Chapter 37: Date

507 33 1
                                    

Chapter 36: Date

Harley's POV

Ang saya saya saya ko ngayon! Super! Eh kasi naman, Kirsten is officially my GIRLFRIEND!!!

Yung babaeng akala ko kaibigan ko lang. Yun pala, siya ang soulmate ko. Kung hindi dahil sa mga kaibigan ko at sa kanya, hindi ko malalalaman ang tunay kong nararamdaman para kay Kirsten.

Alam niyo ba kanina nung kinausap ko si tito Ginshiro, kinakabahan ako ng sobra. Baka kasi suntukin niya ako dahil sa ginawa ko sa anak niya. Pero hindi, pinayuhan pa niya ako. Ang bait talaga niya. Ang saya ko nga nung sinabi niyang boto siya sakin para kay Kirsten.

At pangako ko na itong babaeng katabi ko ngayon ay mamahlin ko at di ko sasaktan magpakailanman. :)

Nandito kami ngayon sa park, nakaupo sa swing habang naghoholding hands at tinitignan ang mga taong nasa park din. Mga bata, teenagers at matatanda. Meron ding couples at yung iba eh mag-isa lang.

Napatingin naman ako kay Kirsten na kasalukuyang masayang tinitignan ang mga tao. Napangiti naman ako sa view ko. Ang ganda kasi eh.

Napatingin rin siya sakin at binigyan ako ng napakatamis na ngiti.

Kaya hinalikan ko ang kamay niya at nagsalita.

"I love you Kirsten. Thank you at naging girlfriend kita."-ako

Hinawakan naman niya ang magkabila kong pisngi.

"Walang anuman yun. I love you too Harley."-Kirsten

Nakarinig naman ako ng tunog ng nagtitinda ng sorbetes kaya napatingin ako doon.

Wow, dirty ice cream.

Tinignan ko naman si Kirsten.

"Bibili muna ako ng ice cream."-ako

Nagnod naman siya kaya tumayo ako at bumili dun sa sorbetero ng dalawang ice cream.

Tapos bumalik na ako sa pwesto namin at ibinigay kay Kirsten ang isang ice cream. Tapos nagsimula na kaming kumain.

Habang kinakain ko ang ice cream ko, may bigla naman akong naalala.

Hahaha. Nang dahil sa ice cream, nagkakilala kami ni Kirsten.

  ◘  FLASHBACK◘

Nagbabike ako ngayon sa park. May bisita kasi ngayon sina mommy at poppy kaya dito muna ako.

Wala namang gaanong tao dito sa park kaya binilisan ko ang pagtakbo ng bike ko.

Habang nagbabike ako, di ko inasahang may lilipad na bola papunta sa daraanan ko at may batang babaeng pumunta doon para kunin kaya napaiwas ako at natumba ako.

"Aray!! Ang shakit!!" sigaw ko habang hinahawakan yung tuhod ko.

Eh ang sakit eh. Nasugatan pa nga ako eh. Hayst!!

Nabigla naman yung bata kaya pinuntahan niya ako.

"Okay ka lang ba bata?"

Napatingin naman ako sa kanya.

"Sha tingin mo?! Anshakit kaya!!!"

Hindi ko mapigilang magalit. Eh ansakit eh.

Inilalayan naman niya akong tumayo at pinaupo sa bench.

Napatingin tingin naman siya sa paligid. Tapos tinignan niya ako.

"Dito ka lang ha. May bibilhin lang ako."

Tapos tumakbo siya.

Hayst. Ano ba gagawin niya. Ansakit na talaga.

Bumalik naman yung batang babae at may dala na siyang dalawang ice cream. Binigyan ko naman siya ng 'Ano-yan-look'.

The three Idiots and the PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon