"Macy, gising!"
napabalikwas ako ng higa dahil sa sumigaw.
"Anyare sayo, ba't umiiyak ka habang natutulog?" Tanong sa akin ni Kenneth
naaalala ko na ang lahat. Ako ang nawawalang kapatid ni Kenneth. Ako yung batang nahulog sa ilog.
"Ako yung kapatid mo" wala sa sarili kong sabi
"Si Helena lang ang aking kapatid." Pagtanggi niya
"Naaalala ko na lahat. Ako yung kakambal mo na nawala." Sabi ko sa kanya.
Kinuha ko yung kwintas ko na kaparehas ng bracelet niya at ipinakita ko sa kanya.
bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat dahil sa mga nangyayari.
"B-buhay ka Helena?" Tanong niya at biglanh tumulo ang kanyang luha at sabay yakap sa akin.
"Oo, ako si Helena. Ang nawawala mong kakambal." Sabi ko sakanya at yumakap.
"saglit lang, aasabihin ko muna nila mom toh." Sabi niya at umalis na sa kwarto.
Habang hinihintay ko siyang bumalik may naririnih akong tumatakbo habang umiiyak. Pagkabukas ng pintuan nakita ko si madame na umiiyak.
"A-anak!" Sigaw niya at niyakap ako ng pagkahigpit-higpit.
"Bakit ang tagal mong nawala?" Sabi niya at umupo na ng maayos.
"Ehh, kasi madame hindi ko naman alam na kayo pala ang mga magulang ko." Sabi ko at tumawa
"Hahaha, o siya mamaya sabay-sabay tayong kakain ng hapunan. Tatawagan ko muna sila Mama at Papa para makilala ka na nila. At tyaka wag mo na akong tawaging madame, mom nalang ang itawag mo sa akin." sabi ni madame este Mom.
"ok po mom." sabi ko at inintay silang umalis.
Hay! Ang sarap sa pakiramdam na malaman at maalala mo na kng sino yung mga magulang mo.
salamat God dahil nakita ko na ang aking pamilya.
BINABASA MO ANG
Royal Twins (Completed)
Teen FictionUlila, mahirap at isang scholar lang si Macy. Kahit mag-isa nalamang siya sa buhay ay lumalaban siya sa buhay para kanyang pangarap. Namatay na ang kanyang mga magulang, kaya wala ng umaagapay sa kanya. Paano pagnalaman niya na isa lang siyang ampo...