Chapter 17: Rachel's friends

779 36 0
                                    

(Ang nasa pic po ay ang school building nila)

(Ang nasa pic po ay ang school building nila)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 17: Rachel's friends

Rachel's POV

WOW! Ang ganda pala ng paaralan nina Jimmy. ANG GANDA! Atsaka, ang bait nila. Nagpakilala kasi sila sa akin. At lahat sila, tinuturing kong kaibigan.

Nandito kami ngayon sa tinatawag nilang canteen. Dito raw sila bumibili at kumakain kapag nagugutom sila.

Umupo na kami ni Jimmy sa lamesa na may anim na upuan. Umalis naman sina Kaito at Harley para umorder ng pagkain.

Ako, ito, masayang masaya nakaupo. Grabe, ang ganda talaga ng canteen nila. Ang lawak at maraming estudyante. Wala kasing canteen doon sa palasyo eh.

Nang makarating na sina Kaito ay inilapag na nila ang pagkain. Ako na ang naunang kumain lalo na't excited na akong kumain ng pagkain nila dito.

At, ang sasarap ng mga pagkain nila! WOW! Yung tinatawag nilang burger, fries, softdrink at biscuit, napakasarap. Isa na sila sa mga paborito kong pagkain. ^____^

Habang kami'y kumakain ay biglang may dumating na babaeng may dalang pagkain. Teka, sino nga ba 'to?

"Umm, pwedeng makiupo. Wala na kasing upuan eh."-Aoko

"Oh sure. Ikaw pa Aoko. Kaibigan ka kaya namin."-Kaito

Ah, oo nga pala. Aoko pala yung pangalan niya. Ang ganda at puti talaga niya.

"Ah, Rachel. Nandito ka na pala. Kamusta pag-aaral mo dito? Wala bang may nag-aaway sayo dito?"-Aoko

"Naku, masayang masaya po ako rito. Ang bait nga nila sa akin eh. Siguro marami akong matututunan dito. Hehehe."-ako

"Ganun ba. Mabuti naman."-Aoko

"Ah Aoko, salamat nga pala sa uniporme."-ako

"Walang anuman."-Aoko

Nagpatuloy na kaming kumain ng biglang may umupo sa bakanteng upuan at ininum yung juice ni Harley.

"Hoy hoy! Ano ba Kirsten. Akin yan eh. Ano bang problema mo at bigla bigla ka na lang kumukuha ng juice. Wala ka ng pera no?"-Harley

"Anong wala?! Para malaman mo, kaya kong bilhin lahat ng nasa canteen. Hmpf." at umirap naman yung si Kirsten kay Harley. Oo nga pala. Siya pala yung babaeng nagbigay rin ng uniporme sakin.

"Eh ano bang problema mo't ganyan ang ugali mo? May regla ka no? Ay teka, araw araw ka palang may regla dahil lagi kang nagagalit kahit wala namang pwedeng kaigalit."-Harley

At nakatanggap naman ng batok si Harley.

"Haay, si Serena kasi, iniwan ako. Nasa library kasi si Makoto kaya sinundan niya yung ONLY LOVE NG BUHAY NIYA! Kainis!"-Kirsten

"Bakit, inggit ka?"-Harley

Namula naman si Kirsten bago siya sumagot.

"H-hindi ah. ASA."-Kirsten

Napatingin naman siya sakin.

"Oy, Rachel, nandito ka rin pala?"-Kirsten

"Ah, opo. Salamat nga pala ulit sa uniporme na ibinigay mo sakin."-ako

"Naku wala yun."-Kirsten

Nagkwentuhan na lamang kaming anim.

Bali ganito ang pag-upo namin:

Kirsten-Harley-Kaito

Jimmy-ako-Aoko

At dahil mahaba ang linya sa binibilhan ng pagkain, nakishare na lang si Kirsten kay Harley. Hehehe, ang cute talaga nilang tignan.

Ang saya saya talaga nilang kasama. Matutuwa at marami kang matutunan sa kanila.

Lalo na kay Jimmy. Nang una ko siyang makita, parang ang gaan na ng pakiradam ko sa kanya. Tuwing nakikita ko siya, napapangiti ako. Yung para bang gusto mo siya laging nakakasama. At parang hindi kumpleto ang buhay mo pag hindi mo siya makikita. Hay, ewan.

Tinitigan ko na lamang ang maamo niyang mukha. Ngayon ko lang napansin na ang gwapo pala niya. At napakabait pa.

Napatingin naman siya sakin at napakunot ang noo. Kaya naman napaiwas ako ng tingin. Naku, nakakahiya.

"Masyado na ba talaga akong gwapo para titigan mo ako ng ganyan Rachel? Hahaha, joke."-Jimmy

At nagtawanan naman sila kaya napatawa na lang ako.

Hindi ko alam pero, parang gumaan yung pakiramdam ko tuwing sila ang kasama ko. Parang gusto ko na nandito lang ako palagi. Parang, gusto ko ng tumira dito.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami sakanya kanyang kwarto. Uupo na sana ako ng biglang may lumapit sa aking lalaking nakasalamin. Teka, ito pala yung lalaking lumapit samin kanina.

"Hey Rachel. Kamusta ang pagtitiis mo sa ugali ng three idiots na yan."-Keiko

"Umm, mabuti naman. Hehehe."-ako

"Talaga?"-Keiko

"Oo. Bakit, maganda naman ang ugali nila diba, ginoong Tae."-ako

"ANONG TINAWAG MO SAKIN?!"-Keiko

Nagtawanan naman ang iba kong kaklase kasama na sina Jimmy, Kaito, Harley at Kirsten sa narinig nila.

"Tae. Diba yan naman ang pangalan mo. Atsaka, palaka ka raw.... Sabi ni Jimmy sakin."-ako

Bakit? Totoo naman ah. Yan ang sinabi sa akin. Bakit naman sila tatawa?

Lumapit naman si Jimmy samin at pinigilan si Tae na ngayo'y parang baliw kung kumilos.

"Hahaha. Tama na yan Keiko. Sorry na. Nandyan na yung teacher natin. Hahahaha."-Jimmy

Keiko pala yung pangalan niya. Eh bakit Tae yung sinabi ni Jimmy sakin?

Umupo na lang si Keiko sa inis at tinuro si Jimmy.

"Hindi pa tayo tapos. Makikita mo, ako ang mananalo sa susunod."-Keiko

Nagpipigil naman sa tawanan ang lahat.

Umupo na si Jimmy sa upuan niya, ganun rin ako. Tinanong ko naman siya.

"Jimmy, sabi mo Tae ang pangalan niya at isa siyang palaka. Eh bakit nagalit siya at bakit Keiko ang tawag mo sa kanya?"-ako

"Hahaha. Hay naku Rachel. Kalian mo talagang magkaroon ng common sense at humor bago mo malaman kung bakit. Atsaka, Keiko na lang ang itawag mo sa kanya. Ayaw niya kasing tawagin siya sa totoo niyang pangalan. Bwahahaha."-Jimmy

Anong bang problema ng lahat at tumatawa sila. Nakakatawa ba yun. Atsaka, ano ba yung common sense at humor? Saan ba binibili yun?

Haay. Ang hirap naman pag bago ka lang sa lugar na ito.

Nakinig na lang ako sa itinuturo ng guro namin at hinayaan na lamang ang nangyari kanina.

The three Idiots and the PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon