PART 31

4.9K 95 1
                                    

Parallel story.

"What the hell? Are you kidding me? Of all people, bakit sa Sandoval pa na iyon Yna?" Nailayo ko ang hawak kong telepono sa lakas ng boses ni Brian mula sa kabilang linya. Napahilot na lamang ako ng sentido. I should have not told him this. Sabi ko na nga ba at masesermunan niya ako. "What the hell are you doing with your life now? I think I need to go home now." Mahihimigan ng pag-aalala ang boses niya habang sinasabi iyon sa akin. I sighed heavily before finally have the guts to say something.

"I'm fine Bri. You don't have to over exaggerate, okay? I can handle this. At isa pa, maganda naman yung inalok niyang tulong. Don't worry, I will not do anything na ikasasama ng loob mo. Just finish your business there and come back when you are settled, okay? I miss you Bri." This time, siya naman ang napabuntunghininga.

"I miss you too Yna. Take care of yourself for me please?" Napangiti ako noong sabihin niya iyon. He is really sweet when it comes to me. And I must admit, nakasanayan ko iyon kaya nga sobrang namimiss ko na siya.

"I will, B." Iyon ang huling usap naming dalawa. After that ay hindi na kami nagkaroon ng pagkakataon para mag usap. He's busy sa trabaho niya doon sa Greece and so am I. Pagkatapos din ng nangyari noon sa pagitan namin nila Wayne at Chantal ay bibihira ng nangungulit at pumupunta sa kumpanya si Sandoval, which made me relieved, somehow. Mas nagkaroon ako ng oras sa trabaho at pati na din sa sarili ko. Maybe this is my fate. Kailangan ko siguro ito. Being single made me realized that you don't need to rush things. If it is meant for you, God will give it to you. It's all about perfect timing in his own way. I learned to trust him because of that.

Masyadong naging mabilis ang araw na halos hindi na ako makasabay. I busied myself all over again. Dumating din yung araw na hindi na talaga ako makasabay sa mga kaibigan ko. They tried to reach me out but I declined them. Well except for Brooke. I went to her apartment before I made an escaped and have some time alone with myself. Napagdesisyunan kong mag out of town na lang muna. Maybe, this is all I need to mend my heart. Andami ko ng drama sa buhay simula noong bumalik ako dito sa Pilipinas. If only I can undo everything.


"You really are a stalker." Iritado kong salita bago hinarap ang lalakeng nasa likuran ko. Nakapamulsa siya habang nakangisi sa akin. Inilabas niya ang isang kamay mula sa bulsa at pinaglaruan ang mga labi. Dylan is no doubt, beyond handsome. Siya yung klase ng lalake na pagkakandarapan ng mga babae kapag tinignan ka na niya. Pero walang epekto iyon sa akin. I am an exception to that.

"Sinundan lang kita dahil baka bigla ko na lang mabalitaan sa tv na may isang babae nagpakamatay dahil sa pagkasawi sa pag ibig." Humalakhak siya pagkatapos sabihin iyon. Sobrang tuwa pa niya sa sinabi na halos maiyak na siya sa kakatawa. Inirapan ko na lamang siya sabay naglakad para bumalik na sa hotel. Pinili kong umalis muna pansamantala sa Manila para makapag isip pero hindi ko inaasahang may bwusit na lalakeng sumunod sa akin.

"Can't you stay a little longer and try to enjoy the view of the sunset?" Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ang sinabi niya. Kunot noo ko siyang tinignan. This time, seryoso na siyang nakatingin sa sunset. Noong una ay nag alangan pa ako kung susundin ko ang sinabi niya pero sa huli ay napabuntunghininga na lamang ako at lumapit sa kanya. We both looked at the sunset. "We used to do this." He spoke. Kunot noo pa rin akong tumingin sa kanya. He sighed heavily before speaking again. She loves the sunset. Your bestfriend loves watching the sunset." Napalunok siya na parang may bumara sa lalamunan niya.



"I don't understand." Naguguluhang sabi ko.

"Maybe you are also curious why I gave up on her. Why I broke her heart." Napapalatak siya ng sabihin iyon. Ibinulsa niya ulit ang mga kamay. "If I did not break her, things would have been different. I should have not seen her smiling like that now. You may not understand my decision just like her, but I think, of all decisions that I made, leaving her is the best choice. Don't get me wrong, I love her that until now, I am drown all alone. Nakaahon na siya. And I am happy and fine with that. Brooke finally became the woman I want her to be. Strong and independent." Napabuga siya ng hangin pagkatapos magsalita. "I know how exactly you feel right now Selena. I've been there. I'd done that too. And it sucks, I know. We both wished we can bring the past back but we can't because it already happened. We can no longer undo the things we made. We are both stuck while we see the people we dear most, in love with someone else. It sucks, big time, but that's the truth we need to accept." Napayuko siya noong masabi na lahat. I got curious of his decisions. He loved her. That made me asked him.


"I still don't understand why did you hurt my bestfriend." Nahihiwagaan kong tanong. My heart felt his pain when he looked at me in the eyes. Pain is really visible in his eyes the moment he looked at me. Magsasalita na sana siya noong biglang may narinig kaming nagtatawanang dalawa. And when we both looked at their direction, ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko noong makilala ang dalawang taong hindi kalayuan sa aming dalawa. Tumingin akong muli sa kanya. Napatingin ako sa kamay niyang mahigpit na nakakuyom. His emotions turned darker. His jaw clenched in anger. And when he spoke, finally, that was the moment when I understood why he left her.


"She cheated on you." I said unconsciously. He closed his eyes firmly.



"Fuck. I thought of that too, if only that was true. But it wasn't " Iyon ang huling sabi niya bago ako tinalikuran at naglakad na palayo sa akin. Mas naguluhan ako sa sagot niya. Ano ba ang nangyari talaga? If she didn't cheat, why did he leave her then? Napatingin naman ako ulit sa dalawang masayang nagtatawanan habang magkayakap sa isa't isa. Brooke and Shaun. Sila na? Oh my gosh. I should have known better!

Someone Borrowed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon