Chapter 30: Family

528 29 0
                                    

Chapter 30: Family

Rachel's POV

Ang ganda talagang tignan nina ms. Lumundag at sir Ibarra. Bagay sila <3

Lagi nga namin silang nakikitang sweet. Sabi nga ni Jimmy, buti na lang at hindi bitter si Principal Morgia sa kanila. Hehehe.

Kasama ko ngayon si Jimmy. Pupunta kaming library. Hindi pa kasi ako nakapasok sa library ng school nila.

Hindi namin kasama sina Kaito at Harley kasi may ginagawa sila para sa report nila mamaya.

Nang makarating na kami sa library nila, pumasok na kami doon.

"Wow! Ang ganda naman."-ako

Namangha ako kasi ang ganda ng library nila. At ang daming libro. Pero................

"Pero Jimmy, ang liit naman ng library niyo."-ako

Tumingin naman siya sakin.

"Maliit? Naliitan ka pa sa library namin?"-Jimmy

"Oo. Kasi yung sa amin parang i-times 3 mo siya sa laki ng library na 'to."-ako

Napatakip naman siya sa bibig niya. Yung parang hindi siya makapaniwala.

"G-ganun kalaki? Bakit madami bang nagbabasa sa inyo?"-Jimmy

"Hindi. Kami lang naman ni papa ang nagbabasa eh. Mahilig kasi kami sa mga libro."-ako

Nagulat na naman siya ulit.

Bakit, may problema ba dun?

"A-ang laki ha."-Jimmy

Pumunta na kami sa isang istante (shelf) at kumuha naman siya ng libro. Ako naman ay humanap ng libro na tungkol sa mga kaharian.

Hmmmmmmm............hanap hanap hanap.

Ayan, may nakita na ako.

Kinuha ko iyon at umupo na katabi ni Jimmy.

Tinignan ko ang title.

"Ang masayang pamilya sa palasyo."

Bigla namang kumirot ang dibdib ko nang bigla kong nakita ang salitang 'pamilya.'

Kaya nalungkot ako. Pero binaliwala ko na lamang iyon.

Binuksan ko na ang libro. At habang nagbabasa ako, hindi ko mapigilang lumungkot kasi tungkol sa pamilya ang kwentong ito.

Ayan tuloy, naalala ko sina ama, ina at kapatid kong si Maria. Namimiss ko na sila.

*tok*

Hala, ano yun. Ba't may pumatak na tubig sa libro.

Tumingin naman ako sa itaas. Wala naman basa.

Tumingin ako ulit sa libro.

*tok*

Ayan na naman. Sa'n ba galing yan.

Bigla ko namang naramdaman ang pag-agos ng luha sa pisngi ko.

Kaya napahawak ako doon.

Umiiyak pala ako. Hindi ko man lang naramdaman.

Pinunasan ko na lamang iyon.

Sinarhan ko yung libro at akmang tatayo ng biglang nagulat si Jimmy sa ginawa ko.

"Oh, tapos ka ng magbasa?"-Jimmy

Tumingin naman ako sa kanya at nagulat siya sa nakita niya.

"Rachel, ba't ka umiiyak?"-Jimmy

The three Idiots and the PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon