Epilogue

421 17 2
                                    

(Beach party xD)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Beach party xD)

Epilogue

Jimmy's POV

Nandito kami ngayon sa beach with my classmates. Party party muna kasi maghihiwalay na kami pagkatapos nito. T_T LOL ang drama hahaha.

Nandito ako ngayon sa isang umbrella hut na nirent namin, mag-isang nakaupo. Nagswimming kasi yung iba. Habang umiinom ng juice, bigla namang may pumunta sa pwesto ko. Ang dalawa kong classmate na babae.

"Hi Jimmy, pwedeng magrequest."-girl1

"Ha, ano yun?"-ako

"Pwedeng magpapicture sayo?"-girl2

Eh picture? Well, okay lang naman eh.

"Ah sige."-ako

Tapos nagtilian naman sila. Naman... haha

Nauna yung isang girl tapos pinicturan kami nung isang girl. Tapos nagswitch naman sila. At tapos na, haha.

"Salamat Jimmy, sige babye."

Nagsmile naman ako at nagwave sa kanila. At umalis na sila. Habang tinitignan ko ang dereksyon nila, nahagip ng mata ko si Rachel na nakatingin sakin.

Anyare sa kanya? Ba't ang gloomy ng mukha niya?

Pumasok siya sa hut at kinuha yung iniinom kong juice at ininom ito.

"Oy Rachel, anyare sayo?"-ako

Tinignan niya ako na parang naiireta.

"Eh nagseselos ako sa dalawang babaeng yun eh!"-Rachel

Ay grabe.. ang honest niya masyado. Hahaha.

Inakbayan ko naman siya.

"Ano ka ba naman Rachel. Wag kang magselos sa kanila. Dahil kahit gaano pa kadaming babae ang pumaligid sakin, hahanapin pa rin kita dahil ikaw lang ang gusto kong makita at hindi sila."-ako

Napangiti naman siya sa sinabi ko at hinug ako.

"Hoy! Baka malanggaman yang mga pagkain natin dahil sa kasweetan niyo."-Harley

Napatingin naman kami kay Harley na sumigaw, kaya naghiwalay kami.

"Oo na."-ako

Hinawakan ko naman ang kamay ni Rachel at nagswimming kasama nila.

Habang nagsiswimming ay nag-uusap kami about our future.

"Guys, 2 years nalang at magcocollege na tayo. Anong kurso ang plano niyong kunin?"-ako

Nag-isip naman sila bago sumagot.

"Siguro electronic engineering. Ikaw?"-Kaito

"Ganun rin ako. Ayos!"-ako

At nag-apir naman kaming dalawa ni Kaito.

"Journalist kunin namin ni Kirsten."-Harley

"Yep, para magkasama pa rin kami."-Kirsten

Tapos nagsmile naman sila sa isa't isa.

"Ako rin journalist, kaso di ako magsesenior high dito. Papuntahin kasi ako ni papa sa Palawan. Dun ko daw ipapatuloy ang pag-aaral ko. Pero don't worry, bibisita ako dito pag may time."-Serena

Bigla namang nagreact si Kirsten.

"Awww, iiwan na ni Serena si Makoto."-Kirsten

Kaya binatukan naman siya nito.

"Hahaha, only time and distance can make our relationship more stronger."-Makoto

Pumalakpak naman ako.

"Grabe, hugot!"-ako

At nagtawanan kami.

"Teka Makoto, ano bang kukunin mong course?"-Harley

"Yung karate trainor, hahaha di ko alam tawag dun."-Makoto

At nagtawanan uli kami.

"Ako mechanical engineering. Kaya Jimmy, sasama ako sa inyo kung saang school man kayo."-Hakub

At nag-apiran naman kami.

"Sige."-ako

Tumingin naman ako kay Rachel.

"Eh ikaw, ano gusto mo?"-ako

"Ahh ako? Gusto ko yung pareho sa ginagawa ni Ms. Lumundag. Yung nagtuturo, pero sa mga mas bata pa sakin hahaha."-Rachel

"Ahh, elementary teacher pala kukunin mo. Maganda yan."-ako

Pagkatapos ng kwentuhan ay kumain na kami. Hahaha, ang saya talaga.

Haaay, I think this is the best highschool na naexperience ko. Thank you Lord for giving me this kind of people. Sana magtagal 'to. At sana hindi kami maghihiwalay. Ang saya kasi nilang kasama eh. Sana wala ng problemang sasagabal samin.

At dito na siguro nagtatapos ang storya naming magkaibigan. I think this is our happily ever after.

Pero teka, end na ngaba? O may mas exciting pang mangyayari sa buhay namin?

#########################################################################

Hoooo!! sa wakas tapos na rin, hahaha. I'm so proud of myself.

Next po ay ang author's note. Please basahin niyo. Tungkol po ito sa part 2 ng story na 'to.

Thank you po talaga sa pagsubaybay ng story ko :) sana subaybayan niyo rin ang 3 ko pang short stories: "Ang paghihintay", "Oo o Hindi" at "Ang tunay na pagmamahal."

I love you all guys, God bless you all :D

The three Idiots and the PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon