Kanina pako pabalik-balik ng lakad dito sa kwarto ng kambal at iniisip kung pupunta ba ako sa date namin ni Tyler o hindi. Napatingin ako sa orasang nakasabit sa ibabaw ng pinto. It's already 5:20, tapos hindi pako nakabihis dito.
"Anak?" Natigil ako sa paglalakad nang biglang bumukas ang pinto. Sumilip si Mama.
"Ma?" Tanong ko.
"May problema ka ba? Kanina ka pa palakad-lakad dito da kwarto." Pumasok si Mama at lumapit saken. "Nag-away ba kayo ni Ezekiel?"
Umiling ako. "Hindi po. Okay naman po kami."
"Oh eh bakit problemado yang itsura mo?"
Tiningnan ko si Mama. Tapos napabuntong-hininga ako. "Eh kasi, Ma... may date kasi kami ni Tyler ngayong alas sais."
"Ows? May date pala kayo ni Tyler eh bakit hindi ka pa nakabihis?"
"Mama... nalilito po kasi ako kung pupunta ba ako o hindi." Suddenly I feel anxious. "Hindi ko pa kasi nasabi kay Ezekiel na may date kami ngayon ni Tyler. Tapos hindi ko rin nasabi kay Tyler na sinagot ko na si Ezekiel." Naupo ako sa kama ko. "Mama, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kinakabahan ako sa maaaring mangyari."
"Anak..." umupo si Mama sa tabi ko at hinaplos ang buhok ko.
"Ano pong gagawin ko?"
"Wala akong masyadong maipapayo sayo, anak. Pasensya na."
Ngumiti ako kay Mama. "Okay lang po."
Pero deep inside, kinakabahan ako.
--
Dumating na ang alas sais at nakabihis nako dito sa kwarto. Andito ang kamabl at tinulungan nila akong magbihis at mag-ayos. Mas magaling pa silang mag-ayos kesa saken eh.
"Sigurado ba kayong okay lang ang itsura ko?" Tanong ko sa dalawang nakaupo sa kama at nakatingin saken.
Hindi ko alam kung bagay ba talaga saken tong damit na pinasuot saken ng kambal. Masyado kasing maikli eh. Tapos kinulot nila ang dulo ng buhok. Ay ewan ko! Sila kasi ang nag-ayos saken. Parang nahihiya tuloy akong lumabas na ganito ang suot ko.
"Oo nga. Ang kulit ni Ate. Pang-limang tanong mo na yan samen eh. Nakaka-stress ka naman." Napakamot ng ulo si Shai.
"Halatang excited ka sa date niyo ni Kuya Tyler." Sabi ni Jai.
"Kinakabahan nga ako dito eh." Sabi ko.
"Mas bet ko pa rin si Kuya Tyler para sayo, Ate. Solid ShanLer kaya ako!" Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Jai.
"Anong ShanLer?" Tanong ko.
"Duh, Ate? Pinag-combine ko lang ang pangalan mo at ni Kuya Tyler kaya ShanLer. Gets mo?"
"Ay naku, Ate. Huwag kang makinig dyan kay Jai. Basta ako, solid ShanKiel ako!" Sigaw naman ni Shai.
"Pati ba naman pangalan namin ni Ezekiel pinag-combine mo din?" Tiningnan ko si Shai.
BINABASA MO ANG
Love You Like Crazy
RomanceUnang kita pa lang ni Shawn Ezekiel Montefalcon kay Shane Kazumi Nishida ay na-love at first sight siya sa dalaga. Panay ang pagpapapansin at pagpapa-cute niya sa tuwing pupunta ito sa coffee shop kung saan nagtatrabaho si Shane bilang isang waitres...