Chapter 5: Rachel's new home

1.3K 37 1
                                    

Chapter 5: Rachel's new home

Jimmy's POV

Nakarating na kami sa bahay namin. Bumaba na kami ni Rachel, Harley at Kaito. Pumasok na kami sa loob ng bahay at pinaupo ko muna si Rachel sa sala at nagpaalam na magbibihis muna kaming tatlo.

Pumunta na kami sa kwarto namin. Natutulog kaming tatlo sa iisang kwarto. Pero okay lang naman. Malaki kasi yung kwarto tapos may tig-isa kaming kama.

Nang makapasok na kami sa kwarto, biglang nagsalita si Kaito.

"Hoy Jimmy. Ok lang ba talagang dito muna yung babaeng prinsesa kuno makitira?"

Ngumiti naman ako at sinagutan yung tanong niya. "Oo naman. Alangan namang pabayaan na lang natin siya dun, eh nakakaawa naman."

Napabuntong hininga naman ang dalawa at biglang nagsalita si Harley. "Eh, saan siya matutulog ngayon?"

"Edi sa kabilang kwarto. Hindi pa naman siguro bibisita ang mga magulang natin."-ako

Meron pa kasing isang bakanting kwarto na hindi nagamit. Para kasi yun sa magulang namin kung sakaling bibisita sila.

"Sigurado ka? Eh paano yung mga damit niya?"-Kaito

"Eh may naiwan naman damit ni mama diyan eh. Baka kasya sa kanya."-ako

Wala naman silang nagawa kaya sumangayon na lang sila. Nagbihis naman kaming tatlo at bumaba.

Nakita ko naman si Rachel na tinitignan yung litrato naming tatlo nung 1st year highschool kami. Kinuhanan iyon sa school. Sabi kasi ng magulang namin magandang i-develope yang picture kaya pina-develope niya at nilagay sa picture frame. Pero hindi ko inasahang sa malaking picture frame niya inilagay iyon tapos sinabit pa niya sa dingding ng bahay. Haaay. Well, ok lang naman sa akin. Nangangahulugan lang na magkaibigan talaga kaming tatlo at magkasama kami lagi kahit saan.

Napatingin naman si Rachel samin.

"Tapos na pala kayong magbihis."-Rachel

Umupo naman siya sa sofa at tumabi ako sa kanya. Yung dalawa naman ay umupo sa kabilang sofa.

"Rachel, pwede ba kaming kumuha ng impormasyon sayo at para matulungan ka namin?"-ako

"Umm...sige po."-Rachel

Una munang nagtanong si Harley kay Rachel.

"Diba sabi mo samin nahulog ka sa isang talon at napadpad dito. Bago ka nahulog, ano muna yung nangyari sayo?"

Nakita ko naman na yumuko siya at naging malungkot ang mukha niya. Bakit kaya.

Bumuntong hininga muna siya bago kinwento ang lahat.

(A/N: tamad si author magsulat guys, :P)

Ibig sabihin si Maria talaga ang mahal ni Niño. Si Rachel lang yung pinili niya dahil pinakamalan niya itong si Maria. Haaaay buhay.

May side sa akin na gusto ko siyang paniwalaan at tulungan pero may side naman na hindi dahil baka nagsisinungaling lang siya. Pero, panalo pa rin yung unang side. Haaaay, ang bait ko talaga.

Tinignan ko naman ang reaction nung dalawa at alam ko na mukhang naniniwala na sila kay Rachel. Siguro nga totoo ang lahat ng sinabi ni Rachel. Pero hindi pa rin ako makapaniwala na may iba palang mundo maliban sa kinatatayuan namin.

Bigla namang nagsalita si Harley. "Wag kang mag-alala Prinsesa Rachel. Iimbistigahan namin yung fountain dahil baka may passageway doon papunta sa kaharian niyo."

Tama. Siguro may nakatagong misteryo doon sa fountain kasi sabi ni Rachel, doon siya nakahiga.

"Sige. Bukas, pupunta tayo doon sa fountain. Iimbestigahan natin yun." Utos ko sa kanila.

The three Idiots and the PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon