko.

"Yup. Pretty big, right? Pero mas malaki pa ang bahay ko kesa dito."

"Weh? Yabang mo din eh."

Pagdating namin sa living room ang daming mga bata. Nakasuot sila ng gown na pang princess at prince. And I bet the birthday celebrant is the cute girl wearing a baby pink gown with a silver crown on her head. Kalaro niya ang mga kaibigan niya.

Ang dami nilang bisita. Ang dami din nilang handang mga pagkain. Nagpa-catering pa sila ah. Grabe, children's birthday party pa ba to?

"There they are." Narinig kong sabi ni Ezekiel tapos may tinuro siya. Hinila niya ang kamay ko papunta sa isang mesa na pabilog kung saan andon nakaupo ang tatlong kalalakihan at tatlong mga kababaihan. I guess they are his friends.

"Brad, buti naman at dumating ka. Akala ko nakalimutan mo ang birthday ng anak ko. Sasapakin talaga kita." Tumayo ang lalaki at nakipag-fist to fist kay Ezekiel. Pagkatapos ay bumalik siya sa upuan niya katabi ang isang napakagandang babae na nakasuot na kulay asul na gown na sa tingin ko ay sobrang mahal. Sino kaya siya? Girlfriend niya?

"Damn you, Walter. Hindi ko makakalimutan ang birthday ni Wendy." Natawa si Ezekiel. There are two vacant seats kaya hinila niya ang isang upuan na nasa harap ko. "Have a seat, Love..."

"S-salamat..." umupo nako at umupo naman siya sa tabi ko.

"So, Zeke. Mind if you introduce the gorgeous lady with you?" Tanong ng isa pang babae na nakasuot ng kulay red na dress.

"She's Shane Kazumi Nishida." Sagot ni Ezekiel tapos binalingan niya ako. "Love, these three dorks here are my friends and the women with them is their wife."

Wife? May mga asawa na pala ang mga kaibigan niya? Sayang. Crush pa naman ni Hazel tong lalaking naka-eyeglass.

"Hi. I'm Charlene Veloso. Sean's wife." Pakilala ng babaeng nakasuot ng kulay puti na dress tapos tinuro niya ang lalaking nakasuot ng eyeglass na katabi niya. Ngitian naman ako ni Sean.

"And I'm Marinna Bautista. Greg's wife." Nakasuot siya ng kulay gold na tube dress. Inakbayan naman siya ni Greg at hinalikan ang noo niya.

"Paula De Guzman. Walter's wife." Pakilala ng asawa ni Walter. Siya yung nakasuot ng kulay red na dress. "Nice to meet you, Shane."

Hindi ko mapigilang mahiya. Ang gaganda nilang lahat! Parang hindi ako nababagay sa mundo nila.

"N-nice to meet you din." Tanging sagot ko.

"I believe that you are Zeke's girlfriend?" Tanong ni Charlene.

"H-hindi! Hindi niya ako girlfriend!" Mabilis kong tanggi at umiling ng maraming beses.

"Hindi pa? I thought you're his girlfriend. You too look perfect together." Sabi ni Marinna.

"I'm still courting her." Si Ezekiel ang nagsalita.

"What? No way!" Gulat na sabi ni Charlene.

"You've got to be kidding me. Is it true, Shane?" Tanong saken ni Paula.

Bahagya akong yumuko at nahihiyang tumango. Narinig kong nagtawanan ang mga kaibigan niyang lalaki.

"Saan naman kayo nagkakilala?" Tanong ni Paula.

Love You Like CrazyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon