(Para sa mga fans ng NiRia loveteam, ito inedit ko para sa inyo, hahaha)
◘Chapter 48: The truth (part 2)
Jimmy's POV
"Hindi na po sila magpapakasal mahal na reyna."-ako
Nagulat naman sila sa sinabi ko. Eh ang tagal nilang sabihin eh. Tsaka mas mabuti nang sabihin an ang totoo.
"A-anong sabi mo?" sabay na sabi ng magulang ni Rachel.
Haaays, sasabihin ko na talaga ang naiisip ko.
"Pasensya na sa sasabihin ko, pero nararamdaman ko na di talaga nila mahal ang isa't isa."-ako
"At paano mo naman nasabi yun?"-haring Richard
Wala ng atrasan 'to, sasabihin ko na. Kung anong magiging reaksyon nila tatanggapin ko.
"Ang tunay po kasing mahal ni prinsesa Rachel ay...........
ako."-Jimmy
O______O
Yan ang reaksyon nilang lahat sa sinabi ko.
"Jimmy, ano ba."-Rachel
"Rachel, mas mabuti nang sabihin habang maaga pa."-ako
Napatingin naman sina Reyna Eva at Haring Richard kay Rachel.
"Anong ibig sabihin nito anak?"-Haring Richard
----------------------------------------------
Rachel's POV
Napayuko naman ako dahil sa tanong ni ama.
"A-ang totoo niyan ama..... hindi ko naman talaga mahal si Niño. Napilitan lang po ako siguro nung araw na sinabi niya papakasalan niya ako at sinabing ako ang batang nakita niya sa gubat noon."-ako
Lumaki naman ang mga nina Maria at Niño kaya napatingin ako sa kanila.
"Pasensya na sa sinabi ko prinsipe Niño. Pero yun ang totoo, hindi kita minahal. Atsaka, hindi naman ako yung batang tinutukoy mo, ang kapatid ko ang tinutukoy mo."-ako
BINABASA MO ANG
The three Idiots and the Princess
Fanfiction◘Prologue: IDIOT Kapag narinig natin ang salitang yan, laging lumalabas sa isip natin ay bobo, tanga, hangal, walang alam. Pero itong mga idiot sa storyang ito ay mga matalino, matulungin, mapag-alala, cool, masayahin at magaling magbigay ng...