PART 21

4.6K 89 4
                                    

Done.




"Ma'am, may bisita po kayo." Napaangat ang mukha ko ng marinig ko ang sinabi ng sekretarya ko.





"Sino?" Takang tanong ko bago muling ipinagpatuloy ang pagpirma ng mga dokumento.






"Si sir Wayne po." Sagot niya sa akin kaya muli akong natigil sa pagpirma. Napabuntunghininga na lamang ako at napahilot ng sentido.






"Bakit daw?" Walang gana kong tanong.






"Gusto daw po kayong kausapin ma'am." Nag aalangan pa siya kung sasabihin ba sa akin o hindi. Patakaran kasi sa opisina na bawal magpapasok kung walang appointment. Ikalawang beses ng makakapasok si Wayne dito ng walang appointment kung sakali pero sa ngayon, wala akong balak makipagkita sa kanya. Ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko ulit.




"Tell him if he wants to have a meeting with me, he should make an appointment." Matigas kong saad.


"Okay ma'am." Yumuko ito at nagpaalam na. Napatigil ulit ako sa pagpirma at tumayo. Tumalikod ako at malalim na nag iisip ng biglang nagring ang cellphone kong nasa mesa. Kinuha ko iyon at kunot noong nakatingin lamang doon. It's Wayne. Should I answer it?


Okay. Selena. Answer it. Impokrita ka talaga.!


Napailing iling akong sinagot iyon.



"Hello? Tipid kong sagot sa kanya. Narinig ko naman ang mabigat na buntunghininga niya. Parang nanikip ang dibdib ko ng malamang nahihirapan siya sa sitwasyon namin.






"I'm sorry Selena. Please, let's talk." Napabuntunghinga din ako sa sinabi niya. Napatingin ako sa mga papeles na nasa mesa ko at mariing napapikit.






"I'm sorry too Wayne. But I am really busy right now. You can meet call na lang mamaya okay? I'll hang this up na. Bye." Akmang papatayin ko na sana ang tawag pero humabol pa siya.






"No. No. Please. I beg you. Pahiram ng oras mo. Kahit isang oras lang Selena. I'll explain everything." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.





"Wayne. Okay naman tayo diba? Bakit ka ba nagsosorry? Kung yung dahilan ng sorry mo ay yung di natuloy na lakad natin, okay lang. Ano ka ba. Okay lang yun. O siya ibababa ko na okay? Magkita na la.." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng marinig ko ang malulutong niyang mura mula sa kabila.





"Damn. Shit. Tang ina Selena. Mag usap tayo! Bumaba ka dyan at mag uusap tayo!" Galit na galit niyang saad.







"You don't have the right to dictate me Wayne. I already told you I am busy. Kung ayaw mong sundin ang sinabi kong mamaya na lang tayong mag uusap, then fine! Goodbye!" Galit na galit ko ding bulyaw sa kanya at binabaan na siya. Maghapon kong ibinabad ang sarili ko sa trabaho para maiwasan ang pag iyak. No I'm not gonna cry again. I just did last night. Pagod na ako. Muli akong napabuntunghininga at ipinagpatuloy na ang trabaho hanggang sa tawagin ako ng sekretarya ko.






"Ma'am. Di pa po ba kayo uuwi?" Napaangat ang mukha ko at napatingin sa kanya.






"Hindi pa. Mauna ka na." Simpleng sagot ko.





"Pero ma'am. Ikaw na lang po ang maiiwan dito sa taas. Mag aalas otso na po kasi." Aligaga pa niyang sagot sa akin.





Someone Borrowed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon