(Si Hakub pala ang nasa pic <3)
◘Chapter 20: Hakub's first day
Jimmy's POV
Pagkatapos ng pagyayakapan, umupo muna kami doon sa puno para interview-hin si Hakub. Nakaupo kami sa ilalim ng puno at nagsimula ng magtanong.
"Anong full name mo?"-ako
"Taga saan ka?"-Harley
"Ilan ka na ba?"-Kaito
"Anong year ka nag-aral dito?"-ako
"Anong hobby mo?"-Harley
"Kaano ano mo si Aoko?"-Kaito
At nagtanong pa kami ng tanong. Halos hindi na nga siya makasingit sa tanong namin eh. Masyado kasi kaming mabilis magsalita. Hehehe. *peace*
"Umm........ano....ahhh.......guys?....."-Hakub
Halos hindi na siya makapagsalita. Hanggang sa bigla siyang sumigaw.
"ANO BA! TUMAHIMIK NGA KAYO MUNA. MAHINANG KALABAN KAYA DAHAN DAHAN LANG!"-Hakub
Tumahimik naman kami.
"Haaay. Ako si Hakuba Hondou. Hakub for short. Guru ang middle name. I'm 16 years old at taga ******** city ako.
Nagsimula akong mag-aral noong 3rd year ako. Hindi ako gaano sikat kaya hindi niyo siguro ako kilala. Bookworm ng Class 4-D ang tawag nila sakin kasi palagi akong nagbabasa ng libro. Pero hindi naman ako matalino eh. Novels at manga lang naman ang mga binabasa ko. Hobby ko ay reading, playing computers at watching anime. Classmate at friend ako ni Aoko pero hindi kami gaanong close. My mom's a british while my dad's a Filipino. Favorite subject is Recess. So...... nasagot ko na ba lahat ng tanong niyo?"-Hakub
Grabe siya oh. Walang talagang tigil sa pagsalita. Hindi ko na nga maintindihan yun iba. Pero okay na ang info na ibinigay niya.
"Ganun ba. Kaya pala may alam ka sa japanese kasi otaku ka."-ako
"Opo. Actually, inimplowensyahan lang po ako ni Aoko. Hehehe."-Hakub
"Haha. Ganun ba. Umm, Hakub. Wag ka na sanang mag po at opo samin. Pareho lang naman kasi tayo ng edad."-Harley
"Ay ganun ba. Sorry po."-Hakub
"Sabing wala na eh."-Harley
"Ay ay ay. Sorry."-Hakub
Bigla naman kaming nakatingin sa paparating dito. Sina Rachel, Kirsten at Serena.
"Oh, nandito lang pala kayo. Tara na, magtatime na kasi eh."-Kirsten
"Ah ganun ba. Sige."-ako
At tumayo na kami. May napansin naman si Kirsten.
"Oy, bagong friend?"-Kirsten
Magsasalita sana si Harley ng inunahan na siya ni Hakub.
"Hello! Ako nga pala si Hakub Hondou. Alalay po ako nina Jimmy. Kamusta?"-Hakub
"Ah......m-mabuti naman. Hehe."-Kirsten
At nagfake smile naman siya.
"Ah Hakub, sila naman yung mga kaibigan namin. Si Kirsten,Serena at Rachel."-Harley
Nag "hi" naman sila sa isa't isa.
Nagring naman ang bell, hudyat na pumunta na kami sa aming mga kwarto. Kaya umalis na kami sa field at pumunta sa classrooom namin.
"Jimmy, mamaya po, susunduin ko kayo sa classroom."-Hakub
"Ah.. sige."-ako
At nagwave goodbye na kami. Pumasok na kami sa classroom namin habang si Hakub naman ay pumunta sa kanilang room.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"That's all for today class. Thank you and good bye."-ms Lumundag
"Thank you, and good bye ms. Lumundag."-Kaming lahat
At nagsilabasan na ang mga kaklase namin, kasama na si Ms. Lumundag. Naiwan naman kaming apat ni Rachel, Harley at Kaito nang biglang may tumawag sa amin. Napatingin naman kami sa labas ng kwarto at nakita namin si Hakub.
"Hello. Sinusundo ko na kayong apat."-Hakub
Nagkatinginan naman kaming apat at nagtawanan.
"Galing ng pagiging alalay mo ah."-ako
Lumabas na kaming apat at sumabay naman si Hakub sa amin sa paglalakad.
"Uuwi na ba kayo o may pupuntahan pa kayo?"-Hakub
"Meron pa kaming pupuntahan at kailan kasama ka."-ako
"Ah, ganun ba."-Hakub
Pumara na kami ng jeepney at sumakay na doon. Ibinaba naman kami ng jeepney sa SM.
"Ah, Jimmy, anong ginagawa natin dito?"-Hakub
"Anong bang ginagawa ng tao sa mall?"-ako
"Nagsoshopping."-Hakub
"Alam mo naman pala eh. Tara na sa loob."-ako
Nagtaka naman si Hakun sa sinabi ko. Haha. Oo magsoshopping kami.
Pumunta kami sa mens wear. Naghanap ako ng mga damit na maganda at maayos. At pinagpili naman namin si Hakub kung ano ang mas magandang damit na pwede naming bilhin.
"Hakub, sa tingin mo anong mas maganda, itong red o blue?"-ako
"Mas maganda yung red para astig."-Hakub
Yun na ang pinili ko. Ganun rin ang ginawa nina Harley at Kaito kay Hakub, laging nagtatanong kung anong maganda. Pero syempre, hindi nakisali si Rachel. Babae kaya siya.
Pagkatapos naming magbayad ng pinagbili namin ay nagorder muna kaming lima sa jolibee. At syempre, libre ko. Mabait ako eh, Hehehehe. Pagkatapos ay umalis na sa mall.
Nagtaxi na kami kasi marami kaming dala. Syempre tinanong din namin si Hakub kung saan siya nakatira para naman sabay na kaming sumakay.
Nang makarating na kami sa bahay nila, nagpaalam na kami sa kanya.
"Teka Hakub, may nakalimutan ka."-ako
"Ha? Ano yun?"-Hakub
Kinuha ko naman lahat ng pinamili namin at ibinigay sa kanya.
"Teka, ba't niyo ito ibinigay sakin? Diba sa inyo 'to?"-Hakub
"Hay naku Hakub. Ikaw nga ang ipinagpili namin niyan diba, kasi para sayo yan."-Harley
"Oo nga. Atsaka, unang sweldo mo yan."-Kaito
"T-talaga po. Naku marami po talagang salamat. Salamat salamat."-Hakub
"Basta Hakub, pag may kailangan ka, nandito lang kami ha."-Rachel
"Sige po. Salamat talaga. Babye."-Hakub
At pumasok na siya sa loob ng bahay niya.
Nagmaneho na ulit ang driver ng taxi at ibinaba kami sa bahay namin.
Grabe, ang gaan ng pakiramdam ko at nagkaroon na naman kaming natulungan at nagkaroon ng bagong kaibigan.
BINABASA MO ANG
The three Idiots and the Princess
Fanfiction◘Prologue: IDIOT Kapag narinig natin ang salitang yan, laging lumalabas sa isip natin ay bobo, tanga, hangal, walang alam. Pero itong mga idiot sa storyang ito ay mga matalino, matulungin, mapag-alala, cool, masayahin at magaling magbigay ng...