-Fifteen-

140 3 0
                                    

Okay, I seriously don't believe this. Dapat ko na ba siyang dalhin sa ospital?

Andito lang naman kami sa likod ng bahay namin at naglalaba. Oo, naglalaba KAMI. Holy cockroach! Di ko aakalain na marunong din palang maglaba ang lalaking to!

Nakaupo kaming dalawa at nasa harap namin ang plangganang may mga damit at kinukuskos namin.

Tiningnan ko siya habang busy siya sa paglalaba ng damit namin. "Alam mo, hindi mo naman ako kailangang tulungan sa paglalaba eh. Kaya ko na naman to."

"It's fine, Love..." Nakangiting sabi niya.

"Ezekiel, are you for real?"

Kunot-noong tumingin siya saken. "Why?"

"How come a CEO of a business empire knows how to wash clothes? Using bare hands! Without using a washing machine?!" Gulat na sabi ko. "You're really impossible!"

Natawa siya sa reaksyon ko. "Hindi porket ako ang CEO ng isang business empire eh hindi nako marunong maglaba."

"Pero usually kasi ang mga tulad niyo umaasa lang kayo sa mga katulong niyo."

"Not everyone is like that." Pinagpatuloy niya ang paglalaba. "I learned this from my Mom. She said I should be independent. Hindi sa lahat ng oras ay ang mga katulong namin ang gumagawa ng mga gawaing bahay. Minsan ako din ang gumagawa. Ako yung nagluluto ng breakfast namin minsan kaoag hindi ako busy sa company o wala akong appointments. Minsan ako rin yung naglalaba ng mga damit ko don sa kwarto ko sa banyo. That's how my Mom taught me."

"Marunong ka rin magluto?" Di makapaniwalang tanong ko.

"Of course I can."

Nganga ako.

Hindi na lang ako nagsalita at pinagpatuloy ko na lang ang paglalaba.

Pagkatapos naming maglaba at magsampay pumasok kami sa loob para magluto ng lunch. Nagpresinta kasi siyang magluto para saming dalawa. And  by the way, nakadamit na po siya. Suot na po ulit niya ang sando niya.

"Anong lulutuin mo?" Tanong ko.

"Hm... anything under the sun?" Natatawang sagot niya pero patanong. Natawa din ako.

"Actually, I want to go to the palengke today since kulang ang mga kakailanganin kong sangkap para sa recipe ko."

"Pupunta kang palengke? Ngayon na mismo?"

"TAYO. Pupunta tayo sa palengke. At oo, ngayon na mismo." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila palabas ng bahay.

Palengke? Pupunta kaming palengke?

"Teka, magbibihis muna ako." Sabi ko.

"Huwag na. Okay na yang suot mo."

Pumara siya ng jeep. Jeep? Hindi ba niya gagamitin ang kotse niya? Ibang klase din siya ah. Dala niya ang kotse nita tapos hindi niya gagamitin?

Pinauna niya akong sumakay ng jeep at sumunod naman siya. Walang masyadong pasahero dito sa jeep kaya maluwag pero si Ezekiel kung makadikit saken parang magnet.

"Nakapunta ka na ba sa palengke?" Tanong ko sakanya.

"Oo. Dati nung namili kami ng isda ng Mom ko." Sagot niya.

"Iba ka rin noh? Yung ibang mayayaman nga sa supermarket agad ang punta kapag gustong bumili ng ingredients nila sa pagluluto tapos ikaw sa palengke?"

"Mura kasi ang mga bilihin sa palengke kumpara sa supermarket. Tsaka ang saya kaya bumili don sa palengke. Madami kang choices na pwede mong pagpipilian."

Love You Like CrazyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon