Gabi na at umuwi na sila ma'am at sir. Sila madame naman dito na natulog.
"Hay.. nakakapagod." Sabi ko. Sino ba hindi mapapagod kung isang buong araw kang nag-tatrabaho.
Bukas papasok na ako kaya matutulog na ako.
Nandito na ako sa school at kasabay ko si Kenneth pumasok.
Gawin ba naman akong driver. Che. Ako ang nag-drive. At ako ang nag-park. Ang galing din noh. Buti nalang may sarili siyang parking kasi kung wala ipapark ko itong jotse niya sa kalsada kasi wala nang
mapaparking-an.Pumasok na kami sa classroom at lahat ng babae pinagtitinginan kami ng masama, ay hindi pala ako lang pala.
Ano ba'yan wala silang magawa kaya ako yung pinag-iinitan nila. Tse. Tinignan ko din sila ng masama nagulat sila.
Umupo na ako at sinalubong ako nung dalawa.
"Hahaha, pinapatay mo na yata sila sa tingin mo ahh." Sabi ni Jen at ngumisi.
"Oo nga eh, kung mapapatay ko nga sila sa tingin, marami ng nakahalandusay dyan sa sahig." Sabi ko at ngumiti.
Tumawa na man silang dalawa.
"Buti nakapasok kana. May test tayo sa Math mamaya kaya mag-review ka na." Sambit ni Anna at ibinigay sa akin yung makapal na libro ng Mathematics.
"Wow hah, ako lang ba ang mag-rereview." Sabi ko sa kanila at tinaasan sila ng kilay.
"Bakit may problema ba?
Eh sa tapos na kami mag-review, bakit may angal ka." Sabi ni Jen at itinaas ang kamao niya."Hehehe, hindi mi manlang sinabi s-sige mag-rereview na nga ako ehh." Sabi ko at binuklat na ang makapal ba libro.
Hindi na ako sumagot kasi baka ituloy niya ang pagsuntok sa akin.
"Ayan..buti nagkakaintindihan tayo." Sabi niya at nagkibit-balikat.
Inirapan ko lang siya at tumingin na ako sa libro.
Jusmiyo marimar. Kahirap naman nito. Binasa ko nalang kahit hindi ko masyadong naintindihan basta may malaman lang ako.
Dumating na yung Science teacher namin kaya tinago ko na yung Math book at binati namin siya. Nagsimula na siyang mag-turo.
Kring...kring...
Nagbell na at umalis na yung science teacher namin at dumating na yung Math teacher namin.
"Class, review for ten minutes and after that all of you will take the quiz."
Nagreview na ako. Yung mga katabi ko naman nagdadaldalan kaya wala akong maintindihan. Sheez. Baka bumaba yung grade ko at mawala yung scholarship ko.
"Get ready for your quiz." Sabi nung math teacher namin."
Nagsimula na kaming mag-quiz. Oh My ang hirap ng mga question kahit yung mga kaklase ko hirap din.
Siniko ako ni Anna at tinignan ako ng
anong-sagot-dito-look.
Tinignan ko rin siya ng
Hindi-ko-rin-alam-look.
Tumango nalang siya at ako naman ay tumingin kay Jen at tinignan din siya. Meron siyamg nahiram na kodigo kaya nangopya nalang ako at siniko ko na si Anna at tinignan siya ng alam-ko-na-ang-sagot-look.Lahat kami ay nangopya. Hindi naman kasi pangongopya yung mga sinasabi ng mga teacher doon pero ang tawag namin doon ay group work. Haha.
Hindi naman talaga ako nangongopya pero jadi ang hirap ng mga question kaya naki-kopya nalang ako kaysa bumagsak ako sa subjext na ito. Oha. Hahaha.
Kring... kring...
Inayos ko muna yung mga gamit ko at dinala ko yung libro na makapal para maisoli ko yun sa library.
"Girl, tara na gutom na aketch." Sabi ni Anna at hinawakan yung tiyan niya.
"Tara na." Sabi ko at pumunta na kami sa canteen.
Naglalakad kami ng may biglang bumangga sa akin.
"Sorry, miss hindi ko sinasadya." Sabi nung lalaki at pinulot yung math book at ibinigay saakin. Itinaas ko yung ulo ko at nakita ko si Caleb.
"Oh,ikaw pala. Tara sabay na tayong kumain." Aya ko sa kanya.
"Sige.tara gutom narin ako." Sabi ni Caleb.
Pumunta na kami sa Canteen. Ang sama nanaman ng mga tingin nila sa akin at yung iba nagbubulungan na naman. Hindi ko nalang sila pinansin at pumila na sa canteen at kumaon na kami.
Hay.. ang sarap talaga kumain.
"Ahh.. Macy.. mauna na ako tinext na ako ni Caleb." Sabi nya.
"Sige alis na, baka sumigaw nanaman yun." Sabi ko at tumawa naman at tumawa siya.
"Oo nga, baka mawalan pa ako ng tenga." Sabi niya at umalis na.
"Tara na. Ibabalik ko pa ito sa library." Sabi ko at itinaas ko yung math book at lumabas na ng canteen.
Pero bago kami lumabas may biglang tumawag sa akin.
BINABASA MO ANG
Royal Twins (Completed)
Teen FictionUlila, mahirap at isang scholar lang si Macy. Kahit mag-isa nalamang siya sa buhay ay lumalaban siya sa buhay para kanyang pangarap. Namatay na ang kanyang mga magulang, kaya wala ng umaagapay sa kanya. Paano pagnalaman niya na isa lang siyang ampo...