-Twenty Three-

168 4 2
                                    

"Dito ka na lang matulog sa kama ko." Sabi ko pagpasok namin sa loob ng kwarto. Ang lakas kasi ng topak ni Lola eh. Bakit sa kwarto ko pa patutulugin si Ezekiel?

"How about you? Saan ka matutulog?" Tanong niya.

"Dito sa sahig." Sabay turo sa sahig. "May banig naman dyan kaya yun na lang ang gagamitin ko."

"No. I think you should sleep on your bed and I'll sleep here on the floor."

"Hindi pwede. Sa sahig ako, sa kama ka. Tapos ang usapan. Okay? Kaya matulog na tayo kasi maaga pa tayong gigising bukas sabi ni Lola."

"I don't want you sleeping on the floor."

"Ezekiel, baka nakakalimutan mo na bisita ka namin. Hindi kita pwedeng patulugin sa sahig kaya dyan ka na lang sa kama ko matulog. Okay? End of discussion."

Kinuha ko ang banig sa aparador. Kumuha na din ako ng unan at kumot. Malamig pa naman anf simoy ng hangin kapag gabi. Hinanda ko na ang higaan ko at hihiga na sana nang magsalita siya.

"Tatabihan na lang kita."

"Ano?!" Gulat na tanong ko sakanya.

"Ayaw mong matulog sa kama, ayaw ko din kaya tabi na lang tayong matulog sa sahig."

Bumagsak ang panga ko sa sinabi niya. "Baliw ka ba?! Bakit ka tarabi saken matulog dito sa sahig?!"

"Bakit, ayaw mo?"

"Syempre ayoko! Ezekiel, ano na lang ang iisipin ng pamilya ko kapag nakita nila tayong magkatabing matulog?"

"Magtatabi lang naman tayo ah? Wala naman tayong gagawing kakaiba. Unless..." ngumiti siya ng nakakaloko. "Gusto mong may mangyari satin?" Tumaas-baba ng mga kilay niya.

Bigla akong kinilabutan. Pakiramdam ko tumayo lht ng balahibo ko sa dahil sa sinabi niya. Sa inis ko, kinuha ko ang unan na nasa likod ko at binato ko yon sa kanya. Tinamaan siya sa mukha. Ayun, sapul! "Bastos!!"

"Relax, joke lang yon. Wala akong gagawing masama sayo. You know me, good boy ako."

"Good boy mo mukha mo! Bahala ka nga kung gusto mong matulog sa sahig tapos ako na lang dyan sa kama."

So ayun, siya sa sahig. Ako sa kama ko. Eh gusto niya sa sahig eh kaya pinagbigyan ko na.

Napakatahimik ng gabi na ito at heto ako, dilat na dilat pa rin ang mga mata. Hindi kasi ako makatulog. Pano ba kasi kasama ko si Ezekiel dito sa kwarto ko! Hindi ako sanay na may kasama akong iba pwera na lang kung mga pinsan ko ang kasama ko dito sa kwarto ko.

Napabuntong-hininga ako. Tulog na kaya si Ezekiel? Dahan-dahan kong inangat ang kalahati ng katawan ko at sinilip siya sa ibaba. Nakatakip yung braso niya sa mga mata niya at kalahati lang ng mukha niya ang nakikita. Nakaawang din yung labi niya kaya medyo nakita ko ang ngipin niya. At bakit siya nakahubad ng pang-itaas? Malamig kaya! Baka sipunin siya. Aish, lalaking to talaga! Gustong magka-sakit eh!

Kinabahan ako nang bigla siyang gumalaw. Akala ko magigising siya pero inalis lang pala niya ang braso niya mula sa pagkakatakip sa mga mata nito at pinatong yon sa tyan niya. Binaling ang ulo sa direksyon ko.

Napatitig ako sa mukha niya. Bakit ang gwapo ng lalaking to? Kahit saan ko siya tingnan, wala pa ring magbabago. Gwapo pa rin. Napaka-perpekto ng mukha niya. May matangos na ilong, mataas na pilik-mata, perpektong hugis ng kilay tapos mapupulang mga labi.

Bakit perfect ang pagkakagawa ni God sayo, Ezekiel? Siguro nung nagpasabog ng blessing si God nagdala siguro siya ng sako at sinalo lahat.

Naalala ko yung sinabi niya saken nung nasa kusina kami...

Love You Like CrazyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon