Chapter 2: Meet princess Rachel

2.2K 51 3
                                    

Si princess Rachel pala ang nasa pic ^_^

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Si princess Rachel pala ang nasa pic ^_^

Chapter 2: Meet princess Rachel

Rachel's POV

"Prinsesa Rachel, nakahanda na po yung pagkain sa lamesa. Kumain na po kayo kasama ni Haring Richard at Reyna Eva." ani ng katulong namin sa akin.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Kakagising ko lang ngayon. At pagkagising ko ay nakita ko ang maganda kong damit para sa kasal ko bukas. Bumangon na ako at tinignan ko ito. Hindi na ako makapaghintay bukas!

Pumunta na ako sa kung saan sina ina & ama. Kumakain sila ngayon ng agahan kasama ang kapatid ko na si Maria. Binati ko silang tatlo at hinalikan sa pisngi.

"Magandang umaga ina. Ama . Maria."-ako

"Mabuti naman at gising kana. Kumain kana dito at mamaya bibisita dito si Niño at ang mga magulang niya."-ama

"Opo ama."-ako

Dali-dali akong pumunta sa upuan at kumain. Hindi na ako makapaghintay na makarating dito ang magiging asawa at magiging hari ko.

Ako nga pala si Rachel, ang anak ni Haring Richard at Reyna Eva. Galing kami sa pamilyang Moore (Mor po ang pagbasa). Ako ay labing anim (16) na taon. At kahit ganito pa ang edad ko ay magpapakasal na ako dahil sa batas ng kaharian ESCA, ang unang anak ng hari at reyna ay mag-aasawa kapag ito ay nasa labing anim na taon na. At kapag siya ay nag asawa na ay sa kanya at sa kanyang asawa ipapamana ang trono ng pagiging reyna o hari.

At ang lalaking pakakasalan at ang magiging hari ko ay si Prinsipe Niño na galing sa pamilyang Salambaw. Matagal ng patay ang ina niyang si Reyna Cecilia kaya ang ama niyang si Haring Juan ang nag-aalaga sa kanya mag-isa. Malapit na magkaibigan ang aking ama kay Haring Juan kaya napagkasunduan nilang kaming dalawa ni Prinsipe Niño ang ikakasal. Hindi naman ako tutol doon dahil mahal namin ni Niño ang isa't-isa.

Pagkatapos kong kumain ay pumunta ako sa hardin naming para tignan ang mga magagandang bulaklak.

Haaay. Magiging espesyal ang hardin na ito dahil dito kami ikakasal ni Niño. Hindi na ako makapaghintay bukas! Hehehe.

Bigla naman akong may narinig na kaluskos. Tumingin naman ako sa likod at nakita ko si Maria.

Si Maria ay ang nag-iisang kapatid ko. Siya ay labing limang gulang palang. Isa siyang mahinhin at tahimik na babae.

Nakita kong tumitingin siya sa akin na may halong lungkot. Nilapitan ko naman siya at tinanong.

"Maria, kapatid ko. Anong nangyari't malungkot ka. May nangyari ba sayo?"-ako

"Wala ate Rachel. Masaya lang ako't ikakasal ka na bukas. Sana maging masaya kayong dalawa ni Prinsipe Niño." Ani ng kapatid ko na may halong sakit.

Hindi ko alam pero parang may tinatago ang kapatid ko sa akin kaya siya malungkot. Mula pa nung inanonsiyo ni ama na ikakasal ako kay Niño, lagi na siyang malungkot at lagi ko siyang naririnig na umiiyak sa kwarto niya. Bakit kaya?

"Maria, may itinatago ka ba sa akin na hindi ko alam?"-ako

"Ha....umm. Wala ate. Bakit naman po ninyo tinatanong yan sakin?"-Maria

Kahit sa salita palang niya, alam kong may tinatago siya. At sa tingin ko ay tungkol ito sa kasal ko bukas. Teka.....hindi kaya.....

"Maria, mahal mo rin ba si Niño?"-ako

Hindi ko alam pero yan ang lumabas sa bibig ko. Yan lang kasi ang kaya kong maisip na dahilan kong bakit siya malungkot. At tsaka noon kasi, nung hindi pa inanonsiyo na ikakasal na ako, lagi niyang ikinekwento sa akin ang lahat tungkol kay Prinsipe Niño. At tsaka gusto niya na lagi niyang kasama ito.

"Ano ba ate. Wag kang mag-isip ng ganyan. At tsaka ikakasal ka na bukas sa kanya tapos sasabihin mo na gusto ko siya. Wag ka ngang ganyan ate. Hahaha."-Maria

Alam kong pilit lang ang tawang ginagawa niya. At tsaka nakita ko sa mata niya ang sakit nung sinabi niya yun.

"Maria, wag ka nang mag sinungaling pa. Alam mo ba na noon ko pa yan napansin. Hindi naman ako magagalit eh. Sabihin mo lang yung totoo sa akin."-ako

Dahil sa sinabi kong 'yun, umiyak si Maria at niyakap ako.

Sabi ko na ngaba. Haaay.

"S-sorry ate. P-pero ang t-totoo niyan, *sniff*, noon ko pa siya m-mahal. *sniff*. S-simula pa nung *sniff* bata p-pa kami, nakita k-ko na s-siya. *sniff*. S-simula nun, m-minahal ko na siya *sniff*". Nabigla naman ako sa sinabi niya.

Ibig sabihin siya talaga ang unang nagmahal at minahal ni Prinsipe Niño.

"N-nagkita k-kami at *sniff* naging k-kaibigan kami. *sniff*. P-pero ngayon, pinagkamalan k-ka niya na ako k-kaya *sniff* ikaw ang p-pinili niya. Pero ate *sniff*, a-ako yung b-batang sinabi n-niyang *sniff* n-nakita at naging k-kaibigan niya. A-ako yung *sniff* p-papakasalan niya s-sana *sniff*."-Maria

Naalala ko na nung una kaming nagkita ni Prinsipe Niño nung dalaga na ako, sabi niya, ako raw ang batang minahal niya dahil pareho kami ng mukha nung bata. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya pero tinanggap ko ang alok niya na kasal sa akin dahil mahal ko rin naman siya nung una pa kaming nagkita. Pero hindi ko alam na ang batang tinutukoy niya ay si Maria. Nagkamali lang siya dahil pareho kami ng mukha ng kapatid ko.

At ngayon, itong kapatid ko rin pala ay mahal niya ang lalaking pakakasalan ko. Hindi maaari.

"Sorry Maria, hindi ko alam."-ako

"Okay lang ate. Atsaka, ayokong sirain ang kasal niyo bukas dahil lang nalaman mo na ako yung batang nakita ni Prinsipe Niño."-Maria

Naghiwalay na kaming dalawa sa pagyakap at pinunasan ko ang luhang dumaloy sa mata ni Maria.

"Wag ka nang umiyak. Hindi naman ako galit sayo eh. Pero, Maria. Pasensya na kung nasaktan ko ang puso mo. Alam kong mahal mo siya per—" hindi ko natuloy yung gusto kong sasabihin dahil pinutol niya ito.

"Ano ba ate, okay lang sa akin yun. Halika ate, punta tayo sa gubat kung saan kami unang nagkita ni Prinsipe Niño. Ikukwento ko doon ang magagandang nangyari nung bata pa kami."-Maria

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Haay. Buti nalang at ayos lang sa kanya. Pero, nag-alala pa rin ako sa kapatid ko. Dahil kung ako ang nasa posisyon niya, masakit din ang maramdaman ko.

Pumunta na kami sa gubat kung saan sinasabi niyang una silang nagkita ni Prinsipe Niño. Nagselos ako nang kunti dahil si Maria pala ang unang minahal niya. Pero hindi ko muna inintindi yun.

"Dito, dito sa punong ito una kaming nagkita." Sabi ng kapatid ko na may halong ngiti. "Umiiyak ako nun nung nakita ako ni Niño. Kinwento ko sa kanya na pinagalitan ako ni ina kaya pumunta ako dito at umiyak. At simula nun, naging magkaibigan kami. Hindi niya alam ang pangalan ko, pero yung sa kanya alam ko. At kahit hindi na kami nagkita noong bata pa kami, nakatatak na sa utak ko ang mukha niya at ang pangalan niya."

Nakikinig lang ako kay Maria ng may napansin ako dito sa gubat. Kung hindi ako nagkakamali, ito yung gubat na pinagbabawalan puntahan dahil may talon dito na pinaniwalaang lugar ng mga engkanto. At kapag nahulog ka doon ay hindi ka na makakabalik. Bigla naman akong natakot kaya napaatras ako kay Maria. Nagulat naman siya sa ginawa ko.

"Bakit ate Rachel, may problema ba?"-Maria

"Maria, umalis na tayo dito. Delikado ang lug—" hindi ko natapos ang pagsalita ko dahil biglang may kumaluskos kaya napasigaw ako sa takot.

"KYAAAAAA!!!!!"

"Teka ate, wag mo 'kong iwan!"-Maria

Hindi ko alam kong anong nangyari sa akin basta tumakbo nalang ako ng tumakbo dahil sa takot. Hindi ko na rin alam kung saan ako pinupunta ng paa ko. Hanggang sa......










"KYAAAAAAAAAA!!! TULONG!!!!"

The three Idiots and the PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon