restaurant

4.7K 128 1
                                    

Sumakay siya sa napalanunan kong kotse.

Bumaba siya sa kotse at pinag buksan niya ako ng pinto. Waaaaahh so sweet naman, hehehe kinikilig ako pero hindi naman kami.

Sumakay na ako at sinarado na niya yung pinto.

Sumakay na siya at pinaharurot na yung kotse.

(Buksan mo yung phone mo may nagtext 'wag seenzone.)

Hello.

Uy, nasan ka na ?

Malapit na kami. Wait lang hah.

Ahh, okie.

Inend ko na yung tawag ni Jen at humarap na ulit sa kalsada.

"Sino yung tumawag." Tanong ni Caleb.

"Ahh, si Jen."

"Ahh, okay."

Humarap na ulit siya sa kalsada at nagdrive.

May sumagi sa isip ko.

Ano yung nangyari sa akin kanina?

Sino yung batang lalaki?

Sino yung tinawag nung batang lalaki na Mom?

Bakit nandoon si Manang Celia?

Sino ba si Helena?

Ang dami kong tanong sa isip ko kaya lumutang na yung isip ko kaya hindi ko na naalala na nandito na kami sa restaurant.

"Macy, tara na pasok na tayo sa restaurant."

"Ahh, sige."

Bumaba na kami sa kotse at pumasok na kami sa loob ng restaurant.

Hinanap namin sila Kenneth.

Pagkalingon ko sa kanan nakita ko si Jen na nakikipag usap kay Tyler.

Hinila ko si Caleb papunta doon.

Umupo kami doon sa vacant na upuan.

"Ohh, anjan na pala kayo" sabi ni Jen

"Ay, hindi picture lang kami" sabi ko kay Jen at umirap.

"Hoy ba't badmood ka, aber." Sabi ni Anna at nagcross arms ba ang bruha.

"Umorder na ba kayo?" Pag-iiba ko ng topic.

Nag-nod lang si Anna at may kinalikot na dun sa cellphone.

Hinintay nalang namin yung pagkain. Walang nag-sasalita sa amin. Kahit si Leo na napaka-ingay hindi nagsasalita.

"Sir,mam! Here's your order." Sabi nung Waiter at inilapag na niya yung mga pagkain.

Wow ang dami ng pagkain. Sakto nagugutom ako. Wahaha lalantakan ko lahat ng pagkain na ito.

Ang dami kong nakain nakatingin nga sila Kenneth,Leo at Tyler sa akin pero sila Jen, Anna at Caleb hindi na ako pinansin dahil alam na nila kung paano ako kumain kung gutom na ako. Nakatingin parin sila sa akin hanggang sa matapos akong kumain. Uminom muna ako ng tubig at nginitian ko sila ng napakatamis tamis.

Biglang nawala yung ngiti ko dahil bigla nalang sumakit ulit yung ulo ko na parang binibiyak. Napahawak nalang ako sa ulo ko at minasahe. Napakagat nalang ako sa babang parte ng labi ko dahil lalong sumakit yumg ulo ko.

"Macy dumudugo yung labi mo." Sabi ni Anna at tinuro yumg ibabang parte ng labi niya.

Hinawakan ko yung labi ko may dugo nga. Kinuha ko yung panyo ko sa bulsa at pinunasan yung labi ko.

Royal Twins (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon