KENNETH'S POV
Ang aga-aga!!!!
Ang aga-aga akong ginising ni Macy. May hangover pa ako dahil kagabi kaya nandito ako sa sala at umiinom ng kape.
Kanina tinawagan ko si Berianna at sinabing aalis kami.
Nakatanggap ako ng mga salitang, mag-ingat kayo at mamimiss ko kayo. Yieeee!!! Kinikilig parin ako. Anu bayan para akong bakla kung kiligin, pero tunay na lalaki toh brad.
Inubos ko na ang kape ko at mag-iimpake na ako. Di pa ako nag-iimpake dahil kagabi pagkauwi ko sumalampak agad ako sa kama at natulog.
Umakyat na ako at kinuha ang maleta ko. Nilagyan ko ng ilang mga maayos na damit pang-bakasyon,pang-alis at syempre pangtulog din.
Nilagay ko na ang personal kit ko.
Nagdala ako ng tsinelas at sunglasses. Para cool.
Dadalhin ko rin ang aking backpack para doon ilagay ang mga earphones, charger at etc.
Pagkatapos kong ilagay ang mga gamit kinuha ko na ang towel ko at maliligo na ako.
------------------------------------
MACY'S POV
Tapos na akong maligo at nakaready na ako. Sasakay kami sa Van.
Kumain na rin ako, excited na ako.
Bumaba narin sila Mom at Dad. Mauuna sila sa resort para ihanda ito.
Nag-bye na ako sa kanila.
Hihintayin pa namin yung dalawa namin pinsan na sila Donna at Sam. Magkapatid sila sa side ni Dad, tatay nila si Tito Danny.
Maya-maya oa sila darating. Katulad ng parents namin, dumeretso na rin ang parents nila sa resort. So apat lang kami sa Van at yung driver.
Saamin ang resort na iyon pero may ibang mga taong nagpupunta doon.
Excited na ako. ☆ 0 ☆
Sa wakas bumaba na si Kenneth.
Hinintay nalang namin sila Donna. Inilagay na namin sa Van ang gamit namin habang hinihintay sila.
Maya-maya dumating narin sila Sam. Sumakay na kami sa Van.
Nakipag-kilala ako kay Donna. Btw, ngayon ko lang sila nakita. Sinabi lang nila mom ang pangalan nila. Kilala na sila ni Kenneth.
"Hi, I'm Donna and this is my brother Sam." Sabi niya at tinuro si Sam na nakikipagkwentuhan kay Kenneth.
"Hello, ako naman si Macy twin ni Kenneth." sabi ko naman
"Ahh, I see." sabi niya
"Dito ka ba nakatira simula nung bata ka pa?" Tanong ko, nacucurious ako.
"No, laking ibang bansa kami ni Sam dahil dun na kami pinanganak and dun narin lumaki."
Nag-nod ako at nagtanong uli. Usisera na kung usisera basta gusto kong makilala pa siya.
"Paano kayo nagkakilala ni Kenneth?" Tanong ko uli
"Diba pumunta sila sa States at doon kami nagkakilala."
"ahhh." Sabi ko.
Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan.
Nagpakilala narin si Sam. Madali kaming naging magkaclose.
(A/n: Sam)
(A/n: Donna)
Twins din yang dalawa katulad namin.
magka-edad rin kami.
-----------------------------------------
Guys, Sana ivote nyo And also support my story, hehe.
Lovelots😙😙
BINABASA MO ANG
Royal Twins (Completed)
Teen FictionUlila, mahirap at isang scholar lang si Macy. Kahit mag-isa nalamang siya sa buhay ay lumalaban siya sa buhay para kanyang pangarap. Namatay na ang kanyang mga magulang, kaya wala ng umaagapay sa kanya. Paano pagnalaman niya na isa lang siyang ampo...