Chapter 49: Farewell ESCA

475 28 7
                                    

Chapter 49: Farewell ESCA

Rachel's POV

"Mag-iingat po kayo ate ha."-Maria

"Oo naman. Kayo rin, mag-iingat din kayo dito."-ako

Humiwalay kami sa pagyakap sabay haplos sa buhok niya. Nginitian naman nila ang isa't isa.

"Alagaan mo sina ina at ama. Pati na rin ang kaharian natin. At syempre...."-ako

Tinignan ko muna si Niño at nginitian ito.

"....ang magiging hari ng buhay mo."-ako

Nginitian rin ako ni Niño

"Wag kayong mag-alala prinsesa Rachel. Aalagaan ko rin ang kapatid niyo."-Niño

Tinignan ko naman ulit si Maria at niyakap ulit.

Ito na yun. Ang araw kung saan aalis na ako sa pinanggalingan ko. Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko? Pero sa ngalan ng pagkakaibigan at pag-ibig, gagawin ko ito.

Haaaaay, parang noon, naglalaro pa kami ng kapatid ko sa kahariang ito. At lagi kaming pinagbabawalan nina ama't ina na pumunta sa gubat na ito. Pero ngayon, nasa tabi na namin ang sinasabi nilang lugar ng mga engkanto. At ang talon na ito, ang dahilan kung bakit nakita ko ang tunay kong kasiyahan.

Mamimiss ko talaga ang kahariang ito. Lalo na ang magagandang memories naming magkapamilya.

Humiwalay naman kami sa pagyakap ni Maria. At napansin namin na may luha na palang tumutulo sa mga mata namin kaya napatawa nalang kami at pinunasan ito.

Haaaay, sana sumama rin sina ama't ina dito sa talon para mayakap ko sila ulit. Kaso baka mas lalo pa silang umiyak kapag makikita na nila akong tumalon sa talon na ito at tuluyang magpapaalam sa kanila. Kaya sina Maria at Niño nalang ang humatid saming apat.

Hinalikan ko naman sa noo ang kapatid ko.

"Aalis na kami. Mag-iingat kayo ha."-ako

Tumango naman siya.

Tinignan ko muna si Niño at tumango. At ganun rin ang ginawa niya.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa pwesto nina Jimmy na kasalukuyang nakatayo malapit sa talon.

"Aalis na kami!"-Jimmy

"Di ko kayo makakalimutan."-Harley

"Bye!"-Kaito

Nagwave muna kami sa kanila sabay tingin sa ilalim ng talon.

Grabe, nakakatakot talaga. Ang dilim kasi eh.

Naghawakan kami ng kamay sabay talon na naming apat.

Bigla namang lumiwanag ang kwentas na suot ko pati na rin ang ilalim ng tinatalunan namin. At bigla kaming nakaramdam ng tubig. At kagaya rin ng nangyari samin kanina, dinala kami ng napakalakas na current ng tubig at bigla kaming hinila ito pataas. At nakarating na nga kami.

Nagkatinginan naman kami sa isa't isa.

"Nandito na tayo Rachel. Ang bago mong tahanan."-Jimmy

Ngumiti naman ako sa kanila.

Umalis na kami doon sa fountain.

Buti nalang talaga walang gaanong tao dito kasi gabi pa rin. Tinignan naman ni Jimmy ang cellphone niya.

"1am na pala. Tara, uwi na tayo."-Jimmy

Pumara naman kami ng jeepney at sumakay. Buti nalang talaga meron pang bumabyahe kahit gabi na.

Nang makarating na kami sa bahay, hinanda muna namin ang sarili namin para matulog.

Nandito ako ngayon sa kwarto na tinutulugan ko. Nakaupo lang ako sa kama, tinitignan ang kwentas na suot ko.

Nang dahil dito, nahiwalay ako sa mga magulang ko. Pero nang dahil din dito, nakita ko ang totoong ibig sabihin ng kaligayahan. At yun ay ang aking mga kaibigan at ang aking minamahal na si Jimmy. Mabuti talaga at sila ang nakakita sakin at tumulong sakin nung napadpad ako dito. Buti nalang talaga napunta ako sa mga taong katulad nila. ^_______^

Bigla namang may kumatok sa pintuan kaya binuksan ko ito. At nakita ko naman silang tatlo na nakatayo sa harapan ko.

"Kayo pala. Bakit?"-ako

Nabigla naman ako ng bigla nila akong niyakap.

"Salamat Rachel at naisipan mong tumira dito. Salamat at pinili mo kami. Alam mo bang sobrang saya namin. Dahil hindi kami sanay kapag walang Rachel sa buhay namin."-Jimmy

"Dahil sayo, mas lalong lumigaya ang buhay namin. Salamat at nandito ka para pasayahin kami."-Harley

"Mahal ka namin Rachel. At hinding hindi ka naman makakalimutan."-Kaito

Niyakap ko rin sila ng mahigpit. Grabe, napakakomportable nilang makasama.

"Salamat din at lagi kayong nandiyan para sakin. Para mapasaya ako. Salamat."-ako

Naghiwalay naman kami sa pagyakap at napatawa.

"Hahahaha. Grabe, di ko alam na ang dadrama niyo din palang mga lalaki. Hahaha."-ako

Tumahimik naman kami. Lumipas ang ilang minute bago ko basagin ang katahimikan.

"Wa kayong mag-alala, hindi ako mawawala sa inyo. At hindi rin ako magbabago. Basta sasamahan at susuportahan niyo lahat ng gagawin ko ha."-ako

"Ikaw pa. syempre."-Jimmy

At ginulo naman nila ang buhok ko. At nagtawanan kami ulit. Hahaha ang kukulit talaga nila. Kaya gusto kong makasama 'tong tatlong lalaki 'to eh. Nagpapalis sila ng nega vibes ko. ^_^

The three Idiots and the PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon