PART 30

5K 88 2
                                    

Let me.

Iniwan ako ni Dylan sa opisina pagkatapos ko siyang pagtawanan sa suhestiyon niya. He was so pissed that he even wanted to wring my neck but I was able to run away from him and went inside the private room of my office just to stay away from him and continue to laugh. Noong lumabas ako ay wala na nga siyang talaga. I can't help but laugh everytime I remember him saying that. Damn that guy, I never thought he can make me this happy. I don't even remember when was the last time I laugh like this.

Umuwi ako sa condo na tawang tawa pa din na parang baliw na nga. Iiling iling pa akong nakangiti pagkatapos kong ipark ang kotse sa parking area. Natulog din ako ng hindi matanggal ang ngiti sa mga labi hanggang sa mag umaga ay siya pa din ang nagpapangiti sa akin. Maybe the effect of his joke is still here inside my head, that's why.

Nag aayos na ako para makaalis ng condo ng biglang tumunog ang doorbell ng condo ko. Napataas ang kilay ko pero agad naman akong nagtungo upang pagbuksan iyon. Ni hindi ko na nga sinilip sa peephole kung sino iyon. Agad nga akong nagsisi noong makita kung sino iyon.



"What the hell? Sa papaanong paraan ka nanaman ba nakapasok dito?" Takang tanong ko. He smiled at me widely before answering me with his playful tone.





"Simple lang. I just charmed the girl at the reception area. She's too easy to get you know." Ngingiti ngiti niyang sagot bago ako kinindatan. Napaikot na lamang ako ng mga mata noong sabihin niya iyon. Ang yabang talaga. Tsk.


"Anong ipinunta mo dito?" Pinantaasan ko siya ng kilay bago sumandal sa may hamba ng pintuan at pinagkrus ang mga braso. "Don't tell me, ipipilit mo nanaman yung suhes.." Hindi na niya ako pinatapos dahil minura na niya ako agad. I tried not to laugh but i can't help it. So I just let it go just so I can piss him again.



"Damn girl." Bubulong niya pang sabi bago pumasok na lang bigla sa loob ng condo ko na siyang ikinagulat ko.



"Oi. Oi. Bakit ka bigla biglang pumapasok. Alam mo bang tresspassing itong ginagawa mo?"Sita ko habang nakasunod sa kanya. Nilibot ng kanyang paningin ang buong sala bago umupo na lang basta sa sofa at itinaas pa ang mga paa sa may lamesa. Ngumuso siya habang nakatingin pa din sa kabuuan ng sala.





"Your condo is too girly, you know that?" Pangiwi pa niyang tanong sa akin. Pinagkrus ko nanaman ang braso ko at maang siyang tinignan. God.! This guy. Gusto ko na siyang tirisin ng buhay! Pakialamero!



"And your point is?" Tamad ko lang na tanong sa kanya. Pinagkrus din niya ang mga braso bago pinaglaruan ang mga labi habang kunwari ay nag iisip daw. Eh wala naman yata itong isip talaga.




"And my point is, we need to go and buy some paints. Yung hindi masyadong pambabae." Pinaningkitan ko siya ng mga mata sa sinabi niya.

"And you're doing this because?" I asked him unconvinced.




"Wala. Gusto ko lang. Tara. Tapos ka naman ng magbihis diba?" Parang wala lang na sagot niya. I just snorted at him but do what he said. Maybe I need some distractions for today, and I think I can use this guy. Mamaya na ako papasok. Pagkatapos kong pagtripan ang isang ito.

We used his car instead of mine. Sabi niya mas maganda daw imaneho ang sa kanya, which I know, iba ang sinasabi niya. This guy is really a sex addict. Tsk. Mabuti na lamang at wala akong kahit na katiting na pagkagusto sa kanya kahit pa gwapo siya.


Nakarating kami sa may department store at agad na nagtungo sa paint section. Ilan na din ang itinuro niyang sample na kulay pero inayawan ko lahat. Nasa pang pitong kulay na yata ang tinuturo niya noong mahagilap ng mga mata ko ang dalawang taong ni sa panaginip ay ayaw ko ng makita. They look happy together. Yung tipong may sarili lang silang mundo at wala silang ibang kasamang tao?



"Ayaw mo ba i.." Nahinto sa pagsasalita si Dylan noong makita ang reaksyon ko. Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagsunod niya sa kung saan nakatutok ang mga mata ko ngayon.





"Tell me. You invited me to come over here to see them right?" I asked him accussingly. He sighed and nodded. I heaved a resigned sigh before looking at him straight in the eyes without breaking a contact with him. "And you are doing this because you want me to agree on your crazy idea, am I right?" I asked again before looking at the two lovers not too far from where we are right now. Tumitingin din sila ng sample colors. Wow. Ang saya naman nila. Plano na nilang bumili siguro ng bahay kaya naghahanap na sila ng kulay ng pintura para doon. Bullshit lang. Bakit ang dali lang para sa kanya ang makalimot habang ako ay paulit ulit lang ang ginagawang proseso? "I will say yes to that this time, Sandoval." I looked at him again with coldness as I closed my fist into a tight ball. "But let me control the game in front of them, right here. Right now. Shall we start then?" Tanong ko. Manghang tumango lamang siya. Hinatak ko ang braso niya at naglakad kami papalapit sa dalawa. Chantal saw me first before she tugged Wayne's shirt. Kunot noo niyang tinignan ang fiancee niya bago sinundan ng tingin ang direksyong tinitignan ni Chantal. I saw how his happy eyes turned dark. I just smiled at them and kept my hands all over Dylan's arms. "Oh. Hi. What a coincidence. Kamusta na?" Ngiting ngiti kong tanong kahit sa loob loob ko ay gusto ko na silang sunuging dalawa! Chantal smiled at us but Wayne remained distant.







"Hello. It's nice to see you again. Sino siya?" Plastic na bati ni Chantal sa akin. I know, dahil pareho kaming babae. Muntikan pang tumaas ang kilay ko noong tinanong niya kung sino ang kasama ko. Binalingan ko ng tingin si Dylan. Ganoon din ang ginawa niya. I made sure he read what I want him to know without saying anything. And just what I thought, he did exactly what I wanted him to do.





"Hi. I'm Dylan Sandoval. And I am courting Selena." Inilahad niya ang kamay niya sa kanila. Tinanggap iyon ni Chantal pero noong madako na kay Wayne ay iba ang natanggap nito mula sa kanya.






"Putang ina mo Sandoval! Pinatos mo na nga si Brooke pati ba naman si Selena, di mo pa pinalagpas?!" Galit na galit niyang saad pagkatapos dumampi sa mukha ni Dylan ang kamao nito. Nanlaki ang mga mata ko sa nangyari. Hindi ako agad nakagalaw sa matinding gulat. I never saw that coming. Noong makarecover ako sa gulat ay agad kong inawat si Wayne. Dylan seemed not to care dahil nakangisi lang siyang nakatingin kay Wayne na ngayon ay sobra na ang galit. Inakbayan ako bigla ni Dylan ay iniharap sa kanila.









"Dude. Past is past. Everyone moves on so move on too. And, don't worry, I promise, I won't hurt Selena. She's an exemption. I heard she was heartbroken before. And I think, I am the man who can mend her. So let me. Best of luck to you both. I also heard, you're getting married finally. Well, baka pagkatapos ninyo, kami na ni Selena. Right,babe?" Nakangiting sabi ni Dylan sa akin. Tipid akong ngumiti sa kanya. Pinilit kong huwag tignan ang reaksyon ni Wayne at pasalamat ako at nagawa akong ilayo ni Dylan sa dalawa. I heard him bid goodbye but I was too damn preoccupied again.





"Thank you for saving me there." Nanghihina kong sabi noong makasakay kami sa sasakyan niya. He sighed and nodded but he never said even a single word. He just started the engine and drove silently.

Someone Borrowed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon