PART 24

4.7K 92 4
                                    

Assuming

I was fuming mad! Damn. I thought.... I thought, it was me, he was talking about in that damn comment! Tapos mabasa basa ko na lang pagkatapos naming bumalik ng manila, si Chantal pala yung tinutukoy niya?! Kainis! Di din naman talaga ako assuming masyado noong una kong mabasa yun noh? Akala ko talaga?! May pa no more. Not anymore pa akong nalalaman sa utak ko?! Yun pala, yun pala, para kay Chantal yun?!

"Malay ko bang para sa babae pala yun? Kainis?! Sa comment box ko pa sila naglandian?!" Inis na inis kong ginulo ang buhok ko. Pakshet ka talagang Wayne ka?! Muli akong napatingin sa phone ko. Napakagat labi ako dahil sa pinipigilang luha na nagbabadya sa mga mata ko. Nilunok ko anng laway ko sabay basa ulit ng palitan nila ng sagutan sa sarili kong comment box.

D.W. Congrats tol! I am happy for you. And of course to you too, Sab. You both deserve it. How I wish I'll have the kind of a happy ending like you two. If only I have one last chance. I will correct my mistakes. Just one last time. You know who you are, baby.

Iyon na nga?! Dito ako simulang naging assumera?! K!


Chantal: One last chance D.W. Love you! Okay na tayo. Basta huwag mo na ulit gagawin yun ha?



Dito?! Dito ako simulang nag alburuto! Aba. Feeling sariling facebook nila ang facebook ko?! Pero ang pinagtataka ko?! Papaanong nakita ni Chantal yung comment? At isa pa, she is not my friend in facebook.

"Urgggghh. Stop it Selena! Stop assuming! You broke up with him two years ago! And he is happy now. Tama na okay?!" Sabunot na sita ko sa sarili. Damn. Muli kong tinitigan ang cellphone na hawak ko. Buburahin ko na lang siguro ito, para di ko na muling basahin ang lambingan nila. Tama. Idedelete ko na lang. Pero sayang ang picture!







"Sayang naman ang picture. Comments niyo na lang kaya burahin ko?! Urggh." Gosh. I am now crazy. "Baka naman isipin nilang, bitter ako. Oh no no no. Cannot be! Hayaan ko na nga!" Muntanga kong kausap ang sarili ko.

Ilang araw na ang lumipas simula noong huli kong binuksan ang facebook ko. Sa kadahilanang ayaw kong mabasa pa o ni makita sa notification ko na may bagong comment ang dalawang lovebirds na yun. Naku. Naku. Kung di ko lang alam ang background ng relasyon ng dalawang iyon, mag iisip na talaga akong pinapag selos nila ako! Ay teka nga?! Tama na nga! Sila nanaman ba?!







"Hoy bruha!" Napatalon ako sa gulat ng marinig ko ang halos sigaw ng tawag sa akin ni Brooke.




"Ai. Ano ba?! Bakit ka ba nanggugulat?" Sita ko sa kanya. Pinantaasan lamang niya ako ng kilay.




"Bestfriend. Kanina pa ako salita ng salita dito. Ni ha o oh, wala akong narinig mula sa'yo! Yung totoo, anong silbi ng pagkikita natin ngayong araw? Gumastos lang ng pera para tumunganga dito sa starbucks?! Te ano bang nangyayari sa'yo? Simula noong umuwi tayo galing La Union, palagi ka na lang nakatanga. Ai mali, mali, mukha kang tanga! Ai mali mali pa rin. Tanga ka talaga." Pagkatapos niyang sabihin iyon sa akin ay humagalpak na siya ng tawa.




"Masaya ka naman sa lagay na yan? Wala ka talagang sense of humor kahit kailan Brooke." Pang aasar ko sa kanya. Natigil siya sa pagtawa at ngangang napatingin sa akin.




"Are you even serious on what you are saying Selena? Ako? Na maganda? Walang sense of humor? Seryoso ka?" Natawa ako sa sinabi niya. Damn this girl.




"I was just kidding alright? Masyado mong dinibdib te, eh wala ka namang dibdib?!" Tatawa tawa kong sagot sa kanya. Sinamaan naman niya ako ng tingin.





Someone Borrowed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon