(Si Prinsesa Maria at Prinsepe Niño po ang nasa pic. Hehehe, di po si Ran Mouri yan, si princess Mira po yan. Makikita niyo po siya sa Lupin the III vs Conan the movie :D )
Chapter 44: I'm coming Princess Rachel
Niño's POV
Bumabagabag pa rin sakin ang malaki at madilim na talon na hinulugan ni Rachel (A/N: itatype ko pa sana ang 'Hinulugang taktak at doon' xD lol ang corny ko)
Kaya napag-isipan kong pumunta ulit doon.
Sumakay ako sa itim kong kabayo at pinatakbo ito.
Nang malapit na ako sa lugar, may nakita akong puting kabayo na nakatali sa isang puno.
Teka... kay Maria 'tong kabayo ah. Nandito kaya siya?
Bigla naman akong may naaninag na tao malapit sa hinulugan ni Rachel. Nung lumapit ako, nalaman kong si Maria pala yun, at umiiyak siya.
Tinawag ko naman siya at napatingin naman siya sakin. Mukhang nagulat yata siya sa presensya ko. Bigla naman niyang pinunasan ang mga luha niya.
"P-prinsipe Niño? Anong ginagawa mo dito?"-Maria
"Gusto ko lang tignan ang talon ulit. Baka may makita na naman akong bakas o pala-tandaan kung anong nangyari kay prinsesa Rachel."-ako
"Ah ganun ba."-Maria
"Eh ikaw, ba't ka nandito?"-ako
Bigla naman siyang yumuko, at napayakap sakin na hindi ko inaasahan.
"Gusto ko na kasing makita si ate. Kaya pumunta ako dito, kasi baka sakaling babalik siya."-Maria
Hinihimas ko naman ang likod niya. Hay, masakit nga namang mawalan ng kapatid.
*lubdub* *lubdub* *lubdub*
Aish, ito na naman ang puso ko. Bakit ganun, kapag kasama ko si prinsesa Maria, lumalakas ang tibok ng puso ko. At nakokomportable ako na makasama siya. Di naman ako ganito noon kay prinsesa Rachel eh. Normal lang ba 'to?
BINABASA MO ANG
The three Idiots and the Princess
Fanfiction◘Prologue: IDIOT Kapag narinig natin ang salitang yan, laging lumalabas sa isip natin ay bobo, tanga, hangal, walang alam. Pero itong mga idiot sa storyang ito ay mga matalino, matulungin, mapag-alala, cool, masayahin at magaling magbigay ng...