make over

4.4K 123 1
                                    

Nandito na kami sa loob ng mall.

Naglilibot ako ng biglang

BOOOGGSSSHHH....
Sino bumunggo saakin.

"Hey, bulag ka ba. Bakit mo ako binunggo ?" Sabi ni ateng malande.

"Sorry ahh. Ako nga nakabangga sa iyo." Sabi ko in a sarcastic way.

"Tse, who are you to answer me. You are just a weirdo." Sabi niya. Wow ako, weird. Baka siya , tse. Sige ikaw ngayon ang mananalo pero sa akin ang huling hagakhak.

Hinila na ako ni anna sa Salon. Pagmamay-ari niya yung salon. Kaya libree. AJA.

"Nasaan si Lemon ?" Tanong ni anna.

"Nandoon po." Turo ni ateng cute.

Tinignan naman ni Anna kung saan nakaturo si ateng cute at nandoon si Lemon.

"LEMONNNN!!" Tili ni Anna.

"AMESYOH!" Sigaw ni lemon.

"So ngayon nalang ulit kayo nagkita ? "Tanong ni Jen at tinuro silang dalawa.

"Halata naman diba." Singit ko kaya sinamaan ako ng tingin ni Jen. Nagpeace sign nalang ako at siya naman umirap. Ang sungit talaga nito hmp.

"Ano ipaglilingkod ko sa iyo Anna ?" Tanong ni lemon

"Gawin mo siyang maganda, no i mean gawin mo siyang dyosa." Sabi ni anna at turo sa akin.

"Okay. Your wish is my command." Sabi ni Lemon at nag vow pa.

Pinaupo na ako ni Lemon sa upuan.

"LET'S GET READY TO RUMBLEEE!!" sigaw ni lemon at inayusan na ako.

Binigyan ako ni Lemon ng Magazine para may mabasa.

Inistraight niya ang buhok ko at minake upan. Si orange naman minanecure at pedicure ako.

And

TADAA..

Tinignan ko yung itsura ko sa salamin. Wahh, parang hindi na ako.

Maganda ako ay hindi dyosa ako.

"Wow. You're so beautiful." Sabi ni Anna at hinawakan yung dalawa kong pisnge.

"I KNOW RIGHT." sabi ko ngumiti.

"May kamukha ka. Sino ba yun ?" Sabi ni jen

"Sino ?" Tanong ko.

"Oo nga. Hindi ko lang maalala. Sino ba yun ?" Sabi ni Anna at halatang nag-iisip.

Habang nag-iisip sila nag-iisip din ako. Hehe.

"Si...s-si....si ano."

"Wow Jen may kilala pala tayo na ang pangalan ay ano. How strange." Sabi ni Anna at hinawi ang buhok niya.

"Kamukha mo si Kenneth." Sabi ni Jen at tinuro pa ako.

"You are right jen. Hawig nga sila. They are like magkakambal." Sabi ni Anna. Hay nako bumalik nanaman pagkaconyo ng babae na ito.

"Tara na sa boutique para makabili kana ng damit." Sabi ni Jen.

Pumasok na kami at pumili ng damit. Btw kay Jen tong boutique na ito kaya all in all nilibre nila ako. OHA, yan ang friend ko. Hehe.

Pumili na ako ng damit na isusuot ko ngayon at ang iba ko pang isusuot.

Naka pili ako ng isusuot ko. Isang dress na color red na hanggang itaas ng tuhod. Pinakita ko iyon kila Anna at sumang-ayon naman sila at nakapili ako ng red na
5 inches na heels.

Sinukat ko iyon sa fitting room at tumingin sa human size mirror.

And

"DYOSA!" sigaw nung dalawa.

Tumawa nalang ako at lumabas na kami sa boutique at napag-isipan namin na pumunta sa DQ para kumain ng ice cream.

Tapos na kaming kumain ng ice cream at uuwi na kami ng may biglang bumangga nanaman sa akin. Uso ba ang banggaan ngayon hindi ako nainform.

Humarap ako sa nakabanggan at..

"Ikaw nanaman!" Sigaw ko. Namumuro na talaga ang babae na ito sa akin

"Who are you ? I don't even know you !" Maarte niyang sabi.

"Hindi mo ako kilala. Ako nga pala yung nakabangga mo kanina. At nang sinabihan mo ng bulag! sigaw ko sa kanya.

"Ow. Hindi kita nakilala, ang kapal ng make up mo hahaha." Sabi niya at tumawa.

"Wow. Kung ako makapal ang make up ano pa tawag sa iyo....clown." sabi ko na naging sanhi kung bakit siya nanumula. Hahaha.

Nag-walkout si malande. Hahah I WIN..

Lumabas na kami sa mall at inihatid na nila ako sa Chang Mansion.

Timecheck- 7:30

"Iha buti umuwi ka na. Kain na at bukas papasok kana." Sabi ni Manang Celia

Kumain na ako.

Wahh. Ang sarap ng pagkain..

Naligo na ako at natulog

Zzzzzzzzzzz.......

Time check- 5:00

Napasarap yung tulog ko... babangon na ako para hindi ako malate.

Oo nga pala. Pagkatapos ko maligo kagabi may itim na box na nakapatong sa kama ko. May letter na nakadikit at sabi gamitin ko daw yung mga gamit na iyon at galing iyon kay madame.

Kumpleto ang laman may bag, shoes at may uniform din na bago.

Sinuot ko na yung uniform ko. Ang ganda. Kasi yung uniform ko dati maluwag at luma na.

Naglagay ako ng pulbos at nag lipgloss. Sinuot ko na yung sapatos ko. May heels yung sapatos ko kaya medyo tumangkad ako. Sinuklay ko na yung buhok ko at pumunta na sa kwarto ni Kenneth.

"Tok..tok.."

Walang sumagot kaya binuksan ko yung pintuan at wala na siya.

Hinanap ko si manang celia At tinanong kung nasaan si Kennneth.

"Manang asan po si Kenneth ?"

"Nasa labas na hinihintay ka yata ?"

"Sige po salamat."

Tumakbo na ako sa labas at bakita ko si Kenneth na nakatayo malapit sa kotse niya.

"Ba't ang tagal mo ?" Tanong niya

"Ba't ang aga mo?!" Tanong ko naman

"Tara na nga baka malate pa tayo." Sabi niya at pumasok na sa loob ng kotse niya.

Pumasok ako sa front seat at umalis na kami.

Royal Twins (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon