Chapter 45: Jimmy's rival

429 29 5
                                    

Chapter 45: Jimmy's rival

Jimmy's POV


"Oh Jimmy, tubig."-Rachel

"Aww, thank you."-ako

"Naku pinagpapawisan kana ho."-Rachel

Pinunasan naman niya ang noo ko dahil sa pawis.

Awww, ang sweet naman ng Rachel ko. Kahit ganito lang ang ginagawa niya para sakin, kinikilig pa rin ako. Aish, nakakabading, hahaha.

"Kamusta na yang remote control na sasakyang gawa mo?"-Rachel

"Ito malapit nang matapos."-ako

"Ahh, ganun ba. Ang sipag mo naman."-Rachel

"Kaya ka siguro nahulog sakin dahil sa pagiging masipag ko no."-ako

At namula ang mahal ko. Hahaha. Alamz na dat.

"Ewan ko sayo. Tapusin mo na nga lang yang project natin."-Rachel

"Oo na po ma'am."-ako

Sabay kurot sa pisngi niya. Nagulat naman siya kaya hinampas niya ako ng mahina. Hahaha.



"Ehem! May tao po rito."-Harley

"Hay naku, naglalanggaman naman sila."-Kaito

Aish, nakalimutan ko, nasa sala pala kami gumagawa. At nandito rin ang dalawang ugok.


"Alam niyo, kung naiinggit kayo na nilalanggam kami, maghanap kayo ng langgam."-ako

At tinawanan lang sila ni Rachel. Ang supportive talaga ng mahal ko.

Ilang minuto lang ay natapos na ang project namin. By group kasi 'to. At kaming apat ang magkagrupo. Tinulungan naman nila ako eh. Ako sa finishing touch.

Inilagay ko naman sa lalagyan ang project namin at naupo.

"Haay, natapos na rin sa wakas."-ako

At binalot na nga kami ng katahimikan sa sala.


1 minute


2 minutes


5 minutes


10 minutes


"Argh! Ang boring! Wala ba tayong gagawin?"-Harley

Hahaha, mukhang di yata nakatiis sa katahimikan. Pero tama siya, boring nga. Tapos na kasi kaming magdinner. Tapos na rin naming gawin ang project namin. Eh 8pm palang, ang aga pa para matulog. Haaaays...

"Ah! Alam ko na!"-Kaito

Nagulat naman kami nang biglang tumayo si Kaito sabay turo samin.

"Magmovie marathon tayo."-Kaito

"Movie marathon? Eh lunes na kaya bukas. Kailangan nating bumangon ng umaga."-Harley

Napa face palm naman kaming dalawa ni Kaito sa sinabi niya.

"Nakalimutan mo ba Harley,

bukas ay oath taking ng school natin. Kaya walang pasok. So it means, pwede tayong magpuyat."-ako

"Oo nga no, sige game."-Harley

Orayt! Masaya 'to!!!

"Movie marathon?"-Rachel

The three Idiots and the PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon