Chapter 4: The three idiots meet the princess

1.4K 50 6
                                    

(Si Kaito yung nasa pic 💖💖💖)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Si Kaito yung nasa pic 💖💖💖)

Chapter 4: The three idiots meet the princess

Rachel's POV

Arghhh....nasaan ako?

Tinignan ko ang paligid ko at.......................................................................................................................















TEKA! NASAAN AKO! HINDI ITO ANG KAHARIANG ESCA!

Biglang namang bumilis ang tibok ng puso ko. Siguro ito yung sinasabi nilang lugar ng mga engkanto. Hindi.......HINDI ITO MAAARI!!!!!!!

Tinignan ko naman ang paligid ko. Nakaupo ako sa malaking istatwa na tao na may lumalabas na tubig sa bibig niya (A.N-fountain po yung tinutukoy niya). Tumayo naman ako doon at umalis. Pero nakakainis dahil nabasa yung damit ko.

Habang naglalakad ako, maraming taong nakatingin sa akin. Yung damit nila, iba sa damit ko. Tapos may nakita rin akong mga malaking metal na may apat na gulong at umaandar ito (A/N-sasakyan po yung tinutukoy niya). Tapos yung mga bahay, iba sa kaharian namin. Gusto ko nang bumalik sa mapayapang lugar na kung saan ako nanggaling. Ayoko dito. AYOKO!!

"Hi mish beautiful, *hik*" napatingin naman ako sa nagsalita. Isang matandang mama na may dalang bote at ito'y nakatingin sa akin. Hinawakan niya ako sa kamay at nagsalita siya.

"Shumama ka shakin. P-pupunta tayong langit *hik*." Ani ng matanda.

Nagpumiglas naman ako. Pero ang lakas niya.

"B-bitawan niyo po ako." Sabi ko sa matanda pero ayaw niya pa rin akong bitawan. Parang wala lang siyang narinig. Patuloy pa rin akong nagpumiglas pero ang lakas talaga niya.

"Ang g-ganda naman ng *hik* damit mo mish. Kashing ganda mo *hik*." Tumawa naman yung matanda na nakakaloko. Hinila niya ako pero nagpumiglas ako kaya nakawala ako.

Tumakbo ako ng tumakbo. Wala akong pakialam kung may mabangga ako basta gusto ko lang umalis dito. Gusto kong bumalik sa palasyo. Ikakasal pa ako bukas. Ayoko dito. Ama! Ina! Maria! Prinsipe Niño! Tulong!

Bigla ko namang naapakan ang damit ko kaya nadapa ako.

"Argh...ang sakit." Ani ko sa sarili ko.

Hindi ko na napigilang umiyak dahil sa nangyari. Bakit kasi.....bakit kasi pumunta pa ako doon sa gubat. *sniff*.

Tumingala naman ako at bigla namang lumiwanag ang mukha ko.

Sa wakas! Sa wakas nakita ko na rin ang palasyo! Hahahaha.....nasa bahay na ako ulit!

-----------------------------

Jimmy's POV

Alas sais na kaming umalis ng paaralan. May praktis pa kasi ako sa soccer. Si Harley naman ay may inasikaso sa Journalism papers. Malas nga niya kasi iniwan siya ng group mates niya. Lalo na si Kirsten. Hahaha. Saklap talaga ng buhay niya. Si Kaito naman ay hinintay kami para sabay na kaming tatlo umuwi. At saka ginawa na rin niya sa school ang assignment niya sa English para pampalipas oras.

The three Idiots and the PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon