◘Chapter 32: Rubik's cube challenge
Jimmy's POV
Tapos na kaming maglunch kaya naglakad lakad muna kaming apat kasi pupunta kami doon sa tinatambayan naming puno. Hindi namin nakasabay kanina si Hakub sa paglunch kasi kasama niya yung classmate niyang mag lunch.
Habang naglalakad, nagsosolve ako ng paborito kong laruan, ang rubiks cube. Grade 5 pa lang ako, alam ko na kung paano isolve 'to. Ang dali lang naman eh. :P
*brag* *brag* *brag* *brag*
(A/N: tunog yan ng rubiks cube :P)
"Oh ayan, nasolve ko na."-ako
"Wow! Ang galing mo talaga."-Rachel
"Ako pa."-ako
Siya kasi yung nagscramble ng rubiks cube. Oh diba, bilib siya sa galing ko.
"Ang hangin."-Harley,Kaito
Syempre, kung saan ka masaya, doon maraming kontrabida. Hindi kasi marunong mag solve eh. :P
Ilang ulit ko na silang tinuruan pero hindi pa rin nila makuha. Hahaha. Ang galing ko no.
Hinayaan ko na lang sila. Binigay ko naman ulit kay Rachel ang rubiks cube para i-scramble niya. Pagkatapos ay ibinigay na niya ito sakin, tapos sinimulan ko ng isolve ito.
Nang makarating na kami sa puno, may nakita ako lalaking nakaupo at nakasandal sa puno. Tapos may hawak siyang rubiks cube. At mukhang nahihirapan siyang isolve nito.
Pinuntahan naman namin iyon at nalaman namin na si Hakub pala yun.
"Nahihirapan ka yata diyan ah."-ako
Napatingin naman siya sakin.
"Oy, kayo pala. Ah oo, ang hirap nga eh."-Hakub
Tapos itinuon niya ulit yung paningin niya sa rubiks cube.
"Sayo ba yan?"-ako
"Ah hindi, sa kaklase ko 'to, hiniram ko lang." Sabi niya ng hindi nakatingin sakin.
Bigla naman niyang napansin ang hawak ko.
"Marunong kang magsolve niyan?"
Ngumiti naman ako sa kanya.
"Ako pa. Ito, tignan mo."-ako
Tapos pumunta ako sa harapan niya at ipinakita ko sa kanya ang pagsolve ko dun sa rubiks cube. At nasolve ko na rin yun.
"Wow. Ang galing mo naman."-Hakub
"Sus. Piece of cake."-ako
At kumuntra na naman yung dalawa. Sus, inggit lang sila.
Scrinambla ko naman yung rubiks cube.
"Jimmy, turuan mo naman ako niyan."-Hakub
"Sige ba."-ako
Ipinakita ko naman sa kanya ang rubiks cube ko at tinuro yung kulay puti na na piece na nasa gitna.
"Ganito. Dapat lagi mong unahin yung puti. Tapos gawin mong cross yung puti. Parang ganito."-ako
Tapos ipinakita ko naman sa kanya kung paano. Tapos sinunuod niya ito.
Pero bigla kaming nagulat ng may narinig kaming boses na kinaiinisan ko.
"Hoy! Mali naman yang turo mo sa kanya eh! Ang bobo mo!"
Tsss, kainis!
Napatingin naman ako dun sa nagsalita.
BINABASA MO ANG
The three Idiots and the Princess
Fiksi Penggemar◘Prologue: IDIOT Kapag narinig natin ang salitang yan, laging lumalabas sa isip natin ay bobo, tanga, hangal, walang alam. Pero itong mga idiot sa storyang ito ay mga matalino, matulungin, mapag-alala, cool, masayahin at magaling magbigay ng...