Chapter 23: Aoko's confession

718 25 2
                                    

Chapter 23: Aoko's confession

Kaito's POV

"*Obo**Obo*"-Hakub

"Aba Hakub. Mukhang masama pakiramdam natin ngayon ha. Baka hindi ka na makapasok bukas niyan."-Harley

"Ah, h-hindi naman. Okay lang kaya ako. Ha-ha-HATSU!!!! *sniff*"-Hakub

"Anong okay? Okay ba sa tingin naman yang pa ubo-ubo, pagsisipon at pagiging kulay puti ng balat mo."-Jimmy

Totoo, napaka pale niyang tignan ngayon. Parang hindi nakakain ng sampung araw. Ay, ang OA ng sampung araw. Hahaha.

Hinipo ko naman ang leeg niya at, napakainit niya.

"Mukhang may FLU ka yata. Ihahatid ka na namin sa inyo. Atsaka wag ka ng pumasok bukas, baka lalala pa yang sakit mo."-ako

"Oo nga. Kumain ka ng maraming pagkain na masustansya. Tapos uminom ka rin ng maraming tubig. Atsaka uminom ka rin ng gamot. Tapos magpahinga ka para mawala yang nararamdaman mo."-Rachel

"N-napakabait niyo naman."-Hakub

"Syempre, concern kaya kami sa alalay slash kaibigan namin. Atsaka, gusto rin namin maging caring sayo."-ako

Napangiti naman siya sa sinabi ko.

"S-salamat talaga. Nagpapasalamat talaga ako't nakasama ko kayo at naging kaibigan pa."-Hakub

"Tayo na. Sasakay na tayo sa taxi."-Jimmy

Pumara na kami ng taxi at sumakay. Inalalayan namin si Hakub sa pagsakay. Habang sumasakay kami ay may kinuha si Hakub sa bag niya. Notebook iyon.

"K-kaito. P-pwede po bang pakibigay b-bukas kay Aoko. Nakalimutan ko k-k-kasing ibigay itong notebook n-niya sa kanya kanina."-Hakub

"Ganun ba. Sige."-ako

Kinuha ko naman iyon at inilagay sa bag ko.

Nakarating na rin si Hakub sa bahay nila. Nagpaalam na kami sa kanya at tuluyan ng umalis. Ilang minuto ay nakarating din kami sa aming bahay. Ginawa na namin ang everyday ritual kapag nakarating na kami sa bahay galing school.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

*recess*

"Oy Kaito, tara, punta na tayong canteen."-Harley

"Oh sige."-ako

Nilagay ko na ang notebook ko sa bag ko dahil katatapos lang ng second subject namin. Habang nilalagay ko iyon, nahagip ng mata ko ang kulay red na notebook na may nakasulat na 'Aoko Nakamori' sa cover.

Oo nga pala. Nakalimutan kong ibigay ito kay Aoko.

"Ah Harley, mauna na kayo. Ibibigay ko pa kasi ang itong notebook kay Aoko."-ako

"Ganun ba. Sige, mauna na kami."-Harley

Lumabas na ako dala dala ang notebook niya. Katabi lang naman ng classroom namin ang ang classroom ng section 2. Nakadungaw ako sa pintuan nila at hinahanap si Aoko. Pero hindi siya nakita ng mga mata ko.May nakita naman akong dalawang babaeng papalabas ng kwarto kaya nagtanong na ako.

"Ah, excuse me. Hinahanap ko kasi si Aoko Nakamori?"-ako

"Si Aoko ba. Nakita ko siya lumabas kasama nina Subaru at Masumi."-babae 1

"Narinig ko ring pupunta raw sila sa field."-babae 2

"Ganun ba. Sige salamat."-ako

Umalis na ako doon para hanapin si Aoko. Habang naglalakad ako, napatingin ako sa notebook.

The three Idiots and the PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon