Chapter 21: Aishiteru

669 31 5
                                    


Chapter 21: Aishiteru

Kaito's POV

Free time namin ngayon. Papunta ako ngayong library dahil may hinahanap akong libro para sa report ko. Kung tinatanong niyo kung nasaan yung tatlong kasama ko lagi dito sa kwentong ito. Well, nasa field, kumakain at nagchichikahan

Oo, iniwan nila ako. Gusto ko ngang magpatulong sa kanilang gumawa ng report eh pero sinabihan lang nila ako ng.............

"Kaya mo na yan. Ikaw pa. Eh ang talino mo kaya. Hahaha."-Jimmy

"Sige, mauna na kami. Think positive."-Harley

Tss, kainis talaga. Kaya ito ako ngayon, solong naglalakad papuntang library.

Oo nga pala. Pangatlong araw na ni Rachel dito sa school. At mukhang gusto niya talagang mag-aral dito forever. Hahaha.

Nang makarating na ako ay pumasok na ako sa library. Hinanap ko na agad yung librong hinahanap ko para sa report ko. Kinuha ko na yung librong nahanap ko.

Kaya lang, wala akong may nakikitang available seat sa library. Hihiramin ko na lang siguro 'tong libro tapos sa field na lang ako gagawa.

Papunta na sana akong table ng nagbabantay sa library nang bigla akong may nakitang pamilyar na babaeng nakaupo sa pinakadulo ng kwarto. Teka, si Aoko ba yan. May kasama siyang tatlong babae pero umalis din.

Tamang tama, may bakanteng upuan sa katabi niya. Doon na lang ako uupo.

Pumunta na ako sa kinaroroonan niya.

"Hello Aoko."-ako

Nagulat naman siya sa pagdating ko.

"Oh, ikaw pala yan Kaito. Anong ginagawa mo rito?"-Aoko

"Gusto ko sanang makiupo kasi wala nang bakanti. Pwede lang ba?"-ako

"Oh, sure. Sige upo ka."-Aoko

"Salamat."-ako

Umupo na ako katabi niya. Binuklat ko na ang librong kinuha ko at sinimulan ng hinanap ang irereport ko. Nagsulat na ako sa notebook ko. Napatingin naman ako sa binabasa ni Aoko.

'Detective Conan volume 3 manga.'

(A/N: LOL XD. Ido ko si Conan eh. Kaya makisabay na lag kayo.)

WOW, DETECTIVE CONAN!! Isa yan sa pinaka favorite kong manga.

"Oy, may manga ka pala ng DETECTIVE CONAN."-ako

"Ah hindi. Actually nakita ko lang 'to dito sa bookshelf ng library. Hindi nga ako makapaniwalang may manga rin pala rito."-Aoko

"Hala, meron din palang manga rito sa library."-ako

"Oo nga eh. Hehe. Gusto mo rin bang bumasa. May ibang volume pa doon ng Detective Conan at ibang anime manga."-Aoko

(A/N: Whahaha! Dito mo lang yan makikitang may manga sa library nila. Pero actually sa school namin meron ding manga pero kunti lang at hindi siya manga na kagaya ng anime na pinapalabas. It's about kay God. Yan, share lang. LOL)

"Ah, sa susunod na lang siguro. Gagawa pa ako ng report ko eh."-ako

"Ah ganun ba."-Aoko

Nagpatuloy na lamang siya sa pagbabasa. Ako rin ay nagpatuloy sa pagresearch at pagsulat.

Habang nagsusulat ako, hindi ko talaga maiwasang tignan siya. Pero hindi ko alam kung bakit. Well, maganda naman siya. Maputi. Red lips. At hindi na niya kailangan pang mag make up pa.

The three Idiots and the PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon