◘Prologue:
IDIOT
Kapag narinig natin ang salitang yan, laging lumalabas sa isip natin ay bobo, tanga, hangal, walang alam. Pero itong mga idiot sa storyang ito ay mga matalino, matulungin, mapag-alala, cool, masayahin at magaling magbigay ng...
Guys, sorry po talaga di naka UD for 1 month. Busy kasi sa school, signing of clearance na kasi kaya sobrang busy. Kaya para makabawi, dalawang chapter and i-uupdate ko. At sana magustuhan niyo. :D Pasensya na po ulit...
(Si Serena at Makoto po ang nasa pic :* )
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ano ba ang problema ng tatlong 'to at parang sinapian ng multo sa sobrang tawa. Ano bang meron? Hindi naman katawa tawa mga mukhang ng kaklase namin ah.
Binulungan ko naman si Kirsten na katabi ko ngayon at tinitignan ang apat na ugok na nasa likod namin.
"Bes, may pinakain ka ba sa boyfriend mo at ganyan siya makatawa? Tapos nadamay pa ang tatlo niyang kasama?"-ako
"Ewan ko rin nga sa kanila eh."-Kirsten
Mukhang narinig naman ni Jimmy ang mga sinabi namin kasi tumingin siya samin.
"Ano ba kayo, pagbigyan niyo na kami. Ngayon lang 'to. Makakasama na kasi namin si Rachel eh."-Jimmy
"Oo nga. Ang saya diba?"-Harley
Ano bang pinagsasabi nito. Eh lagi naman nilang kasama si Rachel. Haaays. ( ?___? )
Bigla namang pumasok ang professor namin kaya umayos na kami ng upo.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
◘Recess◘
"Haaaaaaay! Nabusog rin!"-Kiresten
"Oo nga. Tara punta na tayong room."-ako
Nagsimula na kaming maglakad ng bigla akong kinalabit ni Kirsten.
"Teka, pwede mo ba muna akong samahan papuntang CR. Naiihi kasi ako eh."-Kirsten
Hahahaha, nakakatawa namang tignan si Kirsten. Patalon talon kasi siya habang hawak niya yung tiyan niya, hahahaha.
"Pffft. Yan kasi, dinamihan mo ang pag-inom ng ice tea."-ako
Pero imbis na sagutin niya ako ay nagmadali siyang pumunta sa CR na malapit lang dito sa canteen.
Habang naghihintay ako sa labas, may nakita naman akong dalawang estudyanteng nagyayakapan. Isang babae at isang lalaki.