Naglalakad-lakad ako. Nung nakakita ako ng isang playground feeling ko gusto ko sumakay sa swing.
Kinuha ko ang phone ko at nagselfie. Pababa na si Haring araw at ang ganda ng view Kaya pinicturan ko ang sunset. Nakailang takes ako ng picture at naggabi na. Tiningnan ko ang mga pictures and may nahanap akong magandang shot kaya pinost ko na ito sa instagram.
Tumingin ako sa instagram at inapprove ang ibang nagfollow. Nagfollow back din ako sa iba.
Nakailang minuto rin akong naglalaro sa swing at nagpipipindot sa cellphone at di ko namalayan ang oras.
Malamig na ang simoy ng hangin kaya nagjacket na ako. Nagsimula na ulit akong maglakad papunta sa malapit na coffee shop dito.
Tumawid ako para makapunta sa kabilang kalsada dahil nadun ang coffee shop.
Pumasok na ako sa coffee shop at tinanggal ang jacket ko at sinabit sa braso ko.
Pumunta na ako sa counter and bumili ako ng frappe and isang chocolate bread.
Umupo ako sa gilid ng coffee shop. Umupo ako sa tatluhang upuan dahil ayun nalang ang available. Konti lang ang seats dito sa coffees hop kaya kahit konti lang ang tao puno parin ang coffee shop. Inilapag ko ang bag at jacket ko sa isang seat at hinintay ang order.
Kumuha ako ng pictures dito sa cafe kasi maganda ang mga nakadikit sa wall. Sa isang sulok nakakita ako ng isang writing wall.
Pumunta ako doon at nagsulat gamit ang ballpen. Sumulat ako ng pasasalamat dahil binigyan ako ng magandang buhay at nagpasalamat din ako dahil may frappe akong nabili.
Umupo na ulit ako at hinintay ang order ko. Nagpost ulit ako sa instagram ng picture. Nagselfie ako and nagstatus naman ako sa facebook.
Dumating na ang order ko. Di ko na pinicturan at nagsimula na kumain.
Sa kalagitnaan ng pagkain ko may nagsalita
"Miss, pwedeng maki-upo?" Tanong ni ateng ganda.
"Sure, take a seat." sabi ko nang nakangiti.
Umupo na siya at inilapag ang tray niya.
inusog ko bg konti ang bag ko at sinabit ko nalang ang jacket ko sa upuan pata may paglagyan siya ng bag niya.
"Ate, dito niyo nalang po ilagay bag nyo." Sabi ko at tinuro ang tabi ng bag ko.
ngumiti lang siya at inilagay ang bag niya.
kumain na siya at ako naman ay nakatingin sa kanya.
Nahuli nya akong nakatingin kaya kumain nalang ulit ako.
"Ano pangalan mo?" Tanong niya. Tumingin ako sa kanya at tinuro ang sarili ko at mouthed 'Ako'
"Yes." Sabi niya at tumawa. Tinaasan ko siya ng kilay. Bakit siya tumatawa ?
"Ang cute mo." sabi jiya. Shocks na flatter ako, hihihi.
"So what's your name?" Tanong niya. This time sinagot ko na baka tumawa ulit ehh.
" Macy po ate ,ikaw po ano po name mo?"
"Berianna is my name."
nagkwentuhan lang kami at kumain.
Kring....kring......
Tumatawag na si Kenneth.
sinagot ko.
(Bakit?) Tanong ko
Nasan ka?
(Nasa coffee shop malapit sa playground)
sige. Hintayin mo ako susunduin kita.
(Sige.) Sabi ko at binabaan na siya.
Nagkwentuhan ulit kami ni Berianna.
May pumasok at nakita ko si Kenneth. Kinawayan ko siya. Lumapit siya sa table namin at ipakikilala ko sana si Berianna pero may kinuha lang siya sa bag niya kaya nakatalikod.
"Uwi na tayo." Sabi ni Kenneth. Nag-nod lang ako at inayos ko na ang bag ko at sinuot ko ulit ang jacket ko.
Humarap na si Berianna at nakita ko na nanlaki ang mata ni Kenneth sa kanyang nakita.
"Berianna/Kenneth" sabay na sabi nila.
-------------------------------------
hello guyss. Pabitin muna
Kaano-ano ni Kenneth si Berianna?
Bakit magkakilala sila?
masasagot ang mga katanungan na iyan sa susunod na chapter.
Hintay lang guyss.
vote.Comment and support my story guysssss. Thank you very much
LOVELOTS😙😙😙
BINABASA MO ANG
Royal Twins (Completed)
Ficção AdolescenteUlila, mahirap at isang scholar lang si Macy. Kahit mag-isa nalamang siya sa buhay ay lumalaban siya sa buhay para kanyang pangarap. Namatay na ang kanyang mga magulang, kaya wala ng umaagapay sa kanya. Paano pagnalaman niya na isa lang siyang ampo...