PART 2

10.2K 196 2
                                    

Who is she?

"So anong plano mo ngayong balik Pinas ka na?" Tanong sa akin ni Brooke. Napatingin naman ako sa front mirror at nasalubong ang tingin ni Louie bago ko ibinaling kay Brooke na nakaharap sa akin ang ulo. Hawak pa nito ang headrest ng passenger's seat.

"I don't know. Maybe, I'll open up a botique?" I'm into fashion. BS Fashion Designing ang natapos ko sa L.A.

"Wow ha! Di dapat ikaw na ang bahala sa wedding gown ko once na ikinasal na ako kay Dy." Natatawang sabi sa akin ni Brooke. Napataas naman ang aking kilay ng marinig ang sinabi niya sa akin.

"Dy's who?" Takang tanong ko. Napatingin naman saglit sa akin si Luoie at napapailing na tinignan si Brooke na nakapangalumbaba na.

"Dylan Sandoval. Her possessive boyfriend." Si Luoie na ang sumagot. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni Lu at napatingin kay Brooke.

"May boyfriend ka Brooke?" Parang di makapaniwala kong tanong.

"Aba! Of course! Sa ganda kong to?" Taas kilay pa nitong sabi sa akin. Natawa naman ako sa ginawa niya dahilan para lapitan niya ako at sinabunutan. Malakas na tawa naman ang narinig ko mula kay Luoie habang pilit na pinapabalik si Brooke sa upuan. "Langya ka Sel. Kaya kita miss eh!" Bigla ay may tumulong luha sa mga mata niya. Umupo na ito ng maayos.

"Hey. Are you okay?" Tanong pa ng pasulyap sulyap sa kanyang si Luoie. Napatingin na din ako sa kanya palapit at hinawakan ang braso niya pero hinawi niya lang iyon.

"I'm fine!" Matigas niyang sabi pero maya maya ay humagulgol na ito kaya naman napamura si Luoie at itinabi ang sasakyan.

"Hey." Tapik ni Lu sa pisngi ni Brooke ng iharap niya sa kanya.

"Brooke." Sabi ko naman.

"Stop! Langya ka Sel! Next time huwag ka ng aalis at manlilimot! You missed many events when you were gone. I hate you for that. Whatever your reason why you cut our connections" Nabigla ako dahil sa biglaang pag amin niya ng nararamdaman. Brooke's like a sister to me aside from being my bff. But just like what others say, you can't really tell everything to someone even when you are that close. Napabuntinghininga naman ako pero hindi ko sinabi ang dahilan ng pagtalikod ko sa kanila noon. I can't just say, hey, Wayne and I were together, but I left him. Aside from the fact that they cannot understand the whole thing, I can't really tell the truth that we flirted each other without their knowing. Yes! They do not know about my bitter past relationship with Wayne dahil itinago ko ang relasyon namin noon.

"I told you, i was too busy studying Brooke." Malamig kong sagot sa kanya. Pinakatitigan naman niya ako sa may salamin.

"Yeah right, too busy that you forgot to call." Sarkastikong sabi nito. Sasagutin ko na sana si Brooke kung hindi lamang siya nagsalita ulit. "Oh well. Maybe that's life. Tama na nga. Kainis ka talaga Sel. Sinira mo pa ang light make up ko." Maarte niyang sabi bago inayos ang medyo nagkalat na light make up daw niya. Nilapitan ko naman siya para kutusan. "Ouch! Ano ba Sel!" She hissed and I laugh. Ilang segundo siyang tumitig sa akin, after a while, she burst out laughing. Baliw. Just like me. Umiling iling na lang nakangiti si Luoie sa kabaliwan namin ni Brooke.

"Now. I'm second guessing why you two became my friends." He kidded dahilan para mas lalo kaming natawa.

"Well maybe because you are as crazy as we are Lu." Tatawa tawa kong sabi. Ngumisi naman siya sa akin sa may salamin bago binuhay ang makina. 

Isang oras na traffic ang sumalubong sa amin. This is what I hate sa Manila.

"Geez! Traffic nanaman. Traffic pa more!" Sarkastikong sabi ni Brooke.

"Wayne. Are we there yet?" Tanong ko. Huli na ng marealized kong pangalan ni Wayne ang nasabi ko imbes na Luoie. Nagkatinginan naman silang dalawa bago sabay na tumingin sa salamin.

"I am pretty much sure, you missed Wayne. Oh. I'm a jealous friend." Sabi ni Lu sa akin. Napaingos na lamang ako at pilit na ngumiti.

"Of course. And he's a one lucky friend. Dahil namiss siya ng isang Selena ha!" Pagbibiro ko para matanggal ang namuong duda nila. Ipinagkibit balikat na lamang nila ang sinabi ko at hindi na pinansin pa. Natanggalan naman ako ng tinik sa katawan ng hindi na sila nagtanong pa ng kung anu ano. Narating namin ang Makati bandang alas dos ng hapon. Inihinto ni Luoie ang sasakyan sa may Makati Shang.

"Dito na tayo?" What are we doing here?" Takang tanong ko.

"Hindi.Teka lang. Dito lang kayo. May kakausapin lang akong importanteng tao." Seryosong sabi ni Lu habang tinatanggal ang seat belt at bumaba.

"Hey. Pwede ba kaming sumama?" I smirked. Pinantaasan naman niya ako ng kilay.

"What? No way. Dyan lang kayo. Oh kung gusto ninyo, pasyal muna kayo sa landmark,sm o glorietta. Maglakad na kayo o taxi. Bahala na kayo. I'll just fetch you kung saan man kayo." Sabi niya sabay mabilis na naglakad.

"Naiisip mo ba ang iniisip ko?" Sabi ko kay Brooke na ngayon ay may malademontong ngisi.

"Yes. Tara." Sagot niya sabay baba na ng sasakyan. We did not make a sound sa pagsunod namin sa kanya. And there, we spotted him kissing a girl. Awtomatiko kaming napanganga.

"Who is she?" Tanong ko kay Brooke.

"I don't know. But she looks like Wayne's girl. What the hell! Is that Chantal? The blonde girl Chantal?" Nanlaki ang mga mata niya sa narinig gaya ng panlalaki ng mga mata ni Brooke.

He has a girl????

Someone Borrowed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon