Macy

12.6K 282 2
                                    

"Macy, sabay tayong tatlo umuwi mamaya hah." Sabi ni Anna

"Hindi pwede eh may trabaho pa kasi ako mamayang 5, sorry." Sabi ko at yumuko

"Okay lang 'yon meron pa namang ibang araw, 'wag kang sad dyan." Sabi ni Jen

Tinapos na namin yung pagkain namin at pumunta na sa classroom.

Ako nga pala si Macy Nicole Reyes.

Wala na akong pamilya at ako nalang mag-isa sa buhay. Pumapasok ako sa umaga at nagtatrabaho naman ako sa gabi. Wala akong kilalang ibang kaanak ko. Isa rin akong scholar sa Royalton University. Ang eskwelahan na kung saan anak-mayaman ang mga nag-aaral.

Nga pala yung mga nakausap ko kanina ay ang mga kaibigan ko.

Anna Fracess Dilma - mayaman, mabait, may pagkasungit, maganda at only child kaya nakukuha niya lahat ng gusto niya.

Jen Marie Santos - maganda, mabait, childish, mayaman, may dalawang kapatid- si gwenn at si jay.

~~KRING~~

Aalis na sana ako para makapasok sa trabaho ng biglang

"Ms. Reyes , can you clean the classroom for today." Hala lagot ako baka malate ulit ako sa trabaho.

"A-ahh s-sige po." sabi ko kahit labag sa loob ko na gawin ang uyos nya. malelate ako nito sa trabaho ko eh. Nag simula na ako maglinis dahil kailangan ko matapos ito bago mag 5:30

Time check- 5:07

Nakakairita. Ang dami ba namang kalat. May crumpled paper dito, May candy wrapper doon. Ilang minuto bago ko natapos maglinis. Nanlalagkit ako dahil sa pawis na natamo ko habang naglilinis ng classroom. Tumingin aq sa relo ko at. . . shet 5:25 na!

Oh my. . . malelate na ako

Tumakbo ako ng pagkabilis bilis palabas ng school at dumeretso ako sa pinagtatrabauhan ko. Para na nga akong lumilipad dahil sa bilis kong tumakbo.

Alam kong late na ako pero pumasok parin ako sa shop at narinig ko na ang sigaw ng amo ko.

"Macyyy! Bakit ngayon kalang hindi mo ba alam na maraming costumer. Palagi kanalang late!" bulyaw nya. Hala galit na galit si madam.

"You are FIRED." bulyaw nya ulet

"A-ano po?" Tanong ko. Nabingi ako dun ah

"Ang sabi ko you are fired! Umalis ka na dito hindi na kita kailangan. Arrgghh. nakakastress!" bulyaw nya. Halatang stress na stress na sya kasi tumataas na yung kulot nyang mga buhok.

Wala akobg nagawa kundi ang umalis shop. Naglakad pauwi sa bahay dahil wala narin naman akong pera para pamasahe ko. Ano na ang gagawin ko wala ba akong trabaho. Nagpagod pa akobg tumakbo kanina masisisante rin pala ako.

Bumili muna ako ng cup noodles para panghapunan ko at habang naglalakad ako may nakita akong poster na may nakasulat na

Wanted: Maid
Stay in
Chang mansion.

Hulog ng langit 'tong poster na ito. Ngiting aso ako habang naglalakad papunta sa bahay dahil dito sa poster na nakuha ko. Bukas na bukas mag-aapply na ako rito.

▪ ▪ ▪

Hey guys!

Salamat sa pagsuporta at pagbasa ng story ko.

Sorry kung may mga typos and errors kasi first story ko ito.

Please read and vote.
Comment also kung may problem ba sa story.

Thanks love you all mwhuaps!!

Royal Twins (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon