Macy's pov
Nandito ako sa kwarto at natutulog.
Nang biglang itnawag ako ni manang celia."Iha, gising na nandyan na sila madame."
"Hah, ahh ehh s-sige po. Sabi ko at bumangon na aa pagkakahiga ko."
Oh my natataranta ako. Paano kung mataray si madame. Oh no.
Lumabas na ako ng kwarto at pumila kasama ng mga katulong.
Katabi ko si manang. Siya pala ang head sa mga maids at pwede narin maging nanay nanayan.
Pumasok na si madame kasama yung asawa niya kasunod ang anak nila nakasalamin at nakaheadphones na parehong black at pa cool na naglalakad. Parang ang sungit niya pero parang pamilyar ang itsura niya. Siya yata ang bata doon sa nilinis kong malaking picture frame na nakasabit sa nilinis kong kwarto.
"Manang celia!" Tawag ni madame kay manang Celia.
"Ano po yon madame?" Tanong ni manang celia.
"Sumunod ka sa study room may pag-uusapan tayo." Sabi ni madame at naglakad na papunta sa studyroom.
---------------------------
"Macy....macy!" Tawag ni manang celia.
"Ano po yun?" Tanong ko
"Punta ka sa studyroom at kakausapin ka ni madame."
"Sige po."
Pumunta ako sa studyroom at kumatok bago buksan yung pinto.
"M-madame bakit nyo po ako pinatawag?"
"What's your name? Ikaw pala ang bagong katulong."
"O-opo.Ako po Macy Nicole Reyes."
"Ahh. I see, isa kang mabait at magalang na bata."
"Nasaan na ang mga magulang mo ?"
"Wala na po sila patay na." Habang sinasabi ko yon bigla nalang akong nalungkot
"Other relatives ?"
"Wala po akong kilala maliban sa mga magulang ko."
"Nag-aaral ka ba?"
"Opo."
"Madame pwede ko po bang ipagpatuloy ang pag pasok ko dahil baka tanggalin po ang aking scholarship."
"Sige iha. Saan ka ba nag-aaral?"
"Sa Royalton University po."
"Ahh, iha pwede mo bang samahan at bantayan si Kenneth dahil doon din siya nag-aaral eh."
"Sige po Madame babantayan ko po siya doon sa school."
"Sige iha magpahinga ka na at bukas may pasok pa kayo."
"Sige po aalis na po ako."
Nag-nod lang siya at lumabas na ako.
"MANANG CELIA!" Sigaw ng isang lalaki at lumabas ng kwarto niya at ibinalibag iyon ng malakas na para bang magigiba.
"A-ano yon young master?" Sabi ni Manang celia na halatang kinakabahan.
Akala ko mabait yun pala halimaw,tss.
"SINO NAGLINIS NG KWARTO KO!" Sigaw nya kahit nasa harapan na nya yung kausap nya parang sa kabilang bundok kasi yung sigaw niya. Ang sakit sa tenga.
"Ako ang naglinis sa kwarto mo, bakit may problema ka?" Sagot ko sa kanya.
Hindi ko napigilan yung sarili ko dahil sumosobra na siya. Sinisigawan niya yung matanda.
"Saan mo nilagay yung bracelet ko?"
Anong bracelet kaya yun. Ahh yun bracelet na gold na may pendant na crown.
May ganon din ako pero kwintas ang akin.
"HOY! SAAN MO INILAGAY!"
"Kunin mo nalang sa drawer ng study table mo."
" 'Wag mo akong utusan. Ikaw ang kumuha." Sabi niya at itinulak ako paakyat ng hagdan
Umakyat ako ng hagdan at siya nakasunod lang.
Pumasok ako sa kwarto nya at isinara niya yung pinto
Dumeretso ako sa study table nya at kinuha doon yung bracelet niya.
Nakahiga na siya sa kama niya at natutulog.
"Huy! Bukas daw papasok ka na at sasamahan kita." Sabi ko sa kanya at ibinigay na sa kanya yung bracelet nya.
"Kuhanin mo nga yung phone ko sa bag ko."
Pumunta ako doon sa mga bag niya na nakakalat.
"Saan dito, ang dami mong bag." Inis na sabi ko sa kanya.
Sa kulay pula na bag.
Hinalungkat ko yung bag na iyo na puro damit niya.
Nakita ko yung iphone niya.
Sosyal.
Kinuha ko iyon at ibinigay sa kanya.
Kinuha nya iyon at may idinail.
Lumabas na ako bago pa siya magsisisigaw.
Naglilinis ako ng sala ng may bumusina na isang kotse. Parang pamilyar yung kotse na iyan.
Oh my. Kotse ni Tyler yan. Bakit sila nandito ni Leo. Oh my baka kaibigan sila ni Kenneth.
Nagtatakbo ako papuntang kusina at sumilip. Dumeretso sila sa taas. Sinundan ko sila kung saan sila pupunta at tama nga ang hinala ko kaibigan sila ni Kenneth.
Bumaba na ako at sa kusina nalang ako naglinis.
Nandito na ako sa kwarto at bukas papasok pa ako.
BINABASA MO ANG
Royal Twins (Completed)
Teen FictionUlila, mahirap at isang scholar lang si Macy. Kahit mag-isa nalamang siya sa buhay ay lumalaban siya sa buhay para kanyang pangarap. Namatay na ang kanyang mga magulang, kaya wala ng umaagapay sa kanya. Paano pagnalaman niya na isa lang siyang ampo...