PART 35

4.8K 86 0
                                    

The girlfriend vs. The fiancee.

Days went smooth for the two of us. Hindi na nga siya nawala sa tabi ko simula noong magkabalikan kaming dalawa. Para ngang bumalik na talaga yung klase ng sweetness niya gaya noong highschool kami. Medyo tumindi nga lang.

"Malapit na ako sa office ninyo. Wait for me. I love you." I smiled from ear to ear when he said that. Hanggang ngayon ay hindi pa din talaga ako sanay sa lambing niya but I'm trying. I'm trying na maibalik kami sa dati.

"Okay. I will. Ingat ka ha?" I can't still say those three words to him but I'm showing some care somehow. Napabuntunghininga siya bago nagpaalam na. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago siya ulit tumawag na bumaba na ako. Nakangiti pa din ako hanggang sa makita ko siyang nakasandal sa may harapan ng sasakyan niya. Umayos siya ng tayo noong makita na ako at mabilis na lumapit sa akin.

"I miss you." Agad niya akong niyakap at sinabi iyon kaya lalong lumawak ang pagkakangiti ko bago siya niyakap pabalik. Gaya ng dati, sinusundo niya ako para sabay kaming mag dinner. Hindi ko alam kung papaano siya nakakatakas sa obsess niyang fiancee at ayoko naman ng isipin. Ang mahalaga ay magkasama kaming dalawa at masaya kami. We dined in a Korean restaurant. We talked. We ate. We laughed. We stare at each other. At habang tumatagal ay mas lalo ko siyang nakikilala. Well I know him since we were kids, but I missed things about him when I went away to study abroad. Hinatid niya ako pagkatapos naming mag dinner.

"I love you." Bulong niya sa akin habang yakap niya ako. He's becoming clingy. But I don't give a damn.

"Thank you for loving me. You know what I feel for you. Wait for me okay?" I felt him nod in my shoulder. We became contented in our relationship. Hindi na namin namalayan na nagtagal na din kami.

We are happy together until something came up. We found out that Blue is not dead. She and Sabrina got back together when Sab came back from the Philippines with Blue. Doon din namin nalaman na nagpanggap si Blue bilang Terrenz masundan lang si Sab sa California.

And at that time, kinailangan naming magpanggap ni Wayne na walang kami. Ilang beses niya akong pinilit na sabihin na sa barkada na kami na at balak na niyang ikansela ang kasal nila ni Chantal pero ako itong tumanggi at humingi ng kaunti pang oras. Nagtampo siya pero sinunod pa rin ang gusto ko. Ewan ko ba sa sarili ko, dati ako itong nangungulit sa kanya na ako ang piliin niya. Pero ngayon. Ewan. At kahit nagseselos ako tuwing kasama niya si Chantal at magkakasama kaming lahat ay iniisip ko na lamang na ito ang pinili ko kaya dapat lang na panindigan ko.

"Balita ko nilalandi mo yung driver nina Blue. Totoo ba yun?" Nakasimangot niyang tanong noong minsang magkasama kaming kumain ng lunch. Magkasiklop ang mga braso niya at tiim bagang na nakatitig sa akin. Muntik pa akong mabilaukan sa tanong niya. Seriously?! The hell Wayne. Nagkibit balikat ako at napangiti dahilan upang makatanggap ako ng sermon mula sa kanya. "At nakangiti ka pa! Damn. I should know that guy. He's distracting my girl." He even hissed. Napailing na lamang ako sa kanya sabay hawak sa kamay niyang nakapatong sa mesa.

Si Alexander, iyong gwapong driver nila Blue na mukhang mayaman at imported.! Siya yung tinutukoy ni Wayne. Minsan kasing nakilala ko iyon noong may matinding away sina Blue at Sab. Nagkataong pumunta ako sa bahay nila ni Sab at doon ko nakilala si Alexander.

"Baby, he's kinda hot, sexy and a damn handsome." Sinamaan niya ako ng tingin habang ako ay nagpipigil na huwag matawa. "Pero syempre, mas gusto ko si ikaw po. Ikaw na ang pinakagwapo, sexy at hot na lalake sa paningin ko." Halos matawa na ako sa pinagsasabi ko. Lumiwanag naman ang mukha niya pero sumimangot siya ulit para di halata na kinilig.

Inihatid ako ni Wayne sa opisina pagkatapos pero hindi niya ako nasundo noong uwian na dahil may usapan daw sila ni Chantal! Hinayaan ko na lang.

Habang mag-isa ako sa condo ay lalo kong naiisip na magkasama sila. Naalala ko tuloy noong minsang nagkita kita kaming magbabarkada at kasama ni Wayne yung Chantal na iyon.



"Gaga! Yaan mo na. Dapat pala nagsama tayo ng mala Adonis ng mapagselos natin yang asawa mo, Sab." Bulong ko kay Sabrina noong makita naming papalapit si Blue sa amin.

"Sus. If I know, ikaw din lang ang lalandi sa Adonis na sinasabi mo Sel." Pang aasar ni Brooke. Saktong nakalapit naman na sila Blue.

"Sumama sila eh. Sorry." Nahihiyang depensa agad ni Eunice sa amin.

"No, It's okay. Hintayin lang natin saglit sila Ashley at Chantal." Sabi naman ni Sab agad sabay tingin sa nakatingin ding si Blue sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin at kinausap na lamang si Angela patungkol sa baby. Napatuwid ako ng maayos ng marinig ang pangalan nila Wayne and Chantal.

"Chantal? Wayne's fiancé? Diba matagal na silang mag fiancé? I wonder why until now hindi pa sila kasal? I mean I think it's been three or four years right?" Nagtatakang tanong ni Eunice. Nagkibit balikat naman sila maliban sa akin na biglang naubo pagkatapos inumin yung mineral sa bote. Damn. Ano ba yan. Ang awkward.


"Hey. You okay?" Nagtatakang tanong ni Sab habang hinahagod ang likod ko.


"Yeah.Yeah. Nasamid lang." Sagot ko na lang at lihim na napalunok.


"Sab." Biglang may sumigaw sa pangalan niya. Napatingin naman kaming lahat sa kumakaway na si Ashley.

"Ash." Nakangiti naman niyang tawag sa asawa ng kuya niya. Hindi ko na nasundan ang usapan noong makita na finally ang dalawa.





"My gosh! So ano toh? Couples pasyal thing? Echapwera kami ni Selena. Aba buti pala at hindi na natuloy sumama si Bella at baka isama pa sakali si Van. Supposed to be for girls lang 'toh. Pero bakit pati kayo kasama? Hindi na ba pamilyar sa inyo ang salitang TRUST? Kainis naman. Selena, dapat pala tayo ang unang maglakad. Naku, this is so unfair!" Yamot na sabi ni Brooke. Lihim akong mapait na napangisi doon. Gusto kong magtaas ng kilay dahil sa sinabi ni Brooke. She's really my bestfriend. We both know how to hide our dirty little secrets.


"I can accompany you both girls. Tara." Agad kaming hinila ni Sab pero hindi pa man kami nakakalayo ay nahawakan na siya ni Blue sa kamay.

"No. I'll be the one to accompany you, GIRL." Matigas at maawtoridad na sabi nito sa kanya. Napatili tuloy kaming dalawa ni Brooke.

"My Gosh. You're so PDA huh! Pero I'm so kilig sa inyo." Maarteng sabi ko sabay lihim na napatingin kay Wayne na ngayon ay nakataas ang sulok ng labi habang nakatingin din sa akin. Agad akong nag iwas ng tingin para hindi makahalata.

"Ako din." Kinikilig na segunda ni Brooke.



"Kahit kailan talaga Selena, ang arte mo." Bigla, nagsalita si Wayne.

"Pake mo?" Masungit kong sagot sabay busangot.


"Huwag ka ngang bumasangot, lalo kang pumapangit!" Pang-iinis pa ni Wayne. Natawa naman silang lahat pero hindi pa rin maalis ang pagkakabusangot ko. Buwisit tong lalakeng ito! Humanda ka. Hindi ko siya pinansin pagkatapos nun. I tried to enjoy their company kahit na selos na selos ako. Humanda ka. May araw ka din sa akin.










At nagwagi ako doon, napagselos ko nga siya. Kahit hindi niya aminin ay alam kong nagselos siya kay Xander. Pero saglit lang ang tuwang iyon dahil bumalik ulit yung inis ko. Inis sa pagkakaalam na magkasama sila ngayon ni Chantal. What can I do? She's his fiancee. I am just his girlfriend.







Someone Borrowed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon