Don't leave
"He what??" Iritadong tanong sa akin ni Bryan. Nasa condo ko siya ngayon at heto pabalik balik sa sala habang nakapamenwang. Pagkatapos ko siyang tawagan kagabi ay agad na niya akong pinuntahan ngayong umaga. Kagabi sana kaso sinabi kong masyado ng gabi para puntahan pa ako kaya umaga na lamang siya pumunta. Pero diyosko! Hindi pa sumisikat ang araw pero andito na siya. Alas kwatro palang ata ng umaga kinalampag na niya ang pintuan ng condo ko. "I don't get that guy. Really. I want to punch him right now." Nanggigigil sa inis niyang sabi sa akin. Hinawakan ko naman siya sa braso para pakalmahin. Eh parang mas apektado pa siya kesa sa akin.
"Hey calm down. I know what you feel. Ako din naiirita. Ano ba kasing gusto sa akin ng lalakeng yun? Kung kailan okay na ako tsaka ako sasabihin ng mga ganoong bagay." Wala sa sarili kong sabi pagkatapos at tumingin sa malayo. Hinawakan naman niya ang kamay kong nasa braso niya kaya napatingin ako sa kanya. Umiling iling siya at umigting ang kanyang panga.
"Don't let him enter into your heart easily Yna. You are too precious to be hurt by a worthless man. If he wants you, then kailangan muna niyang dumaan sa akin. I'll wrapped my own walls for you. Let's see kung susukuan ka ba niya o ilalaban ka niya. Kapag lumaban siya, I'll set you free. But if not, promise me, this will be the last na mamahalin mo ang tulad niya." Malalim na sabi niya sa akin na para bang alam na alam niya ang nasa isipan ko. Hinawakan niya ako sa pisngi pagkatapos. "I care for you Selena. Kung pwede lang na mahalin ko, ginawa ko na. Kaso, I am not a believer gaya ng lagi kong sinasabi, kaya nga kami nag click ni Jacque diba?" Nakangiti pero may lungkot niyang sabi sa akin. Napangiti din ako sa kanya at hinalikan sa pisngi.
"You love me and so does Jacque, but you just don't know how to express it harder. I know you. Matagal na tayong magkakilala Bryan. Huwag sana pati ako paglihiman mo pa, okay?" Masinsero kong sabi sa kanya at niyakap na siya. Everytime I am with him, I feel safe. Kung pwede lang siya na lang. Siguro hindi ako nasaktan noon.
"Mahal mo pa siya, I know." He said after. Hindi yun tanong kung hindi statement. Napailing naman ako habang magkayakap pa rin kami.
"No." Tipid kong sabi. Hinalikan naman niya ako sa buhok at mas humugpit ang yakap niya.
"You don't have to hide anything also Yna. I know you." Pabalik na sabi niya sa akin. Napahiwalay naman ako ng yakap at napatingala sa kanya. Nakangisi siya na parang nang aasar. Inirapan ko na. Bwisit! Sarap tabasin ng dila! Tsismoso. Nagpanggap na lamang ako na parang walang narinig at nagtungo na sa kwarto. Narinig ko naman ang yabag niya hudyat na nakasunod lamang siya sa akin. Narinig ko ang pagtunog ng kanyang phone kaya napatigil din ako at hinarap siya. Kunot noo nanaman siyang nakatingin sa phone niya gaya ng pagkakakunot noo niya sa loob ng kotse kagabi.
"Bakit ayaw mong sagutin?" Taka kong tanong. Napaangat naman siya ng mukha at umirap sa akin
"Excuse me." Sinagot niya iyon bago nag excuse at lumabas ng kwarto ko. Naiwan naman akong tulala doon. Ilang minuto ko siyang hinintay pero hindi na siya bumalik kaya lumabas na ako ng kwarto pero agad na nagsisi ng makita ko siyang may ginagawa sa loob ng pants niya. Nanlaki ang mga mata kong nakatingin doon. "You're giving me a boner right now Jacque!" Pag amin niya sa kausap. At nakapikit pa talaga ang loko!. Napatakip ako ng bibig. Are they having a phone sex right now? "Oh shit. Call me later! Bye." Paalam niya bigla. Napatalon ako sa gulat ng mapagtantong nakatingin na sa akin si Bryan. Napangiwi ako at napalunok. Pilit pa ang tawa ko para hindi maging awkward.
"I'm sorry. I accidentally saw you doing that thing inside your uh..." Hindi ko na maituloy tuloy ang sasabihin dahil sa paninitig ni Bryan sa akin. Napaiwas na ako ng tingin. A moment of silence.....
BINABASA MO ANG
Someone Borrowed (Completed)
RomanceBACHELOR SERIES IV Selena Frances Dela Vega wanted her parents to reconcile. So when she was given the chance to be with her mother, she never wasted any time. She wanted a complete family. She promised they'll have one. She succeeded on that part...