Hinatid ako ni Caleb sa Chang Mansion at ipinark nalangniya yung kotse na napalanunan ko at sumakay nalang siya sa taxi pauwi sa kanila.
Nandito ako sa restroom, maliligo na ako at maglilinis ng bahay.
Timecheck- 10:00
Tapos na akong maligo at tapos ko narin linisin yung kwarto ni Kenneth.
Nandito ako sa garden. Ang ganda talaga dito. Umupo ako sa sahig. Niyakap ko yung paa ko at inilagay sa tuhod ko yung baba ko at tumingin sa kalangitan at dinama ko ang masarap na simoy ng hangin.
Bakit ba ang dami ko'ng iniisip ?
Sino ba talaga ako ?
Nay,tay, tulungan niyo ako ?
Bakit ba kasi ang aga ninyong namatay ?
Gusto ko nang sumama sa inyo dyan sa langit para magkakasama na tayo dyan.
Sino ba talaga ang tunay kong pamilya ?
Hindi ko namalayan na umiiyak na ako. Hindi ko na mapigilan maiyak dahil pagod na pagod na ako sa mga iniisip ko.
Bakit ba ang dami-dami ko'ngmga panaginip na hindi ko naman kilala kung sino yung mga kasama ko dun sa panaginip ko ?
Isa pa muntik na akong mapahamak dahil dun.
Arghh... ayoko na!
Pinunasan ko yung luha ko at pumasok sa loob ng bahay.
"Iha, mag-go-grocery lang ako pwede bang ikaw ang mag-luto ng tanghalian.
"Sige po. Ano po ba gusto nyo ipaluto sa akin."
"Yung specialty mong adobo kasi dadating sila madame at master. Maaga din uuwi si Kenneth para makapaghanda sa family dinner nila. Darating din ang lolo at lola ni Kenneth na sila Sir Jones at Ma'am Rosa."
"Ah, sige po."
Umalis na si Manang Celia at aki naman dumeretso na sa kusina para magluto ng specialty ko na ADOBO!
Kumuha ako ng mga gagamitin ko para sa Adobo na gagawin ko.
Hiniwa ko na yung baboy at pinagsama-sama ko na yung mga ingredients.
Hinugasan ko muna yung mga ginamit ko habang hinihintay kong maluto yung Adobo.
"Blaggg..."
Ano yun ? Lumabas ako sa kusina at sumilip ako at nakota ko si Kenneth na paakyat sa second floor.
Ano ba yung problema nun ?
Tinikman ko yung Adobo na ginawa ko. Wow hahaha ang sarap.
"MANANG CELIA!" Sigaw ni Kenneth.
Pinatay ko na yung kalan at tinakpan ko yung niluto kong adobo at tumakbo paakyat sa kwarto ni Kenneth.
"Tok..tok"
"Pasok!" Sigaw niya. Bakit ba palagi nalang siyang galit.
"Wala si Mang Celia nag-grocery. Ano ba'ng kailangan mo, aber." Sabi ko at nag kibit-balikat.
"Plantsahin mo iyan, kailangan walang lukot yan. Isusuot ko yan mamaya." Sabi niya at ibinato sa akin yung damit na isusuot daw niya mamaya.
Pumunta ako sa kwarto namin ni Manang Celia.
Nasan na ba ang plantsa dito ?
Hinahanap ko yung plantsa sa cabinet ni Manang. Bakit ang daming box una kong binuksan yung red na box, ang laman ay yung mga pabango at mga relo nya. Sunod kong binuksan yung blue na box, sa totoo lang colorcoded lang ang peg, tss. Binuksan ko na yung blue na box pero wala parin doon yung plantsa binuksan ko yung itim na box. May picture doon na may kasama si Manang Celia na dalawang bata at yung frame may design na mga decorative gems .
Sino kaya yung dalawang bata sa picture ?
Aish..wag ko nga isipin yun marami pa akong gagawin.
Sinarado ko na yung black box at binuksan yung isa pang doorng cabinet at doon ko nakita yung plantsa. Kinuha ko na yung plantsa at nag-start na mamalantsa.
Tapos na akong mamalantsa atdadalhin ko na itong damit ni Kenneth sa kwarto niya at kailangan ko pang maglinis sa Dining room.
Kumatok muna ako at pumasok. Walang tao dito sa kwarto niya kaya inilapag ko nalang sa kama niya yung damit na ipinaplantsa niya sa akin at umalis na.
Kumuha ako ng pampunas at nga mga gamit para sa family dinner nila.
Pinunas ko muna ang long long table nila, hehehe ang haba kasi ehh mga eighteen seat kasi. Pagkatapos kong punasan inilagay ko na yung mga kailangan na gamit para sa family dinner.
Hay, salamat naman natapos na ako.
"Manang, buti umuwi ka na."
"Ang haba ng pila sa grocery."
Tinulungan ko si manang na buhatin papasok yung mga pinamili niya.
"Tapos na ba yung adobo mo."
"Opo kanina pa po."
"Oh sige tulungan mo akong magluto ng pastel at ng barbecue."
" sige po manang."
Dumeretso na kami sa kusina at nagluto. Lumabas ako sa garden para doon ako magluto ng barbeque.
Hooo... nakakapagod at ang usok-usok naman.
Time check- 1:30
"Macy tapos na ba yang Iniihaw mo."
"Opo manang."
"Ipasok mo na iyan at malapit na pumunta sila madame at master."
Ipinasok ko na yung barbecue at lumabas ulit parang ayusin yung ginamit ko kanina.
Pumasok na ako at nakita kong naka-ayos narin yung mga pagkain at maymga nakita akong limang katulong. Maitanong nga kay manang kung sino sila.
"Manang sino po sila ?"
"Iha, sila yung katulong nila ma'am at sir."
"Ah, nice to meet all of you." Sabi ko na nakangiti at nagbow ako."
"Nice to meet you too." Sabi nola at nagbow.
"Nandito na sila." Sabi nung isang maid.
Pumila na kami sa gilid ng main door ng mansion. Katabi ko si Manang Celia.
May pumasok na dalawang matanda at pumasok na rin ang mag-asawa na sila madame at master. Sinalubong sila ni kenneth na kakababa lang sa Hagdan.
"Let's go in the dining room." Sabi ni ma'am.
Pumunta na sila sa dining room at kami naman ay dumeretso sa kusina para ipaghanda sila ng pagkain.
Ilang minuto lumabas na kami dala-dala ang mga handang pagkain.
Nilapag na ang mga pagkain at sinalinan ko naman yung mga baso nila ng tubig.
"Iha, ano pangalan mo?" Tanong no ma'am, ang lola ni Kenneth.
"Ahh... Ako po si Macy." Sabi ko.
"Rea, napapansin mo ba na may kamukha siya." Tanong ni Ma'am
"Oo, matagal ko nang napapansin na kamukha niya yung kapatid ni Kenneth."
"That's right, by the way let's eat." Sabi ni ma'am.
Sino yung kamukha ko?
Sino yung kapatid ni Kenneth?
May kapatid pala siya ?
Babae o lalaki ?
BINABASA MO ANG
Royal Twins (Completed)
Teen FictionUlila, mahirap at isang scholar lang si Macy. Kahit mag-isa nalamang siya sa buhay ay lumalaban siya sa buhay para kanyang pangarap. Namatay na ang kanyang mga magulang, kaya wala ng umaagapay sa kanya. Paano pagnalaman niya na isa lang siyang ampo...