Chapter 33: Harley's feeling

580 27 0
                                    

(Sina Harley at Kirsten pala ang nasa pic <3 HarTen loveteam na dis)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Sina Harley at Kirsten pala ang nasa pic <3 HarTen loveteam na dis)

◘Chapter 33: Harley's feeling

Harley's POV

Recess na kaya pumunta kaming apat sa canteen. Hindi namin kasama si Hakub kasi tinawag siya ng kaklase niya.

Umorder na kami ng pagkain at umupo sa table na may anim na upuan.

Nagsimula na nga kaming kumain.

Magkatabing umupo sina Rachel at Jimmy. Habang kami rin ni Kaito ay magkatabi. Kaharap ni Kaito si Rachel at si Jimmy naman sakin. Yung katabi naman naming upuan ay bakante.

Habang kumakain ay may bakulaw‒ este.... Babaeng umupo katabi ko at inilapag ang tray niya na may lamang pagkain sa lamesa. Tapos ay kinuha niya yung isang siomai ko na kukunin ko na sana sa lalagyan.

Aba!! Walang hiya!

Tumingin naman ako doon sa babae at tama nga ang hinala ko..

Si Kirsten nga. At kinain na nga niya ang siomai ko.

Siya lang naman ang alam kong matakaw eh.

"Hoy ano ba!! Siomai ko yan eh!"-ako

Nilunok naman niya muna ang siomai bago nagsalita.

"Eh bakit ba! Kinuha mo kasi yung siomai ko eh! Akin dapat yan."-Kirsten

"Anong kinuha! Eh binili ko kaya yan."-ako

"Yun nga eh! Binili mo yung last na siomai! Ayan tuloy, hindi ako nakabili. Favorite ko pa naman niyan."-Kirsten

"Aba! Kasalanan mo yan. Nahuli ka kasing pumunta dito."-ako

"Eh basta! Wala ka namang magagawa eh, nakain ko na."-Kirsten

Aba aba aba! Nakakainis talaga yang ugali niya. Sige, gantihan lang 'to.

Kinuha ko naman yung french fries niya. Yung buong lalagyan talaga.

Bigla naman siyang nagulat sa ginawa ko. Kaya napatingin siya sakin at binigyan ako ng ekspresyon na halong pagtataka at galit.

"Teka! Ba't mo kinuha ang french fries ko!"-Kirsten

"Paborito ko rin 'to eh."-ako

"Edi bumili ka! Meron pa naman dun eh!"-Kirsten

"Tss. Tamad ako."-ako

"Argh! Ano ba!"-Kirsten

Akma naman niyang kukunin yung french fries kaso inilayo ko yun sa kanya.

"Ano ba! Ibalik mo sakin french fries ko."-Kirsten

"Bilhan mo muna ako ng isa."-ako

"Ano ka Lord? Di mo ako utusan no!"-Kirsten

The three Idiots and the PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon