Nagdaan na ang mga araw at malapit na ang 4th Quarterly Exams.
Malapit na rin ang bakasyon!
Iniisip ko kung ano ang mga gagawin ko sa bakasyon ng may biglang tumawag saakin.
Napalingon ako sa likod at nakita ko ang mga BESTFRIENDS KO :)
"Naistorbo ka ba namin sa pagdedaydream mo?" Tanong ni Jen
"Nope" sabi ko
"Tara na baka malate tayo sa klase." Sabi ni Anna
Pagkadating namin sa classroom ay nagkwentuhan muna kami since wala pa yung teacher.
Kilig much parin kami nung feb.14
Yiieeee!!!!!!!!! ^_^
"Hayyysss, matatapos na ang school year" malungkot na sabi ni Jen
"Parang di tayo magkikita kita ahh" singit ni Berianna
Nagtawanan lang kami
Dumating na yung mga boys at kasabay nila yung teacher.
Hayss.... Boys will be Boys
Walang pinagbago simula pasukan hanggang sa magtatapos ang klase.
Lumipas na ang oras at uwian na 2 weeks nalang at tests na.
Nagsisimula na akong magreview kasi mahirap hirap din ang mga exams.
Lumabas ako sa kwarto dahil napag-isip isip ko na kumain ng cookies.
Naaninag ko si Kenneth na nanonood ng t.v sa sala.
Nilapitan ko siya pagkatapos kong kumuha ng pagkain.
"Ba't di ka pa nag rereview?" Tanong ko
"Madali lang ang exams" sagot nya.
Yan nanaman siya sa 'madali lang ang mga exams' nya pero sa katotohanan wala siyang alam kaya bumabagsak.
Pasalamat siya sa mga special project.
Hays kung uso sa school namin ang summer classes tiyak magsasummer siya. Ehh sa kasamaang palad di ginagawa ang summer classes sa school.
Umakyat na ako dahil wala naman akong mapupulot na kaalaman dito sa kapatid ko kundi kabalastugan.
Pumasok na ako sa kwarto at nagreview ulit habang kumakain.
Naramdaman ko ang kaantukan. Tumingin ako sa orasan at 3 oclock na ng hating gabi.
Pasalamat nalang ako at friday ngayon at walang pasok bukas.
Sinarado ko na yung libro ko at humiga na sa kama at pinikit ang mga mata.
Oh jusko sakit sa ulo ng Math.
___________________
Hi po guys last 3 chapies nalang at matatapos na ang story
Mamimiss ko kayo. Mamimiss korin ang mga characters ng story na ito huhuhuhu
BINABASA MO ANG
Royal Twins (Completed)
Teen FictionUlila, mahirap at isang scholar lang si Macy. Kahit mag-isa nalamang siya sa buhay ay lumalaban siya sa buhay para kanyang pangarap. Namatay na ang kanyang mga magulang, kaya wala ng umaagapay sa kanya. Paano pagnalaman niya na isa lang siyang ampo...