Chapter 16: Rachel is going to school

850 32 4
                                    

(Ang nasa pic pala ay ang uniform ng Teitan National High School)

(Ang nasa pic pala ay ang uniform ng Teitan National High School)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 16: Rachel is going to school

Jimmy's POV

"Jimmy. Gising na."

*yawn*.

Napagising ako ng marinig ko ang isang babaeng nagsalita na pilit akong ginigising.

Minulat ko naman ang mga mata ko at nakita ko si Rachel na katabi ko sa kama at nakatingin sa akin. Bigla naman akong napaupo.

Teka! Paano siya nakapasok dito?! At nasaan na sina Harley at Kaito. At, at, at......yung suot ni Rachel. B-b-bakit ganyan. Ang SEXY niya.

Yung damit niya ay yung may spaghetti straps na nakaloose tapos short shorts. GRABE! Siya ba 'to?

"Gising na Jimmy. Papasok pa tayo sa school."-Rachel

Grabe yung boses niya. Yung pang seduce na boses.

Gusto kong tanungin kung bakit ganyan ang kilos at pananamit niya pero hindi ako makapagsalita. Bakit ganun?

Bigla naman siyang pumalakpak na napakalakas na nakakabasag tenga.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

*bong* *bong* *bong* *bong*

"GISING NA JIMMY!!! HARLEY!!! KAITO!!!!"

Napabalikwas naman ako sa kama. ANO YUN!!! Ang lakas!!!! Nakakabingi!!

"LINDOL!!! LUMABAS NA KAYO! MAY LINDOL!!!"

Napatingin naman ako kay Harley na biglang sumigaw ng lindol. Teka, ano to?

"Buti naman at nagising na kayo."

Napatingin naman ako sa nagsalita at nakita ko si Rachel na nasa harapan namin at may dalang dalawang kawali.

Kaya naman pala ang ingay at biglang napasigaw si Harley ng lindol dahil sa kaingayan niya.

Teka? Nasaan na yung Rachel na napakasexy. Wag mong sabihin,,,,,,,,panaginip lang ang lahat ng yun.

Haay, buti naman. Mahirap na, baka magkanosebleed ako ng wala sa oras pag totoong nangyari yun.

"Hehehe, sorry mga ginoo. Kanina ko pa kasi kayo ginigising pero hindi naman kayo tinalaban. Kaya ginamit ko na lang itong kawali para gawing....ahhh.....alarm clock ba ang tawag dun?"-Rachel

Hay naku. Baliw talaga 'to. Gawin ba namang alarm clock ang kawali. Pero wala naman akong magagawa. Hindi pa kasi kami nakakabili ng bagong alarm clock kaya ganito kami gumising. Atsaka, nakalimutan ko ring magalarm sa cp ko. Hehe, pasensya. (^_^)v

Pero teka, may napasin lang ako kay Rachel.

"Rachel, ba't ganyan ang suot mo?"-ako

"Syempre. Mag-aaral na kaya ako."-Rachel

The three Idiots and the PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon