Chapter 19: Stalker or friend

717 37 0
                                    

Chapter 19: Stalker or a friend

Jimmy's POV

"Hay naku Harley. Ba't kasi kay Kirsten mo pa pinasama si Rachel?"-ako

"Oo nga. Mamaya bubulyawan niya yun."-Kaito

"Grabe naman kayo kung makapagjugde kay Kirsten. Oo, malakas bunganga niyan. Pero mabait at palakaibigan rin yan."-Harley

Kahit ano pang sabihin niya, natatakot pa rin ako kay Rachel. Si Kirsten at Serena kasi eh, hiniram muna si Rachel. Eh baka ano pang gawin nila doon lalo na't hindi pa sanay dito si Rachel. At dahil wala siya, kaming tatlo na lang ang kumakain dito sa canteen.

Oo nga pala, pangalawang araw na dito ni Rachel. At close na siya agad sa iba naming classmate. Kasama na doon sina Kirsten, Serena, Aoko Masumi at Subaru. Oh diba. Ang friendly niya.

"Sige na nga. Bahala na siya doon."-ako

"Basta Harley, pag nalaman nating nakatira na si Rachel sa mental hospital, ikaw sisisihin ko ha."-Kaito

"Baliw!"-Harley

At nagtawanan kaming tatlo. Hahahaha.

*( >_>)*

Teka. Ano 'tong nararamdaman ko. Parang..........may nakatingin sakin. Hindi.............sa amin. Para bang binabantayan niya kada kilos namin.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong canteen. Pero wala naman akong nakikitang kakaiba o kahinahinala sa paligid. Hmmmmmm.......

Pagkatapos naming kumain ay pumunta kami sa cr. Umihi kaming tatlo, naghugas ng kamay at lumabas.

Palakad lakad muna kami kasi may oras pa naman bago magsisimula ang filipino subject.

Naglakad lakad muna kami sa field. At hanggang ngayon, nararamdaman ko pa rin ang presensya niya. Mukhang sinusundan niya kami.

"Tol, na—"

Pinutol ko si Kaito sa pagsalita sa pamanagitan ng pag "shh" ko sa kanya.

"Baka mahalata ka. Kanina pa yan nung nandoon tayo sa canteen."-ako

"Eh, anong gagawin natin?"-Harley

"Sundin niyo lang ako."-ako

At napasmirk naman ako.

Nang malapit na kami sa corner ng building malapit sa field, sumigaw ako ng "takbo" at tumakbo kamong tatlo. Lumiko kami sa corner ng building. At dahil naramdaman kong medyo malayo pa yung sumusunod samin, umakyat kami sa puno ng mangga na lagi naming tinatambayan.

(A/N: ang puno na tinutukoy niya ay ang puno na pinuntahan nina Harley at Kirsten nung nagpaturo si Kirsten sa assignment niya.)

Dali dali kaming umakyat para hindi niya kami abutan. Buti na lang at madahon ang punong ito, kaya sigurado akong hindi niya kami makikita.

Nang makapwesto na kami sa taas, dumating na yung humahabol samin.

Lalaki siya, blonde ang buhok, at kasing tangkad lang namin siya.

Hmmm, sino kaya to. First time ko lang siya nakita.

Hingal na hingal siyang yumuko dahil sa pagod. Patingin tingin naman siya sa paligid. Hinahanap yata kami.

"Asan na ba sila?" Bigla niyang sabi, sapat para marinig namin.

Bigla naman siyang may kinuha sa bulsa niya.

Litrato? Sino kaya yung nasa litrato?

Nakita ko naman kung sino ang nasa litrato na tinitignan niya.

The three Idiots and the PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon