◘Chapter 10: The cancelled wedding
Jimmy's POV
Mabuti naman ang kalagayan ko pagkatapos sa masayang nangyari kanina sakin.
Kakarating lang naming sa bahay galing school. Haay, 7:30 na. Baka galit sa amin si Rachel dahil late kami. May praktis pa kasi ako sa soccer. Tapos si Harley naman ay tinapos ang essay niya sa school. Tapos traffic pa pauwi. Haaaay.
Bigla naman kaming tatlo nagulat ng makapasok na kami sa bahay. A-anong nangyari dito. Bahay ba namin 'to? P-para kasing, ang linis. Iba 'to sa tinitirhan naming bahay noon.
"Ah, nandito na pala kayo. Late yata kayo umuwi. Kain na kayo oh."
Nagulat kami nang makita namin si Rachel na naghahanda ng pagkain. Parang, nawala sa kanya ang itsura ng pagiging prinsesa. Siya ba talaga 'to? Lalo siyang gumanda.
"Oh, ano pa ang tinitingin niyo diyan. Magbihis na kayo't kakain na tayo."-Rachel
"Ahhh, sige." Sinunod naman namin siya at pumunta na sa kwarto namin. Nagbihis na kami at bumaba na.
Nang makababa na kami, nakita naming nakaupo na doon si Rachel at hinihintay kami. Umupo na din kaming tatlo.
Nagdasal muna kami bago kumain. Grabe, ang galing talaga ni Rachel magluto. Ang sarap pa.
"Masarap ba?"-Rachel
"Oo. Masarap talaga"-ako
"Mabuti naman at nagustuhan niyo."
Ngumiti naman si Rachel sa sinabi ko. Bigla naman akong may naalala. May itatanong sana ako sa kanya kaya lang baka magiging malungkot siya. Pero traidor talaga 'tong si Kaito.
"Oo nga pala Rachel, ngayon nga pala ang kasal niyo no. Ok lang ba sayo na hindi yun natuloy?" napatigil naman si Rachel sa pag kain. Kainis talaga 'tong si Kaito. Masaya na yung babae eh, tinanong mo pa siya ng ganyan. Tssss.
Siniko naman ni Harley si Kaito at nginuso siya si Rachel. Mukhang naintindihan iyon ni Kaito.
"Ay, naku. Sorry talaga."-Kaito
"O-okay lang. Sa tingin ko nga wala ng kasal na magaganap doon. He-he-he. Masaya na siguro yung kapatid ko kasi masosolo na niya si prinsipe Niño. *sniff*." Naku po, medyo maluha luha na yung mata ni Rachel. Argh, Kaito!!!
"Umm.... Hindi naman siguro ganun yung kapatid mo. Dahil alam kong kahit mahal niya si Prinsipe Niño, masa mahal ka niya kasi kapatid ka niya." Napatingin naman sa akin si Rachel dahil sa sinabi ko.
"Siguro nga. *sniff*" pinunasan na niya yung luha niya. "Atsaka, nandyan pa naman kayo na tutulong sa akin diba."
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Haaay, buti na lang ang napagaan ko ang pakiramdam niya.
Tinuloy nalang naming ang kinakain namin at kinalimutan ang nangyari kanina.
Pagkatapos naming kumain, niligpit na namin ang pinagkainan namin.
Gumagawa ako ngayon ng assignment ko sa Filipino sa sala ng maalala ko si Rachel. Ano kaya ang nangyari sa kanya ngayon.
Para makasigurado, umakyat ako at kumatok sa kwarto niya.
Binuksan naman niya iyon.
"Ah Jimmy, ikaw pala. Pasok ka."-Rachel
Pumasok naman ako. Umupo kami sa kama niya.
"Ba't ka nga pala naparito?"-Rachel
"Umm, itatanong ko lang sana kung......okay ka lang. Alam ko kasing namiss mo na sila, lalo na't ikakasal na sana kayo ni prinsipe Niño."-ako
"Hmmm, okay lang naman ako eh." Bakas sa mukha niya ang lungkot pero kinaya pa rin niyang ngumiti. Ang lakas talaga niya.
"Mabuti naman. Bukas ay sabado. Walang kaming pasok kaya pupunta tayo doon. Iimbistigahan natin ang fountain."-ako
Lumiwanag naman ang mukha niya at ngumiti. Yan ang gusto kong makita sa mukha niya.
Umalis na ako pagkatapos naming mag-usap tungkol sa nararamdaman niya. Haaay, sana may makita kaming clue para makabalik na siya sa kaharian niya.
-----------------------------------------
Third person's POV
(setting-sa palasyo ng Moore)
Umuwi na sa palasyo ang pamilyang Moore at si Niño. Nasa sala sila ngayon. Umiiyak naman ang dalawang babae.
"Paano na 'to. Ibig sabihin hindi na matutuloy ang kasal niyo?"-Richard
"Ganun na nga po Haring Richard."-Niño
"P-pasensya po ama, ina, prinsipe Niño. Ako ang may kasalanan kung bakit nawala si ate. Huhuhu."-Maria
"Hindi anak. Walang kang kasalanan sa nangyari." Sabi ng Reyna at niyakap siya.
Nalungkot naman silang apat dahil alam nilang hindi na makakasal si Rachel lalo na't wala na siya rito.
Bigla namang naalala ni Niño ang ipit na nakita nila sa talon. Ayaw maniwala ng utak niya sa konklusyon siya pero, sapat na ibidensya iyon para sabihing nahulog nga siya doon.
Makalipas ng isang oras ay umuwi na sa kaharian nila si Niño. At hanggang ngayon. Hindi pa rin mawawala sa kanyang isipan ang maaaring nangyari sa mahal niya.
"Bukas, pupunta ako doon, ulit." Ani niya sa sarili niya.
Sa palasyo naman nina Moore, hindi pa rin sila mapakali sa nangyari. At hanggang ngayon, lagi na lang sinisisi ni Maria ang sarili niya sa pagkawala ng kapatid niya.
Lagi na lang siya umiiyak. Wala siyang ganang kumain. Hindi rin siya lumalabas ng kwarto niya.
Grabe talaga ang apekto ng pagkawala ng kapatid niya sa sarili niya.
Tinignan niya ang kwentas na ibinigay sa kanya ng ina niya. Meron din kasing ganyan ang ate niya.
Bigla niya itong hinawakan at niyakap.
"P-pasensya na ate*sniff*. Kasalanan ko *sniff* ito. D-dapat, ako y-yung nawala *sniff*, hindi ikaw. P-patawarin mo ko *sniff* ate. Huhuhuh. 😢"-Maria
BINABASA MO ANG
The three Idiots and the Princess
Fanfiction◘Prologue: IDIOT Kapag narinig natin ang salitang yan, laging lumalabas sa isip natin ay bobo, tanga, hangal, walang alam. Pero itong mga idiot sa storyang ito ay mga matalino, matulungin, mapag-alala, cool, masayahin at magaling magbigay ng...