Chapter 7: A new day starts

1K 37 1
                                    

◘Chapter 7: A new day starts

Rachel's POV

*yawn*, umupo naman ako sa kama. Kakagising ko lang kasi. Tumingin naman ako sa ibabaw ng pintuan. Alas sais na ng umaga. Mas maliit pala ang orasan dito. Sa amin kasi doon malaki. Tapos tumutunog tuwing alas sais para gisingin ako at bumangon.

At dahil gising naman ako, bumangon na ako at lumabas ng kwarto. Bago ako bumaba, sinilip ko muna ang kwarto nina Jimmy. Tulog pa sila, payapang natutulog. Hindi ko na sila ginising kaya bumaba na ako.

Napag-isipan kong magluto ng agahan para sa kanila. Buti nalang at tinuruan ako ng tagaluto namin sa kaharian.

Nagsaing na ako ng kanin. Nung una, hindi ko pa alam kung ano ang pag-gamit ng rice cooker, pero napagana ko naman. Tapos ay kumuha ako ng itlog sa sinasabi nilang Ref. Tapos pumunta ako sa kusina. Nilagay ko ang kawali sa lutuan at nagsimula ng magluto. Nagprito ako ng apat na itlog.

Nang matapos na akong magluto, pumunta ulit ako sa ref. May nakita naman akong mahabang karne na kulay pula. Tinignan ko naman iyon at may nakalagay na "Hotdog". Binasa ko naman ang panuto sa plastik kung paano magluto ng hotdog. Buti na lang at naintidihan ko ang nakasulat.

Nagluto na ako. Una ay nasunog ito. Pero sa pangalawa, tama na. At pinagpatuloy ko ang pagluto ng hotdog.

Nang matapos na ako, inihanda ko na ang mga pagkain sa mesa at saktong bumaba na ang tatlo.

------------------------------------------

Jimmy's POV

*yawn*. Napagising ako sa napakabangong amoy. Kapag naaamoy ko yun, naaalala ko ang mga niluto ni mama sa akin.

Nakita ko namang nagising rin sina Harley at Kaito.

"*sniff* naamoy niyo ba yun. Parang, ang sarap"-Kaito

"Oo nga. Tara bumaba na tayo."-ako

Bumangon na kami at lumabas sa kwarto. Ang sarap talaga ng amoy.

Nang makababa na kami, nakita namin si prin-, er..... Rachel. Inaayos niya ang mga pagkain sa lamesa.

"Rachel, anong ginagawa mo?"-Harley

"Naghahanda ng agahan niyo. Oh, umupo na kayo't kumain."-Rachel

Nagkatinginan naman kaming tatlo. Sinunod na lang namin ang sinabi ni Rachel. Hindi ako makapaniwalang marunong siyang magluto. Isang prinsesa, nagluluto ng agahan namin, kakaiba.

Namangha kami sa mga niluto niya. Ang sarap.

"Ang galing mo naman magluto Rachel. Hindi ko alam na may prinsesa palang marunong magluto."-ako

"Salamat. Nalaman ko yan sa mga tagaluto namin. Kapag kasi ikakasal na ang babae, kailangan niyang matutunang magluto para kapag kasal na siya, siya na ang magluluto sa asawa niya ng pagkain kapag wala ang tagaluto."-Rachel

"Ahh, ganun ba."-kaming tatlo

"Pero teka, diba walang hotdog sa inyo. Paano mo 'to naluto ng tama?"-ako

"Binasa ko kasi ang nakasulat sa lalagyan. Pasensya ha, nagkamali kasi ako nung una kaya nasayang ko yung isang hotdog."-Rachel

"Ah yun ba. Okay lang."-ako

Kumain naman kami ulit. Ang sarap talaga.

"Oo nga pala mga ginoo," napatigil kami sa pagkain ng magsalita si Rachel.

"Anong oras pala magsisimula ang klase niyo?"

"Ah, 7:30 ng umaga." Sabi ko sakanya habang nakangiti.

Napatigil naman kami sa pagkain at sabay kaming tatlong tumingin sa likod. Tinignan namin ang orasan at.......

"7:20 NA! LABING LIMANG MINUTO NA LANG MAGSISIMULA NA ANG KLASE NATIN!" Sabay naming tatlo na sabi.

Napakain naman kami ng mabilis. Syempre, 15 minutes na lang kaya at magsisimula na ang first subject namin.

Nagtaka naman si Rachel sa ginagawa namin. Pero hindi na namin pinansin yun. Kailangan naming magmadali.

Nang makatapos na kaming kumain, naligo na kami ng napakadali. Mabuti nalang may banyo rin sa kwarto namin at kay Rachel. Dun ako naligo sa kwarto namin. Si Harley naman kay Rachel na kwarto. At si Kaito naman ay sa baba naligo.

Pagkatapos maligo ay nagbihis na kami. Minsan nababanggaan namin ang isa't isa at nalilito dahil sa pagmamadali.

Nang matapos na namin ang aming gawain ay dali dali kaming bumaba. At bago pa ako lumabas ay nagpaalam muna ako kay Rachel.

"Rachel, dito ka lang sa bahay ha. Walang akong pake kung anong gagawin mo basta wag kang lalabas sa bahay. May iba pang damit doon sa kwarto mo, yun ang suotin mo kung magbibihis ka ng bago. Wag kang magpapasok ng kahit sino sa loob. At mag-ingat ka . Sige babye na. Aalis na kami!" naisigaw ko ang panghuli kong dialouge dahil nakalabas na ako.

Pumara na kami ng taxi para mas madali. Sinabihan pa namin yung driver na bilisan. Wala akong paki kung may makakita sa aming ganito. BASTA AYAW NAMING MA LATE!!!

--------------------------------------------

Rachel's POV

Napatulala na lang ako sa ginagawa nila habang nakaupo. Nang makaalis na sila, sinimulan ko nang hugasan yung mga pinagkainan nila.

Pagkatapos ay naligo na ako. Hay, iba pala talaga ang gamit nila sa pagliligo. Hindi ako medyo sanay.

Nang matapos na ako, napaupo ako. Hay, nakakayamot namang umupo lang. Ano kaya ang gagawin ko? Hindi naman ako pwedeng lumabas.

Napatingin na lang ako sa paligid ko. AHA! Alam ko na! Maglilinis na lang ako ng bahay. Makalat kasi dito. Kaya sisimulan ko na ngayon.

################################################################################

Kazuha-chan's note:

Hey guys, yan ha, nakabawi na ako. So I think makaka update ako after 1 week. Masyado kasi akong busy kaya sana maintindihan niyo ako.

Vote, comment and be a fan ^_^

The three Idiots and the PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon