PART 7

7.2K 164 0
                                    

A new version of me

"Sel. Please come, the group will never be complete without you." Madramang pakiusap ni Brooke mula sa kabilang linya. Ang bilis ng araw. Magtatatlong buwan na din pala ang lumipas ng huli kaming magkikita kitang magbabarkada. At tatlong buwan na din pala akong umiiwas sa kanila. Well, it's not that i am a bitter ex, but because I am so damn busy studying my parents business for months. Yes, business! Talagang kinarir at pinanindigan ko ang sinabi ko noon na iiwan na ang fashion designing at magfocus na lamang sa negosyo ng mga magulang ko. My real dad is a businessman, shipping line ang negosyo niya. At bilib ako sa kanya dahil napalago at nakilala ang kumpanya niya inside and outside the country. Yun nga lang, iyon ang dahilan lung bakit sila naghiwalay ng tunay kong ina noon, pero masaya ako dahil nahanap pa rin nila ang daan para makabalik sila sa isa't isa. How i wish my love story is like theirs, but i was born not to be assuming! "HOY! SELENA FRACES DELA VEGA! Are you still there?" Pasigaw na sabi ni Brooke sa akin mula sa kabilang linya dahilan para mabalik ako sa huwisyo at mapahinto sa pag alala sa kwento pag ibig ng mga magulang ko.

"I am here Brooke. I am sorry. I'm just tired." Napapikit pa ako ng mga mata at hinilot ang sentido. Well it's true. I am really tired and all i want to do now is sleep and leave these papers in my desk, but i can't do that. Madami pang nakabanban na trabaho. I need to kick my ass and keep moving.

"Oh. Ganon ba? Eh bakit ba kasi bigla kang naging interesado sa pagnenegosyo? And worse! Ni hindi man lang konektado sa tinapos mong kurso! Yung totoo? Nag aral ka pa ha?" Sarkastikong salita ni Brooke.

"B. This is not the time to talk about that. I really need to go. I have so many works to do right now. I am really sorry. Pakisabi na lang sa kanila ha? I can't really come. Bye bye. Love you." Mabilis ko ng paalam. Ni hindi ko na nga hinintay ang sagot niya eh. Pinatay ko na agad para hindi na humirit pa. Ibinalik ko ang mga mata ko sa mesa at napabuntunghininga. "Is this what i really want? Bahala na." Gulong bulong ko sa sarili ko at huminga ng malalim bago ipinagpatuloy ang trabaho. It took me 4 hours i think before i finished it all. Napatingin ako sa kamay pambisig ko at nagulat ng malaman kung anong oras na. Damn! It's already past 2 ng madaling araw. Napakagat pa ako ng kuko dahil sa hindi ko alam kung may mga taxi pa ba sa oras na ito. But what the hell! "Of course meron pa! Hello! Manila to Selena?" Parang tanga kong sabi sa sarili ko. Of all days, bakit ko nga ba kasi naiwan ang kotse ko!

"Anak? Bakit andito ka pa?" Takang tanong ni papa. Napatingin naman ako sa may pintuan.

"Pa. Bakit nandito ka pa rin?" Napangisi ko ding tanong sa kanya.

"Paperworks." Nakangiti niyang sabi. "Hindi ka pa ba uuwi? Tara na anak." Malambing na yaya niya. Napangiti naman ako at tumango bago inayos ang mga gamit ko. This is what i love about my father. Palagi niyang ipinapadama kung gaano kami kamahal ni mama, kahit pa wala sa Pilipinas si mama, alam ko at ramdam ko kung gaano niya kami kamahal. Sabay kaming bumaba ng building at nagtungo sa may sasakyan niya na magkahawak kamay. Kung hindi lang alam ng mga tao niya na anak niya ako, malamang pagkakamalan nila akong babae niya. Hahaha. Well he is sweet and very caring pagdating sa akin. Malamang bumabawi sa mga panahong dapat ay naging ama siya sa akin. I was once an adopted child. Well, hindi naman legally adopted, sila lang ang nag aruga sa akin noong mga panahong wala sila papa at mama. They were both busy, at mas lalo pang nawalan ng panahon para sa akin noong nag abroad si mama noong tatlong taong gulang ako. Si papa naman ay nag focus sa kumpanya niya pero bumagsak ito kaya napilitan din siyang makipagsapalaran sa ibang bansa. And right there, I felt unwanted. Doon ko nakuha ang pagka rebellious side ko. I am also a brat. I get what i want. My parents gave every material thing any child could ever wished for, but it was just not enough for me. I want the two of them. Well, i almost have them, but life is too playful, naghiwalay silang dalawa. Hinayaan nila ako kina tito Alex at tita Salve noon. Si tito alex ay kapatid ng papa ko. They treated me like their daughter. Ni hindi nila ipinadama na nag iisa ako. Minahal nila ako. Minahal ko din sila. We became a happy family, a picture of a happy  family that i want to see from my own family. But still, like other children out there, i am no exception, i still longed for my real parents, kaya naman noong nagkaroon ako ng oportunidad na makasama ang sarili kong ina ay agad ko na iyong sinunggaban. Not even thinking na may masasaktan at iiwan akong lalake noon. Pero kahit ganoon ang naging desisyon ko ay hindi ko pinagsisihan, dahil doon, nagkabalikan ang mga magulang ko. Dahil doon, naging buo ulit ang pamilyang minsan ay nawasak. No one of my friends knew my whole story. Why i left? Why i disconnected all possible connections with them, and why I came back after years of being gone. Well, sa toto lang hindi lang naman siya ang dahilan eh, my parents also. Mahal ko ang mama at papa ko, kaya pinili ko munang buuin ang kalahating pagkatao ko bago siya balikan. Pero sa prosesong iyon, masyado yata akong nagpakasaya noon kaya nakalimutan kong buuin ang kalahating natira.

"Pa. Kelan daw uuwi si mama?" Balik sa reyalidad kong tanong ng makapasok na kaming pareho sa sasakyan. Pinapaandar na niya ang sasakyan.

"Next week." Simpleng sagot niya. Napangiti naman ako. Ilang buwan ko pa lamang siya mula noong huling magkita kami pero namiss ko na siya agad.

"Yes. Is she staying here for good?" I kidded. Of course i know she's not. Her life is in there. Mahal niya ang trabaho niya. And we respect her.

"Funny." Sarkastikong ngising sinulyapan lamang ako ni papa.

"Hehe. Pa. Kelan balik ninyo ng L.A? Sama ka ba kay mama pabalik?" Nalungkot kong tanong. Doon naman talaga ang based ng negosyo namin. Nagbranch out lang sila dito. Nakakatawa nga dahil mas nauna pang naipatayo ang negosyo nila bago sarili nilang  bansa. Hindi nga kasi nag work out yung unang negosyo ni papa dito.

"I'll stay here until you decide to go back in L.A." Naging seryoso niyang sabi. Napatingin naman ako sa kanya at nalungkot.

"May business kayo dito pa. It needs supervision. Kaya ko naman mag isa eh." Pilit pa ang ngiti ko pagkasabi iyon.


"No. May inassign na ako para maghandle ng business dito. You'll come with me and you'll continue your dream job. You love fashion. And i will not let you do something you do not really want. Business is not for you honey. And,I know why you want here. Gusto mong magkabalikan kayo. For what?" Patuloy na salita niya habang nagdradrive na.

"Papa." Wala akong maidugtong doon dahil naiiyak nanaman ako. My father knows everything. Siya ang tumulong sa akin noon. Iyon din ang isa sa mga dahilan kung bakit sila magkabalikan ni mama.

"I told you. Walang mabuting idudulot ang pagbabalik mo dito. Your mother is worried kaya siya umuwi din next to me." Nag aalalang sinulyapan pa niya ako.

"Papa. But i am fine." Simpleng sagot ko lang.

"Just forget about him and start living with yourself. Honey, i will never let any man hurt you. That's a promise." He said as matter of fact.

" Thanks pa. Don't worry. I'll have a new version of me, first thing in the morning." I joked and he chuckled a bit. I felt a stinging pang in the chest but somehow my father just said what i needed. Pero ilang beses ko na nga bang sinabing kakalimutan ko na siya? Really, i do not know.

Someone Borrowed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon