◘Chapter 6: The lost Princess
Third Person's POV (A.N-ang setting po nito ay yung nahulog si Rachel sa talon)
Grabe yung pagtakbo ni Maria para lang maka uwi sa palasyo. Basta ang gusto niya lang ay makalayo sa gubat dahil natatakot siya't nawawala pa ang ate niya.
Ang Hari at Reyna naman na nasa palasyo ay hinahanap ang dalawa nilang anak. Nakarating na kasi ang mapapangasawa ni Rachel.
"Magandang umaga sa inyo Reyna Eva, Haring Richard. Nasaan na po ba si Prinsesa Rachel?" tanong ni Prinsipe Niño sa kanila.
Napatingin na lamang sina Reyna Eva at Haring Richard sa isa't isa. Dahil kahit sila ay hindi alam kong nasaan ang anak nila.
Bigla naman sila tumingin sa parating na si Maria. Pagod na pagod siyang nakarating sa harapan nina Prinsipe Niño. Nagulat naman ang tatlo at nagtanong.
"Oh Maria, anak. Anong nangyari sayo? Saan ka nanggaling at parang pagod na pagod ka?"-Eva
"Asan nga pala ang ate mo? Kasama mo ba siya? Kanina pa kasi namin kayo hinahanap."-Richard
Nabigla naman siya sa tanong ng ama niya.
"Ama, pasensya po, pero...." Hindi muna tinuloy ni Maria ang dapat niyang sabihin dahil natatakot siya. Pero....
"Maria! Kung alam mo kung nasaan si Prinsisa Rachel, nagmamakaawa ako sayo, sabihin mo na. Ayokong mawala siya."-Niño
Napatingin naman si Maria sa kanya. Alam na niyang hindi siya mahal ni Niño pero masakit pa rin sa kanya na marinig ang katagang iyon. Wala na siyang nagawa kundi sabihin ang totoo.
"Ang totoo niyan...kasama ko siya kanina papuntang gubat. Pero, bigla na lang siyang tumakbo at nagkahiwalay kami. Hinanap ko naman siya pero hindi ko siya makita kaya bumalik na ako dito."-Maria
Nagulat naman ang mag-asawa at si Niño sa sinabi ng dalaga.
"Gubat? Ang tinutukoy mo bang gubat ay yung bawal puntahan?" tanong ng hari sa anak. Tumango naman si Maria at yumuko.
"Bakit kayo pumunta doon?! Alam niyo namang mapanganib doon diba! Pinagbawalan ko na kayo noon!" nabigla naman si Maria sa pagsigaw ng ama niya. Sinisi niya ang sarili niya kung bakit nawala ang ate niya.
"Pasensya po ama. Hindi ko po sinasadya. Pasensya na po."-Maria .
"Ba't ba kayo pumunta doon?!"-Hari
Nabigla si Maria sa tanong ng ama niya. 'anong isasagot ko?' ani niya sa sarili niya. Tumingin siya kay Niño. Hindi niya kayang sabihin sa harap ng ama niya kung ano ba talaga ang dahilan ng pagpunta nila doon kaya napayuko na lang siya.
Napasalita naman si Prinsipe Niño, "Wag na muna natin pagusapan yan. Ang mahalaga ngayon ay dapat nating mahanap si Prinsesa Rachel. Maria, ituro mo ang daan kung saan kayo pumunta."
Sinunod naman niya ang utos ng prinsipe at sumakay na sila sa kani kanilang kabayo. Pumunta na sila doon sa sinasabing gubat.
Nang makarating sila doon, sinimulan na nilang hanapin si Rachel. Sigaw sila ng sigaw ng pangalan ng prinsesa, umaasang sasagot ito pero hindi iyon nangyari.
Dalawang oras na silang naghahanap ng maramdaman nila ang pagod, kaya nagpahinga muna sila. Umupo naman ang prinsepe sa isang puno.
Nang makaupo na siya doon sa puno, may napansin siya.
Bigla naman niyang naalala yung batang babaeng nakita niya sa puno nung bata pa siya.
◘FLASHBACK◘
"Bata, ba't ka umiiyak?" tanong ni Niño sa batang babaeng umiiyak sa isang puno.
"N-nabasag ko kasi y-yung *sniff* plorera n-ni ina k-kaya*sniff* p-pinagalitan niya ako." Sabi nung batang babae. Niyakap naman ni Niño yung batang babae kaya nabigla ito. Napayakap din ito ng pabalik.
"Salamat" sambit ng batang babae na nagpangiti kay Niño. Naramdaman din niya na biglang bumilis ang tibok ng puso niya. "Walang anuman." Sagot niya sa batang babae.
Naghiwalay naman sila ng yakap at pinunasan ni Niño ang luhang dumadaloy sa mata ng batang babae.
"Wag kang mag-alala. Humingi ka lang ng tawad sa kanya, sigurado akong papatawarin ka ng ina mo."-Niño
"Talaga? Sige gagawin ko yan."-bata
Nung araw na yun, naging magkaibigan sila, pero hindi nila alam ang pangalan ng isa't isa.
"Ang sarap mo palang kasama. Binibini."-Niño
At ngumiti ito ng napakatamis.
"Ay oo nga pala, hindi pa tayo nagpapakilala sa isa't isa."
Nagtawanan naman sila.
Nilahad naman ni Niño ang kamay niya at nagpakilala.
"Ako pala si Prinsipe Niño, galing sa pamilyang Salimbaw. Ikaw?" tanong ni Niño sa bata. Magsasalita na sana ang batang babae ng may dumating na lalaki.
"Anak, nandito ka lang pala. Alam mo bang kanina ka pa naming hinahanap ng ina mo. Tayo na sa palasyo." Ani ng lalaking dumating. Hinila naman ng lalaki ang batang babae at umalis. Pero bago pa tuluyang mawala sa paningin ni Niño ang mag-ama ay nginitian muna nito ang batang babae, kaya nginitian rin siya nito. At dun na humiwalay ang kanilang landas.
Araw araw pumupunta doon sa puno si Niño, nagbabakasakaling babalik ang babaeng una niyang minahal. Pero ilang taon siyang naghintay at bigo siyang makita ang batang babae.
◘END OF FLASHBACK◘
Napangiti na lamang siya nang maalala niya iyon. Lalo na't ang punong inuupuan niya ngayon ay ang punong inupuan ng batang mahal niya noon. Medyo matanda at malaki na ang puno ngayon.
Napangiti rin si Maria ng makita niya si Niño na nakaupo doon sa puno.
Napatigil naman ang pag-iisip ni Niño ng marinig niya ang sigaw ng tauhan niya papalapit sa kanya.
"Prinsipe Niño! Prinsipe Niño! Nakita po namin ito malapit sa talon na pinagbabawalang puntahan."
Pinakita naman ng tauhan ang nakita niya. Isang ipit para sa buhok na kulay pink at may limang perlas na disenyo. Nabigla naman si Niño, Maria, Richard at Eva. Alam nilang kay Rachel iyon.
(Ito po yung pic ng clip ni Rachel)
"Alam kong kay Prinsesa Rachel iyang ipit sa buhok. Ginoo, pwede mo bang ituro kung saang banda mo ito nakita."-Niño
"Opo Prinsepe Niño"-tauhan
Pumunta naman silang apat doon. Tinuro ng tauhan ang lupang malapit sa daluyan ng talon.
Nang makalapit na ang Reyna at Prinsesa sa talon, napayakap na lang sila sa Hari dahil nakakatakot ito tignan lalo na't madilim ito.
Napaisip naman si Niño, 'kung dito nakita ng tauhan ko ang ipit na ito, ibig sabihin......'
Napatingin na lamang siya sa talon at hindi makapaniwala sa konklusyon niya.
"Hindi kaya nahulog ang Prinsesa dito?"-Niño
Nagulat naman ang tatlo ng marinig nila ang sabi ng prinsepe. Hindi sila makapaniwala sa sinabi ni Niño pero sa sitwaysong ito, yan lamang ang tanging dahilan kung bakit nawawala si Rachel.
Napaiyak na lamang ang pamilya ni Rachel.
BINABASA MO ANG
The three Idiots and the Princess
Fiksi Penggemar◘Prologue: IDIOT Kapag narinig natin ang salitang yan, laging lumalabas sa isip natin ay bobo, tanga, hangal, walang alam. Pero itong mga idiot sa storyang ito ay mga matalino, matulungin, mapag-alala, cool, masayahin at magaling magbigay ng...