Unexpected Revelation.
"You should at least listened to his side. Hindi yung nagpadalos dalos ka." Sita ni Brooke. Napaamin na ako sa kanya dahil sa hindi ko na talaga kinaya. I need at least one person na mapagsabihan patungkol dito. Aligaga pa siyang nakarating dito noong marinig niya ang hikbi ko sa phone. Nag meet kami dito sa starbucks sa may Makati. I know she has a life to deal with but I just want a talk with someone dahil kung hindi ko mailalabas ang sakit na nararamdamn ko ay baka tuluyan na akong mabaliw.
"Hindi naman kasi madaling makapag isip ng tama kung alam mong nasasaktan ka na ng sobra." I smiled bitterly. Nag iwas ako agad ng tingin noong makita ang awa sa kanyang mata.
"Selena. I know you are hurting, but please, try to listen to him also. I witnessed how Wayne loves you. Mahal na mahal ka nung tao. At ang marinig na niloko ka niya? Parang ayoko yatang paniwalaan iyon. May kulang sa kwento eh. Pero hindi ko alam kung ano?" Kunot noo niyang sabi sa akin. Napakunot noo din ako sa sinabi niya.
"What do you mean?" Nagigiluhang tanong ko. Nabaling muli ang atensyon niya sa akin dahil mukhang nasa malalim siyang pag iisip kanina. Akmang ibubuka na sana niya ang kanyang bibig noong biglang mapatingin siya sa aking likuran. Kumunot ang noo niya kaya napatingin ako sa may likuran ko. Nanlaki ang mga mata ko noong makita si Chantal. Kinakaladkad siya ni Louie.
"What the hell is happening." Napatingin ako kay Brooke noong magsalita siya. "Bilisan mo. Tara sundan natin." Agad na tumayo si Brooke. Sinundan ko na din siya. Lakad takbo ang ginawa namin masundan lamang ang dalawa. At kahit na nalilito sa mga nangyayari ay nagawa ko pa din silang sundan hanggang sa madilim na parte ng parking area. Agad kaming nagtago ni Brooke sa may gilid hindi kalayuan sa kanila kaya rinig na rinig namin ang maaring pag usapan ng dalawa.
"You!" Halos mapatalon kami sa gulat noong marinig namin ang galit na boses ni Louie. Noong una ay akala namin nahuli kami sa akto. Pero noong magsalita siya ulit ay doon lamang namin naunawaan na si Chantal ang tinutukoy niya. Nagmura pa siya bago muling nagsalita. "How can you be this heartless?!" Pain was evident in his voice. Parang pinipiga ang puso ko noong marinig ang salitang iyon kay Louie. Narinig namin ang hikbi niya kaya napatakip kaming dalawa ng bibig ni Brooke. "I gave you my all Chantal. Ilang taon akong naghintay na masuklian mo ang pagmamahal ko. Nagpakatanga ako sa'yo. May mga nagpakita sa akin nakarapat dapat akong mahalin, noong panahong sinukuan na kita. Malapit ko ng makuha yung ganoong klaseng saya kahit wala ka, pero putang ina mo talaga, hindi ka na nakunsensya, pinaniwala mo ulit ako na may pag asa pa tayo. Ibinalik mo ako sa kalagyan na ayaw ko na sanang balikan. Ginawa mo akong parang aso na sunod ng sunod sa'yo. For years, again, I wasted my time on you. I devoted my life on you believing in a fantasy that somehow you'll come to realize my worth! Binuntis na kita's lahat lahat! Pero wala pa rin!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Louie. Binuntis? "Tanggap ko na sana na hindi mo ako mahal eh. Pero nakakagago ka na talaga! Sa iba mo pa ipinapaako ang batang hindi naman pag aari ng iba! Anak ko ang anak mo Chantal! Gumising ka na! Hindi ka kayang mahalin ni Wayne dahil putang ina! Mahal na mahal na mahal na mahal niya ang asawa niya! Naririnig mo ba ako?! Mahal niya si Selena! Paano mo nagagawang matulog? Paano mo nagagawang magising na parang wala lang sa'yo na may nasisira kang pamilya dahil lang sa paniniwala mong kaya kang suklian ni Wayne ng gaya ng pagmamahal niya sa asawa niya? Hindi ka na nakunsensya. Wala kang puso! You drugged Wayne and then slept beside him naked for what? For him to believed that something happened between the two of you? You are one of a hell desperate..." Nahinto si Louie sa pagsasalita noong sampalin siya ni Chantal. Nanlaki ang mga mata ko ganoong din si Brooke. Parang nahihirapan akong huminga sa mga nalaman ko. Sobra sobra na itong mga nangyayari. Hindi pa man din ako nakakamove on sa mga sinabi ni Wayne,eto naman ngayon.
"How dare you say that! Baka nakakalimutan mo? Parehas lang tayo Louie. Wala tayong pinagkaiba. Parehas tayong uhaw na masuklian ng ganoong klaseng pagmamahal. Umaasa ka na kaya kitang mahalin? Managinip ka. Managi..." Natigil sa pagsasalita si Chantal noong biglang tumawa si Louie.
"Baby, I only want my child now. You can have yourself alone. I don't care. Yes. I love you, but you failed to love me back. Sana hindi dumating ang araw na pagsisihan mo lahat ng ginawa mo sa akin. Sa amin ng anak natin. Kukunin ko si Lia sa'yo. May karapatan ako dahil sa akin din siya galing. You can go back to your fantasy. Believe all you want that he will love you, but I remind you now, he will never love you back. Because he is fucking in love, madly. Deeply. Rooted. To rhe point that he can't let go of his wife that easily. Hindi ko alam kung ano ang kayang gawin ni Wayne sa'yo kapag nalaman niya ang totoo Chantal. Sana hindi din dumating ang araw na maisip mong nahuli ka na. I don't want you to make a choice anymore because I was done with that. I am totally done with you. Higpitan mo ang kapit kay Lia, dahil hindi mo alam, nasa akin na pala siya?" Hindi na namin tinapos ang usapan nila dahil hindi ko na talaga kinaya. Hindi anak ni Wayne ang anak ni Chantal. Walang nangayri sa kanila ni Wayne. Mahal ako ni Wayne. Ilan lamang iyon sa mga tumatak sa isipan ko. Hindi ko alam kung papaano ako nakauwi na hindi ako nabangga. Hindi ko alam ang nangyari kay Brooke dahil nagmadali akong umalis sa lugar na iyon. Parang sasabog ang puso ko sa mga narinig ko. Parang gusto kong makita ang asawa ko at yakapin siya. Pero hindi ganoon kadali. Hindi ganoon kadali. Dahil pag uwi ko, doon, nakita ko ang pag iyak ng anak namin habang doon, nakaluhod ai Wayne yakap ito. At sa katabi nila, ay maleta ni Wayne. Huling narinig ko na lang bago ako mawalan ng malay?
"Daddy. Don't leave us."
BINABASA MO ANG
Someone Borrowed (Completed)
RomanceBACHELOR SERIES IV Selena Frances Dela Vega wanted her parents to reconcile. So when she was given the chance to be with her mother, she never wasted any time. She wanted a complete family. She promised they'll have one. She succeeded on that part...