Chapter 14: Kirsten's other side

910 40 0
                                    

(Si Kirsten Thomas ang nasa pic ^_^)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Si Kirsten Thomas ang nasa pic ^_^)

Chapter 14: Kirsten's other side

Kirsten's POV

Naku po, 15 minutes na akong late sa meeting namin. Ako pa naman ang Editor-in-Chief ng club.

Ay teka, malayo pa naman ako sa room namin kaya magpapakilala muna ako sa inyo.

Ako si Kirsten Thomas. 16 years old. Gusto ko laging nakaponytail ang buhok ko. So yun lang siguro kasi nagmamadali ako. Hehe.

Grabe na yung takbo ko papuntang Teitan Journalism Club room. Kainis! Bakit kasi nasa second floor ang room namin.

Pumasok ako sa loob ng hingal na hingal.

"SORRYNALATEAKO!" walang tigil kong sabi.

"Aba! Nandito na pala ang leader nating nagsabi na kailangan 9:30 imputo, nandito na. At kapag 9:31 ka nakarating, may punishment. Eh sino 'tong 30 minutes late! Hay naku."

Tss, kahit kailan talaga bad trip 'tong si Harley. Kailan ba titigil yang pagtukso niya sakin. Hmpf!

"Oo na! Ako na ang late."-ako

"Teka, diba sabi mo ang late may punishment. So, may punishment ka galing sa Associate Editor ng club."

At ngumiti naman siya ng nakakaloko. Naku po. Ayokong galing sa kanya ang parusa.

"Aba, ano ka Hari para sundin ko yang sinasabi mo."-ako

"Okay. Pagbibigyan na lang kita ngayon. Basta magsimula na tayo. Kanina pa kasi kami bagot na bagot dito kakahintay sayo."-Harley

"Oo na po. Eto na. Tss."-ako

Pero bago pa ako pumunta sa table at chair ko na nasa harap, bigla akong may naalala.

"Ay, oo nga pala Harley. Ito na yung uniform."-ako

"Ah ito ba. Salamat."-Harley

Actually, nalate ako dahil diyan. Eh kasi, parang ayokong ibigay yung uniform ko sa kanya. Para kasing nalink yung babae doon kay Harley. Kaya nagseselos ako doon.

Hay... Oo, mahal ko siya. Noong bata pa lang kami, nagsimula ng tumibok yung puso ko ng napakalakas dahil sa kanya. Hindi ko nga alam kung bakit sa dinami daming matinong lalaki sa mundo eh sa kanya pa na saksakan ng kakulitan ako nahulog.

Pero, wala na akong magagawa, nahulog na ako sa kanya eh.

Pero, hindi pa rin niya alam yung tungkol sa damdamin ko. Kahit sa kaibigan o pamilya ko wala talaga akong pinagsabihan. Pero si Serena alam na niya, ang galing magimbestega yun eh. Mahirap na kasi pag nalaman niya tapos hanggang kaibigan lang naman ang tingin niya sakin. Ayoko namang masaktan ng maaga.

"Hoy! Akala ko ba magsisimula na ang meeting, ba't nakatulala ka pa diyan."

Nagulat na lang ako sa boses ni Serena. Nandito na pala ako sa upuan ko. Hindi ko man lang napansin. At nakatulala pa ako. Naku po.

The three Idiots and the PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon