Kinabukasan
Umaga na ngayon at bumangon na ako at naligo.
Nagtimpla ako ng kape at ibinom at kumain ako ng tinapay.
"Manang kukunin ko lang po yung mga damit ko sa bahay at kakausapin ko yung may-ari na aalis na ako dun sa inuupahan kong kwarto."
"Sige iha mag-ingat ka."
"Sige po salamat po manang."
"Ikaw pa sige na tapusin mo nayang kinakain mo at umalis ka na para hindi ka gabihin sa kalye."
"Opo, alis na po ako. Bye."
Naglakad ako palabas ng village at nagpara ng taxi.
"San po kayo pupunta." Manong driver
"Sa eliz apartment po."
"Sige."
-------------------
Nandito na ako sa kwarto na inuupahan ko at tinawagan ko narin yung may-ari ng kwarto at sinabi kong hindi na ako makakaupa sa kanya dahil may bahay na akong tinutuluyan at pumayag naman siya.
Lahat ng gamit ko ay dadalhin ko.
Mamimiss ko tong kwarto na to huhuhu.
Malapit na akong matapos.
Tinitingnan ko yung loob ng cabinet nila nanay. At may nakita akong itim na box.
Ano kayang laman nito.
Binuksan ko yung box at may nakita akong letter.
Dear Macy,
Sorry, sorry talaga. Sorry.
Hindi ko agad ito sinabi ko sa iyo
dahil baka kasi mawala ka sa
amin at ayaw namin iyon
mangyari. Sorry talaga. Ikaw ang
pinakamamahal namin sa buhay
namin at ikaw lang ang iisa
naming anghel sa buhay.
Isang araw nakuha kalang
namin sa isang ilog na
lumulutang at walang malay.
Akala namin wala ka nang
buhay. Isinugod ka namin sa
ospital. Nakaligtas ka sa
panganib at itinuring ka na
namin na anak.
Nandito sa itim na box ang damit
mo nung araw na napulot ka
namin.
Hindi ka namin totoong
anak.
Sorry anak. Mahal na mahal ka
namin. Sorry. I love you anak.
Paalam.
Nagmamahal,
NanayUmiiyak ako habang binabasa ang liham ni nanay para sa akin.
Kinuha ko yung damit ko nung bata pa ako at niyakap iyon.
Nay, bakit hindi mo agad sinabi sa akin. Nay, bakit ang bilis nyo akong iwan. Bakit?! Mahal ko kayo at walang magbabago doon kahit malaman ko ang totoo. Bakit niyo ako nilihiman?!
Umiyak ako ng hanggang sa makatulog na ako.
Nagising ako at tiningnan ko yung wrist watch ko.
Time check-6:30
Dinala ko na yung box at yung maleta at bag ko at pupunta na ako sa Chang mansion.
"Taxi..para..taxi..taxi."
Pumara ako ng taxi at tinulungan ako nung driver ilagay lahat ng gamit ko sa loob ng kotse.
"Ma'am saan po kayo pupunta?"
"Kuya, sa Chang mansion po."
"Ahh ok po."
Iniisip ko kung sinabi nila ang totoo saakin hindi ba ako magrerebelde at sana sinabi nila nanay para hindi ako nag-iisip ng ganito.
'Wag ko nalang isipin 'yan tatawagan ko nalang muna sila Jen.
"Kring..kring.."
Hello.
May sasabihin ako sa inyong dalawa.
Ano yun
Hindi ako makakapasok hanggang dumating na si madame at makahingi akong permiso makapasok sa eskwelahan.
Sige. Gusto mo bang sabihin nalang namin ni Anna na hinri ka makakapasok.
Sige. Pakisabinalang sa mga teachers.
Uyy. Macy may kwento ako. Singit ni Anna sa pag-uusap namin ni Jen.
Ano yun?
Dito daw mag-aaral yung pinakamayamang tao.
Sino naman yun?
Si Kenneth.
Ahh. Kelan ba siya papasok?
Hindi ko sure pero sabi nila malapit na siyang pumasok.
Ok.
Sige bye na may gagawin pa kaming project ni Jen. Babush. Love you best.
Bye.Love you too best.Goodnight.
"Ma'am nandito na ho tayo sa Chang Mansion."
"Sige po. Ito po yung bayad. Iniabot ko yung bayad ko at lumabas na ng taxi at dinala na sa loob yung mga gamit ko."
"Iha, ginabi ka yata hah."
"Ahh oho nakatulog po kasi ako habang nagliligpit ng gamit."
"Ahh sige maghapunan ka na at matutulog na ako ikaw na ang bahala ah."
"Sige po."
Kumain na ako ng hapunan at ginugasann bago ako maligo at matulog.
BINABASA MO ANG
Royal Twins (Completed)
Teen FictionUlila, mahirap at isang scholar lang si Macy. Kahit mag-isa nalamang siya sa buhay ay lumalaban siya sa buhay para kanyang pangarap. Namatay na ang kanyang mga magulang, kaya wala ng umaagapay sa kanya. Paano pagnalaman niya na isa lang siyang ampo...