Chapter 46: She's going back with me

537 29 7
                                    

◘Chapter 46: She's going back with me

Jimmy's POV


"Oy Jimmy, nakabalik na rin kayo. Nasaan na ang mga chi‒ asdfghjklqwertyu‒"


Hindi naituloy ni Harley ang sasabihin niya nung bigla kong inilagay sa baba niya ang isang chichirya.

"Dalian mo Jimmy, i-sastart ko na ang mov‒ ARAY!"

Hindi rin naituloy ni Kaito ang sasabihin niya nung binato ko sa kanya ang isang plastic ng chichirya. Ayun, tumama sa mukha niya. Gusto kong matawa pero di ko kaya. Yung fiancé kasi ni Rachel eh... kainis.

"Oy tol, *munch* ano bang problema?"-Harley

Tinignan ko naman siya na nginunguya ngayon ang chichiryang pinakain ko sa kanya. Haaaay.. ano ba naman yan. Pati kaibigan ko, nadadamay sa kabadtripan ko.

"Hello Kaito! Hello Harley!"-Rachel

Napatingin naman ang dalawa sa kanya.

"Hi Rachel. Nakabalik ka na rin. Ahhh... sino yang kasama mo?"-Harley

"Ahh... ito nga pala si prinsipe Niño, yung kinekwento ko sa inyo."-Rachel

Bigla namang yumuko si Niño sa harap nila.

"Maligayang pagbati sa inyo."-Niño

"Ahh... hehehe. Hello. Ako si Kaito."-Kaito

"At ako naman si Harley. Kaano ano mo nga ulit si Rachel."-Harley

"Siya ang babaeng aking pakakasalan."-Niño

Bigla namang lumaki ang mga mata ng dalawa at napatingin sila sakin.

Tsss.. ewan ko sa inyo.


"Humihingi sana ako ng permeso sa inyo, na kung pwede bang dalhin ko pabalik si prinsesa Rachel sa kaharian namin."-Niño

"ANO!"-Harley, Kaito

Hindi na ako nagtaka sa ekspresyon nila. Dahil ganun din naman ginawa ko nung ginawa niya yun sakin kanina.

"Teka, agad agad? Ngayon na?"-Harley

"Jimmy, ano 'to?"-Kaito


Teka, ba't ako ang tinatanong mo? Wala naman akong karapatan. 

Bumuntong hininga muna ako nagsalita.

"Papayag ako."-ako

Halata mo ang gulat sa ekspresyon nina Harley, Kaito at Rachel.

"Teka Jimmy, a-akala ko ba gusto mo akong manatili dito?"-Rachel

"Oo, gusto ko. Pero papayag akong pumunta ka sa kaharian kasama kaming tatlo."-ako

Nagtaka naman sila sa sinabi ko.

"Teka, ba't kasama tayo? Anong gagawin natin dun?"-Kaito

"Oo nga. Bakit kasama pa kayo't si prinsesa Rachel lang naman ang kailangan ko."-Niño

Tinignan ko muna si Rachel na nagtataka rin sa sinabi ko.

"May sasabihin lang kami sa inyo. At kukumbinsihin ko rin ang mga magulang ni Rachel na dito lang siya."-ako

"ANO?! Dito? Baka kung ano pa ang mangyari sa kanya."-Niño

"Hindi prinsipe Niño, okay lang ako dito. Pero kailangan ko munang puntahan sina ama't ina para humingi ng permeso. Atsaka may sasabihin din kasi akong katutuhanan sa kanila. Pati na rin sa inyong dalawa ng kapatid ko."-ako

The three Idiots and the PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon