Chapter 22: Lovely review

702 28 0
                                    

(Si Jimmy at Rachel na naka uniform pala ang nasa pic)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Si Jimmy at Rachel na naka uniform pala ang nasa pic)

Chapter 22: Lovely review

Jimmy's POV

Hahahaha....hindi talaga ako makaget over sa sinabi ni Aoko kay Kaito. Hindi ko akalaing gusto pala niya si Kaito. Teka, gusto? Mali yata eh. Mahal siguro...hahaha.

Nakasakay kami ngayong apat sa jeepney. Uuwi na kasi kami. Hindi namin kasama si Hakub kasi kaninang hapon wala siya.Nakarating na kami sa bahay. Well, alam niyo naman siguro kung anong ginagawa ng mga estudyante kapag nakarating na sa bahay galing eskwela diba.

Kaya hindi ko na lang ikekwento sa inyo.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

*school*

Nandito na kami sa school. Finorward ko na lang yung storya. Wala namang kalibang libang ang pang araw araw na ginagawa namin kapag naghahanda na kami para sa school. At syempre, maaga na kami nakarating ngayon. Eh paano, bumili na kasi kami ng bagong alarm clock.

Mahirap kasi kapag si Rachel ang gagawing alarm clock. -_-

Nakaupo na kami ngayon sa upuan namin, hinihintay ang pagdating ng adviser namin.

Nang makarating na si Ms. Lumundag, binati na namin ito. Bigla naman siyang may inanounce sa amin.

"Before I forget this, I want you to know that next week, Monday and Tuesday, will be your first monthly exam. So simula ngayon, kailangan niyo nang magstudy. At ngayon ko na rin ibibigay ang pointers niyo for my subject."-ms.

Nagsimula na si ms. Lumundag magsulat sa blackboard. Kinuha naman namin ang notebook namin at nagsimula ng magcopy.

Habang nagcocopy kami, naalala ko si Rachel.

Oo nga pala, 4 days pa lang siya rito kaya sa tingin ko kunti lang ang napag-aralan niya dito. Baka, hindi siya makasagot sa lahat ng questions sa exam.

Napatingin na lamang ako kay Rachel. Haay. Kung hindi lang siguro siya nawala at napadpad dito, hindi niya siguro mararanasan 'to. Pero, nagpapasalamat pa rin ako't napunta siya rito. Ang saya saya ko talaga at hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil may bago akong kaibigang babaeng magiging close ko.

Hmmm, napaisip naman ako. Ano kaya kapag.................................i-rereview ko si Rachel sa lahat ng mga lalabas sa exam para naman makasagot siya. Mukha ayos yan. Mamaya, sisimulan ko na yan kasama sina Kaito't Harley.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

*recess*

Papunta na kaming tatlo ni Rachel at Kaito sa field para i-review si Rachel. Oo, tatlo lang kami. Hinatak na naman kasi ni Kirsten si Harley. Tss, mang-aagaw talaga yun.

Okay naman kay Rachel ang review na gagawin namin. Excited nga siya eh.

Dala ko ang libro namin sa math at science at habang si Kaito ay sa notebook namin sa english, araling panlipunan at filipino. Si Rachel naman ay dala ang scratch paper, notebook niya at ilang lapis at ballpen. Syempre may dala rin kaming kanya kanyang pagkain para sa recess. Buti na nga lang at wala yung teacher namin sa next subject pagkatapos ng recess kaya 1 and a half hour kami magrereview.

The three Idiots and the PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon